SHAWN POV ''Ano ba! Bitawan mo nga ako!'' galit na sabi sa akin ni Sunny habang hinihila ko s'ya papalayo sa kwarto ni Samantha. ''Shawn, ano ba!'' sigaw nito ng patulak ko s'yang binitawan. ''Hanggang nagyon ba naman, pasaway ka pa din ha? Sunny?'' pigil na sigaw na sabi ko. Galit na nilingon naman ako nito habang hinihimas ang wrist nito na hinawakan ko kanina. ''Ano ba ang pakialam mo!?" ''May pakialam ako dahil kapatid kita!'' Nauubusan na talaga ako ng pasensya sa kaniya. ''Kapatid? Baka ibig mong sabihin ay stepsister?" nakangising sabi nito. ''Iyan na naman ba ang isuue natin dito, Sunny?" ''Bakit, kuya? Kailan ba hindi naging issue ang tungkol do'n?" sabi nito at huminga naman ako nang malalim. ''Sunny, alam nating pareho na kahit kailan ay kapatid ang naging turing ko

