SAMANTHA POV Ten o' clock na ng umaga at nakaupo ako ngayon dito sa sala. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari kahapon. Iyong sulat. Sigurado ako na kay Zyne galing 'yon. Alam ko, nararamdaman ko. Napalingon ako sa labas ng bahay ng may nag doorbell dito. Kahit hirap sa paglalakad dahil sa bigat at laki nag tiyan ko ay tumayo ako at naglakad palabas para pagbuksan ang kung sino man 'yon. ''Kayo pala,'' nakangiting bati ko kina Seven at kasama yung kambal. ''Parang hindi mo kami inaasahan, ah?'' natatawang sabi ni Shawn pero tumawa lang ako. ''Tuloy kayo sa loob,'' sabi ko at naglakad kami papasok pero nakakailang hakbang pa lamang ay may isang boses na tinawag ang pangalan ko na s'yang ikinatulo ng luha ko. ''S-Samantha. W-Wife,'' ''Zyne!'' malakas na sigaw n

