CHAPTER 4: Tycoo

1364 Words
"Ikaw lang ang amo na nakita kong walang pakialam sa tauhan," diretsuhan kong sinabi kay Troylan. Inaayos niya ang mga baril sa lagayan. Kinakalkal din ang nanakaw ng tauhan niyang nakatakas, si Ampher. "Ikaw lang din ang inuutusan kong walang ambag, Zennaida. Magaling ka lang sa kama pero kapag uutusan ka ay tatanga-tanga," walang preno niyang saad sa akin sabay kasa ng baril. Paalis na sana ako ngunit naalala ko ang dalawang tauhan na naiwan sa lugar nila Jack. Hindi natuloy ang pagbaril dahil nga sa akin at pinaalis pa ako ng wala sa oras, naglakad lang ako kahapon palabas ng subdivision nilang kalayo-layo sa gate. "At least napapakinabangan mo ako, Roy. Huwag kang magsalita riyan, ang dalawa mong tauhan patay na sana kung hindi ko lang isinalba," sumbat ko. "Ewan ko lang ngayon." Simula ng trinabaho ko ang utos niya, walang araw na hindi kami nag-aaway ni Troylan. Masiyado siyang atat, hindi makapaghintay sa proseso ng ginagawa ko. Samantalang siya ay paupo-upo lang tapos kumikita. "Putangina! Edi salamat, Zennaida! Utang na loob ko ang buhay nila, okay kana ba roon? Ano pang gusto mo? s*x magdamag?" Hindi niya na 'ko hinantay sumagot, bigla na lang niyang sinunggaban ang labi ko at pinunit ang sando nang walang kahirap-hirap, halatang sanay na sa kama. Ngunit sa kabila ng ginagawa niya at pananabik ko, kumalas ako sa kaniya. "Putangina mo rin! Hindi mo ako madadala sa kakaganiyan mo, magaling lang ako sa kama 'di ba? Magtiis kang buwisit ka!" Palabas na sana ako ngunit nagsalita siya. "Ayusin mo lang ang tinatrabaho mo, Zennaida... baka iba na ang tinatrabaho mo," may pagbabanta sa kaniyang boses. Umuwi ako sa bahay kahit na punit ang sando ko, walang pakialam sa titig ng mga kapitbahay, takot lang nila kay Troylan. Isa rin iyon sa advantage ko bilang nobya niya, hindi nababastos ang pamilya ko dahil sa takot nila. "Oh, ano'ng nangyri sa 'yo, ate?" tanong ni Zame, ang kapatid ko. "Mukhang galing ka sa yugyugan," dagdag pa niya. "Buang ka! Nasaan sina Mama at Tatay?" tanong ko. "Si mama, pumunta ng probinsya. Hindi niya na raw tayo kinakaya, magpadala kana lang daw sa kaniya. Si Tatay naman, tumira na naman ata. Magpalit kana nga, makita kapa ni tatay diyan." Ang nanay ko ay may ibang pamilya, kahit hindi niya sabihin alam na namin. Nahuli namin siya ng kapatid ko noong pumunta kami sa probinsiya, hindi na nga lang kami tumuloy dahil masaya siya sa bago niyang pamilya. Si Zame lang naman ang matino sa aming dalawa. "Jack!" mahina ko siyang kinalabit. "Um?" tipid nitong sagot. Pokus na pokus sa baraha, nagto-tong-it siya ngayon. Siguro na-realize niya na masyado na siyang natatalo sa paglalaro ng casino. Suwerte ko nga at nakagawa ng paraan si Jaziah para malipat ako kung nasaan si Jack. "Mayroon akong candy sampalok dito baka gusto mo." Tiningnan niya ako kaya nagpa-cute ako sa kaniya. Infairness, nagle-level up na rin ang pag-uusap naming dalawa. Despite na may nalaman ako sa kaniya at hawak niya ang dalawang tauhan ni Troylan. Kailangan ko lang makapunta sa kanila ulit para mapakawalan ang dalawa na iyon. "I don't know that. Can you shut up? Nagugulo mo ang baraha ko." Napatingin sa akin ang mga kalaro niya. "Tanggapin mo na, pre... kung ako iyan pati sampalok niya ay titikman ko rin," makahulugang sinabi ng lalaking kalaro ni Jack, lalaki naman silang lahat, kaming mga katabi lang nila ang babae. Ang layo naman ng sampalok sa pekpek ko! Hindi talaga makatiis sa isang pekpek ang mga lalaki. Nako! Bumuntong hininga si Jack at tumingin sa akin. "Ang sabi ko hindi ko alam iyan, but give it to me. If you want to say something futile just shut your mouth kung ayaw mong mabastos," masungit niyang binulong. Nakatataas ng balahibo ang mahina niyang boses, para siyang isang himig sa aking tainga. Binigay ko sa kaniya ang candy na sampalok, nakangiti naman akong pinagmamasdan siya habang binubuksan iyon, tiniklop pa ang baraha para lang mabuksan ng maayos. "Is it tamarind with sugar? So sour and a bit sweet!" reklamo ni Jack. Piste talaga ang kaartehan ng lalaki na 'to, alam naman pala ang sampalok, in english nga lang. Lumapit ako sa kaniya, akala ko ay itutulak niya ako pero hinayaan niya lang ako. Nakatingin na nga sa amin ang lalaki kanina. "Candy nga 'di ba? Alam mo naman pala ang sampalok, kutusan kita, eh!" Tumingin siya nang masama sa akin at inangat ang kilay kaya nag-peace sign ako. "Joke lang... sarili ko ang kukutusan ko." Ipinakita ko pa sa kaniya na kinutusan ko ang sarili ko. Pinapanood ko lang siya at hinihilot. Nakakaboring na nga masiyado ang ginagawa ko, pero nag-eenjoy naman ako sa kasungitan ni Jack, pa-hard to get pero kapag lasing, easy to get. At sa wakas, nakita ko rin siyang nanalo. "Buwisit na baraha!" sambit ng lalaki kanina, hindi ko naman kasi alam ang pangalan. "Malas ka sigurong babae ka, sayang lang ang ibinayad ko!" sambit nito sa babae na kaniyang katabi, kaya takot na tumingin sa kaniya ang babae. "Tycoo, is that how you accept your lost?" si Jackson, binanggit ang pangalan ng lalaki. Mukhang aso na nga ang mukha, pangalan din ng aso ang pangalan. Mukha naman silang magkakilala, friendly din pala itong si Jackson, ha. Hindi na sumagot ang lalaki at umalis ito ng padabog. Sumunod naman si Jack, hindi na ako pinansin. Hindi ko na hinabol, nagpalit na lang ako ng damit para umuwi na at maaga makatulog. Mukhang wala namang bagong mangyayari bukod sa masungit siya sa akin. "Out na?" tanong ni Jaziah na nasa front desk. "Yap. Ikaw? Push na push ka today, ah. Baka mabutasan ka niyan," biro ko. "Gaga! Nasa front desk ako, mabubutasan." Tumaray siya. "Lumayas kana nga!" Pababa na ako ng hagdan nang may humawak sa pulsuhan ko at ang lalaki na mukhang aso lang pala. Siya ang humatak sa akin pababa, mabigat ang mga kamay niya. "Hoy, tangina mo! Bitawan mo nga ako!" inis na sambit ko. "Huwag kang maarte, kanina pa ako nanggigil sa iyo! Dito kana sa akin, hindi ka naman papansinin ni Jack. Akala mo papansinin ka niyon? Hindi pumapatol 'yon sa kagaya mo." Dinikit niya ang labi niya sa tainga ko. Nakapikit akong umiiring, nandidiri sa kaniya. Hindi ako makabitaw dahil sobrang higpit nang hawak niya. "Nakakadiri ang gaya mo, bitawan mo ako kung ayaw mong sumigaw ako!" halos mapalakas na ang boses ko. "Edi sumigaw ka! Akala mo maririnig ka sa taas?" mayabang na saad nito. "But I'm seeing you, Tycoo." Mabibigat na yabag ang ginawa ni Jack papalapit sa amin, kasama ang dalawa niyang tauhan. Ang dalawa niyang kamay ay nakasuot lang sa bulsa ng kaniyang sweater. Walang emosyon na tumingin sa kamay ni Tycoo na hawak ako. "Pre, bigay mo na ito sa akin," parang tanga niyang pakikiusap. "Bitawan mo, Tycoo. I'm not your kid, you didn't pay her but I tabled her so let her go." Walang ginawa ang lalaki kung hindi ang bitawan ako dahil hinatak ako ni Jack. Hinatak na rin ako ni Jackson palabas. May binulong sa kaniya ang mga tauhan niya at tumango naman siya. Mukhang magkakaroon pa ako ng pasa dahil sa lalaki na iyon. "Sumakay kana sa kotse mo," sambit ni Jack. "Wow! Hindi mo man lang ako tatanungin kung ayos naba ako?" OA kong tanong. "Tsk. Is it not enough that I saved you again despite of your naughtiness?" "Oo na sasakay na!" "Masiyado kang malapitin sa mga lalaki. Is that how you gave yourself easily to others?" ang mga mata niya ay seryosong nakatingin sa akin. Pumikit ako. "Hindi ko na kasalanan iyon, Jack. Isipin mo na ang gusto mong isipin." Ngumiti ako. "Aalis na ako," seryoso kong sinabi. Bago ako sumakay sa sasakyan ko, tumingin ulit ako sa kaniya at sinusundan pala niya 'ko ng tingin. Palagi talaga siyang sumusulpot kapag nasa kamay ako ng mga manyak, kahit masakit siya magsalita ay okay na rin dahil nililigtas niya ako. "Why?" nakataas ng kilay si Jack, hinahantay ang sagot ko. "Salamat... tinulungan mo ulit ako," sinsero kong sinabi. Kaunti na lang, mapapalambot na kita. Makukuha ko na rin ang mga sagot na kailangan ng nobyo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD