SAMANTHA POV Matapos ng nangyari kanina sa Braux company ay nagkapirmahan na ang dalawang kampo tanda ng isang deal. Nangangatog pa nga ang kamay ni Shawn habang pumipirma dahil baka daw sakalin ko ulit siya. Ngayon ay nakasakay na kami ni Zyne sa kotse niya at nagmamaneho na siya papunta sa company. Tahimik lamang akong nakaupo sa may passenger seat at pasilip-silip kay Zyne. Alam niyo na, baka may gustong sabihin? Pero hanggang sa makarating kami ng company ay wala siyang sinabi. Hindi ba siya marunong mag Thank you? Hindi ba niya na appreciate ang effort ko? Kung hindi dahil sa akin, tuluyan ng makakawala ang Braux! ''Ah, Zyne—'' pero wala na. Nakalabas na siya ng kotse at dare-daretso pumasok. ''Salamat Samantha. Ang ganda mo na nga, ang bait mo pa!'' sabi ko na lang sa sarili ko b

