SAMANTHA POV Tahimik lamang ako hanggang sa makadating kami sa hotel room namin. Hindi din naman nagsasalita si Zyne kaya nakaramdam ako ng kaba. Galit kaya s'ya? Okay lang naman sa akin kung pagagalitan n'ya ako kasi kasalanan ko naman talaga. Wala akong alam dito sa Japan pero ang lakas ng loob ko para gumala. Dumaretso naman si Zyne sa kama n'ya bago naupo doon at hinubad ang suot n'yang damit at naghanap ng sando sa kan'ya dalang gamit. Wala ako sa mood ngayon para magpantasyahan ang abs ni Zyne dahil may kasalanan ako. ''Z-Zyne,'' tawag ko at pagkasuot n'ya ng damit ay tumingin ito sa akin at sinenyasan ako na lumapit sa kan'ya. Sinunod ko naman ang gusto nito bago ako lumapit sa kan'ya ''Zyne sor—aray!'' maiyak iyak na sabi ko matapos akong batukan ni Zyne. ''Parusa mo 'yan,''

