SAMANTHA POV Ngayong araw na ang uwi namin ni Zyne sa mansion pagkatapos kong ma-discharged sa ospital at paalalahanan ng mga Doktor. Dumalaw din naman dito si Dad kanina pero umalis din kaagad dahil s'ya ang namamahala sa kumpanya ni Zyne. Pagkalabas namin ng ospital ay sumakay kami ng kotse at nagmaneho na si Zyne pauwi pero pinigilan ko s'ya. ''Zyne, may alam ka bang malapit na park dito?" tanong ko sa kan'ya. "Malapit sa mansion, mayroon. Why?'' tanong niya habang nagmamaneho. ''Pwede ba na sumaglit tayo doon?" tanong ko at kita ko naman ang pagtataka n'ya ''Ano naman ang gagawin natin doon?" tanong n'ya. ''Gusto ko kasi mag punta sa park. Sige na, Zyne,'' pangungulit ko habang nakangiti at nakita ko naman na iniliko n'ya. Yes! Nanalo ako. Pagkadating namin sa park ay naunang

