MARLYN
AFTER FOUR YEARS
"Congratulations sweety."
"Congratulations Marlyn."
"Congratulations Apo."
Sigaw nang aking pamilya nang bumaba na ako sa stage. Time flies si fast I'm graduated in College as Business Management. As Magna Com Laude. I'm so blessed to have a supportive family. Isa-isa ko silang niyakap nang makalapit ako sa kanila. Si Mommy naluluha sa saya sapagkat nakatapos ako nang maayos. Inalalayan at inaalagaan ako ni Mommy. Hindi ko naramdaman na walang isang ama. Dahil naging mommy at Daddy si Mommy sa akin. Naluluha akong nagpasalamat sa kanilang lahat. Binigyan ako ni Lolo nang bulaklak.
"Salamat, Mommy, Lolo, mga Ate, Kuya." Madamdaming saad ko sa kanilang lahat. Gusto ko kaagad magtrabaho para makapag pahinga na si Lolo. Hinintay lang nila ako makapag tapos dahil ibibigay na ni Lolo sa akin ang position bilang CEO sa kanyang kompanya. Matapos kaming magkamustahan nag picture taking muna kami nang mga classmate at kaibigan ko sa school. Pagkatapos kami naman ni Mommy. Sunod ang mga relatives. Pagkatapos nang picture taking pumunta na kami sa isang restaurant para kumain nang lunch. Masaya kaming lahat na nagsalo nang lunch sa isang exclusive restaurant na pina reserve ni Lolo. Habang masaya kaming nag kwe-kwentuhan may nag pop-up na message sa aking cellphone. Nang tiningnan ko ay isang message request. Kaya kaagad ko itong binuksan. Bigla akong nalungkot na hindi ko maintindihan ang aking pakiraramdam. It's been 5 years ngayon lang ulit nagparamdam si Daddy. Matagal ko na siyang nakalimutan. Pero tulad nga na palagi na sinasabi ni Mommy na siya pa rin ang Daddy ko.
"Congratulations, sweety! I'm so proud of you! I'm sorry sweety for not being a good father." Basa ko sa kanyang message. Hindi ko maiwasan na tumulo ang aking kuha. Aaminin ko kahit galit ako kay Daddy na miss ko pa rin siya. Naramdaman ko na may humawak sa aking kamay. Pagtingin ko si Mommy na nakangiti. Nabasa niya rin yata dahil nakatingin din siya sa cellphone ko.
"It's okay sweety. His still you're father. I'm so proud of you sweety. Again congratulations. I'm so blessed to have you as my daughter. Always remember remember that I'm always here for you. No matter what happened. I love you so much sweety." Naluluha na wika ni Mommy. Kaya kaagad ko siyang niyakap nang mahigpit.
"I love you too, Mommy! I'm very proud that you are my Mommy." Malambing kong wika kay Mommy kahit may mga luha sa aking mata. Naramdaman ko na may yumakap sa amin. Si Lolo na may luha din sa kanyang mga mata. Kaya ang ending lahat sila nakiyakap din sa amin. Kahit may mga luha kaming lahat sa aming mga mata. Ngunit masaya kaming lahat na buong pamilya. Pagkatapos namin kumain umuwi na rin kami sa bahay ni Lolo. Mamayang gabi daw isasama ako nang mga pinsan ko na mag bar to celebrate. N'ong una ayaw ko pang sumama. Ngunit sa huli pumayag na rin ako dahil sinabi ni Mommy na kailangan kong ma experience dahil kapag naging CEO na ako. Minsan ang ka meeting gusto sa bar pag-usapan ang negosyo to relax.
"Enjoy sweety, please take care of yourself." Wika ni Mommy dahil papunta na kami nang mga pinsan ko sa bar.
"Salamat, Mommy." Wika ko saka yumakap munanako kay Mommy bago pumasok sa sasakyan ni Vincent na pinsan ko. Masaya kaming nagkwentuhan ni Daisy, at Maribel na pinsan ko din. Hanggang sa dumating kami sa bar. Pagpasok namin sobra nang ingay at sari-saring amoy nang alak, cigarettes. Marami na ring lasing. Ang iba walang pakialam na naghahalikan. Pumasok kami sa isang private room. May vedioke at may banda din. Nag-oder si Vincent nang inumin at pulutan. Pero ako juice ang akin. Ayaw ko talaga sa alak. Hindi talaga ako nag try na uminum. Pagdating nang order ni Vincent kaagad na silang nag-umpisa na uminum.
"Cheers to Marlyn. Congratulations again." Sigaw nila sabay namin pinagdikit ang aming hawak na baso.
"Thank you so much." Sagot ko sa kanila. Dalawang oras na kami sa loob nang private room. Hanggang sa nag text ang classmate ko na nasa bar din sila. Kaya nagpaalam muna ako sa mga pinsan ko upang puntahan sila. Paglabas ko hinanap ko kaagad ang kanilang table. Napadaan ako sa counter napansin ko ang isang lalaki na umiinum na mag-isa. Biglang lumakas ang t***k ng aking puso na hindi ko maintindihan. Sapagkat ngayon lang ako nakaramdam nang ganito sa isang lalaki. Iwan ko ba, bigla ko nalang pinagmasdan ang lalaki. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang papa. Napansin ko na malalim ang kanyang iniisip. Napalunok ako saka hinawakan ko ang aking dibdib. Hindi ko alam pero parang gusto ko siyang lapitan at yakapin. Ang gwapo niya kahit naka side view lamang siya. Kinurap-kurap ko ang aking mata. Teka Marlyn, kailan ka pa na gwapohan sa lalaki? Tanong nang kabila kong isipan.
"Marlyn, here." Kaagad akong napatingin sa tumawag sa akin. Si Kristen na classmate ko. Mabuti nalang tinawag niya ako. Pa simple muna akong tumingin sa lalaki. Ganun nalang ang paglaki nang aking mata nang magtama ang aming mata. Nakatingin din pala siya sa akin. Kaagad akong umiwas nang tingin sa kanya dahil pakiramdam ko pulang-pula ang aking buong mukha. Bumilis ulit ang pagtibok ng puso ko sa kanya. Mabilis ang mga hakbang ko papalapit sa table nila Kristen.
"Nagkwentuhan kami hanggang sa nagpaalam na ako na babalik na ako sa aking nga pinsan baka hanapin na nila ako o kaya uuwi na. Habang naglalakad ako na nakayuko hindi ko napansin na may nakasulubong akong lalaki na may hawak na kupita nang alak. Hindi sinasadya na mabangga ko siya. Kaya natapon ang laman nang whiskey sa at sa akin lahat naounta. Dahil kasalanan ko, kahit basa ang damit ko. Humingi pa rin ako ng sorry. Pero dahil lasing na lalaki nagalit siya at gusto niyang bayaran ko ang kanyang inumin. Magsasalita sana ako nang may narinig akong boses sa aking likuran.
"I will pay." Humarap ako sa nagsalita. Ganun nalang ang pag-awang nang aking bibig dahil siya ang lalaki na nakita ko kanina. Natuod ako sa aking kinatatayuan hanggang sa nagbigay na ang lalaki nang pera sa nabangga ko. Hindi parin ako nakagalaw. Nakita ko na hinubad niya ang kanyang jacket at nilagay sa aking likuran. Dahil sa pagka bigla ko at lumakas lalo ang kabog nang dibdib. Sa halip na magpasalamat. Tumakbo ako nang mabilis paakyat sa taas. Mabuti nalang talaga nuon n'ong elementary pa kami ni Khala sumali kami sa Marathon kaya ngayon parang tatlong hakbang ko lang nakarating na ako kaagad sa labas nang VIP room. Sakto naman na bumukas ang pinto at lumabas si Maribel at Daisy. Nagulat sila nang makita ako kaya kaagad nila akong inalalayan papasok sa loob nang vip room.
" Nasaan na ang nakabangga sa'yo? Hinayupak na 'yun. Mabuti hindi mabasag at hindi ka nasugatan." Galit na sabi ni Maribel nang sinabi ko sa kanila ang nangyari. Lalabas nga sana siya ngunit pinigilan siya ni Daisy. Nagbayad na rin si Vincent dahil gusto ko nang umuwi. Mabuti nalang may jacket ako kaya hindi masyadong malamig. Paglabas namin ng vip room hindi ko na nakita ang lalaki. Tumingin pa ako sa paligid na nag baka sakaling makita ko siya. Ngunit hindi ko na siya nakita. Naghihinayang ako na kung bakit ba nakalimutan kong magpasalamat sa kanya. Paano ko maibalik sa kanya ang kanyang jacket?.Hindi bali nalang itatago ko nalang para may remembrance ako sa kanya. Kausap ko sa aking sarili.
Pagdating namin sa bahay tahimik na ang loob. Ala-una na kasi ng madaling araw kaya tulog sa ang lahat. Maingat ang bawat hakbang naming tatlo para hindi makagawa nang ingay. Pagkatapos namin mag paalam sa isa't-isa. Pagpasok ko sa aking kwarto dumiretso na ako sa banyo dahil sobrang lagkit na nang aking katawan. Mabilis lang akong naligo dahil nakaramdam na ako ng antok. Habang nakahiga na ako sa kama. Tumunoh ang aking cellphone. Napangiti ako nang makita ko ang pangalan ni Khala. Kahapon ang kanilang graduation ni Analyn. Bago ako pumunta sa school kanina para sa graduation ko nag-usap din muna kaming tatlo.
"Hello best , kamusta ang pag ba-bar? May nakita ka na ba nang the one mo?" Nakangiti na tanong ni Analyn at Khala. N'ong sinagot ko ang tawag. Nasa condo sila ni Khala kaya malamang nakikitulog si Analyn sa kanya..Sinabi nila na uuwi si Analyn sa kanilang probinsya at sasama si Khala upang magbakasyon. Excited na raw ang bruha sa kanyang bakasyon. Pero napansin ko si Analyn na nakasimangot. Kaya tinanong ko siya. Kaagad naman na sumagot si Khala na ayaw niyang umuwi dahil nandun ang mr.right ni Analyn na ilang ulit siyang ni-reject. Sabay tawa nang malakas. Kaya sinamaan ni Analyn nang mata. Marami pa kaming pinag-usapan kung ano-anong hanggang sa nagpaalam na kami sa isa't-isa. Dahil mag I-impake na raw sila nang kanilang mga gamit. Sobra na rin akong inaantok kaya pagkatapos kung patayin ang tawag kaagad akong nakatulog.