THIRD PERSON "BEST Kamusta ka? Okay ka lang ba? Kamusta ang baby mo sa loob. Bakit hindi mo kami tinawagan kagabi. Sana kagabi pa namin nalaman." Sunod-sunod na tanong ni Khala at Analyn pagdating nila sa bahay ng mga Omian. Dumiretso sila kaagad sa loob ng silid ni Marlyn. Naabutan nila si Yell, Katrina at Maribel na kayakap si Marlyn habang umiiyak. Nasa sala naman ang mga lalaki at nag-uusap sa problema ng kanilang kaibigan. Natutulog naman ang triplets sa kanilang kwarto. Nilipat muna ng Yaya ang mga bata para makapag-usap ng maayos ang magkaibigan. Kahit na may masamang nangyari gusto parin ni Mr. Gray na mag celebrate ng birthday ng triplets. Kaya nagpa cater nalang siya at dito sa bakuran ang handaan. Niyakap ng mga kaibigan nila si Marlyn. Kahit naluluha si Marlyn pinasigla niya

