SAMANTHA POV ''W-Wife?" gulat na tanong ni Sunny. Mula sa pagkakabuhat sa akin ni Zyne ay puwersahan akong bumaba bago kinakabang tumawa. ''W-Wife?" kinakabahang sabi ko. "Sinabi ba n'yang wife? Naku hindi ah. Ang sabi kaya n'ya ano... ano... I-Iyong...'' Naku Samantha!! Isip! Mag-isip ka— ''Samantha is my wife,'' pagpapatigil sa akin ni Zyne kaya naman gulat na nilingon ko s'ya bago sinamaan nang tingin pero parang wala lang sa kan'ya. ''So, will you please leave? Nagseselos kasi ang asawa ko and thanks for your time but I've change my decision. Kay Samantha na lang ako magpapasama,'' bored na sabi ni Zyne bago pinagtulakan palabas si Sunny at sinarado ang pinto samantalang hindi naman ako kaagad naka-react dahil sa gulat. Pagkasara ni Zyne ng pinto ay hinarap ko s'ya. ''B-Bakit mo s

