CHAPTER 3: Code

1545 Words
"Magkano?" Bungad ni Jack sa mata kong kakadilat lang. Umupo ako, nanatiling nakatakip ang katawan ng kumot. Naka-bra lang kasi ako dahil ang init sa hotel na 'to. Wala akong dalang sapat na pera kagabi at hindi ko makita ang pitaka nitong kumag na 'to. "Ano?" nakakunot kong tanong. "Siraulo ka talaga, 'no?" "What's wrong in asking you how much?" sarkastiko niyang sagot. "Did I table you last night or you took advantage of me because I was drunk?" "Siraulo ka nga!" kumpirma ko sa sinabi ko. "Eh, ikaw kaya iyong gusto ng kasama kagabi, niyaya mo pa ako sumayaw at worst, nakipaghalikan ka sa akin! At alam mo ba ang nakakainis? Iba ang binanggit mong pangalan... ano nga ulit iyon..." Pilit ko pang inaalala ngunit nagulat ako sa malakas niyang boses. "Enough! How much so you can stop saying that to me?" Namumula ang mukha niya. Ngayon ko lang napansin na mayroon siyang tattoo na halos takpan na ang dalawang braso niya. Ngayon ko lang din napansin na masiyado akong nakatitig sa sarili niyang pandesal. Grabe! Siya lang ata ang drug lord na maganda ang katawan. "Masiyado kang masungit, alam mo iyon? Pero mukha kang maamong lalaki, uhaw na uhaw sa halik," pang-aasar ko sa kaniya. Sinasariwa kung paano niya ako halikan pabalik kaso nga lang iniisip niyang hindi ako iyon. "Sino si Zen?" pausisa kong tanong. Huminga siya nang malalim at tumalikod sa akin, hinahaplos ang kaniyang ulo. Sinuot ko na ang damit na puti na galing dito sa hotel, mahaba naman kaya hindi na ako nag-abala na isuot ang skirt tutal nasukahan niya 'yon kagabi. "Natahimik ka ata!" Pinisil ko ang pisngi niya kaya naangat ang damit ko. "Sino si Zen?" pag-uulit ko. "Stop mentioning that name, hindi ko alam." Iniwas niya ang tingin sa akin. "Answer my question, magkano ang dapat kong ibigay sa 'yo? I'm too much wasting my time being with you!" "Talaga?" pang-aasar ko. "Ang kulit mo talaga, 'no? Hindi ko naman kailangan ng pera mo... ang kailangan ko ay ikaw, pakikipagkaibigan." "Fine!" padarag niyang sagot ngunit nakangiti ako at sumayaw-sayaw pa. "But wear your shorts on." Hindi siya makatingin sa akin. Naghanap ako ng short rito sa loob ng hotel pero wala talaga. Paalis na dapat siya pinipigilan ko lang, may silbi rin pala itong kakulitan ko sa kaniya. "I'm going to be late," inis niyang saad sa akin. "Wala akong shorts, sinukahan mo kaya ang skirt ko!" tinaas ko ang kilay sa kaniya at umupo sa kanilang tabi, dahil wala akong shorts nakabalandra ang hita ko. "'Di ba sabi mo pupunta ka pa sa condo? What if pahiramin mo muna ako?" "Hell no! Hindi ko hahayaan na makapasok ka sa condo ko. Wear your skirt last night and we'll be heading to the mall to buy you shorts, ayokong magkautang sa 'yo." "Ang sungit mo talaga, 'no?" Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya. "Pero huwag kang mag-alala, maluluhuran din kita gaya ng sabi ko noong una nating kita." Kumindat ako. "Ang layo ng sagot mo sa sinabi ko, masiyado kang lumalandi sa akin," sa matigas na boses niya sinabi. Siyempre biro lang pero depende. Kahit naman sinabi ni Troylan na puwedeng may mangyari sa amin ni Jack depende sa diskarte ko ay hindi ko pa rin gagawin. Ganoon ko kamahal si Troylan. "Who told you to sat next beside me?" "Ako! May angal ka ba? Masiyado kang maarte!" Nagsalamin ako para makita ang mukha ko. Hindi na niya 'ko pinansin dahil may kausap pala sa cellphone. Tangina! Saka ko lang naalala ang cellphone ko, dito ko pala nadala sa sasakyan niya at hindi ko napasok sa hotel dahil ang bigat ng lalaki na 'to. "What are you doing?" nakataas ang kilay niya sa 'kin. "Bawal mong pakialaman ang mga gamit ko." "Ugok! Nandiyan ang selpon ko." Wala na siyang nagawa nang buksan ko na ang lagayan malapit sa speaker ng kaniyang sasakyan. Ngayon ko lang napansin na may baril pa lang nakalagay doon. Hindi ko man lang nakapa kagabi. Habang nagmamaneho siya ay tahimik lang kami. Ka-text ko si Troylan at binabalita ko na nasa loob ako ng sasakyan ni Jack. "Teka lang naman! Muntik na 'ko masubsob, bakit ba ang bilis mong magpatakbo?" angil ko. "Will you shut up at least for now? Some wants to be dead through my hands, hindi tayo pupunta sa mall." Kinabahan ako bigla sa kaniya. Mayroon siyang aura na katatakutan mo talaga. Kahit halos masubsob na ako sa sasakyan niya, hindi ako umimik. Pumasok kami sa loob ng subdivision, magkakalayo ang agwat at sa bandang dulo kami huminto kung saan wala pang bahay, isa pa lang ang nakatayo. "Bilisan mong bumaba," utos niya sa akin. Nawala ang angas ko sa kaniya ngayon. May sumalubong sa aming mga armado na lalaki, bukod pa sa dalawang nakikita ko tuwing nasa Gambsin siya. Mayroon itong malalaking baril. "Tinangkang pumasok sa loob, sir. Ang isa sa kasama nila ay nakatakas at nanakaw ang isang basket ng droga natin, mabuti hindi nakuha ang listahan," ani ng tauhan ni Jack. Wala akong ideya kanina ngayon ay mayroon na. May nagnakaw pala, naasisa naman ako sa sinasabi nilang listahan. "Nasaan si Trace, Drei?" tanong niya sa lalaki, hindi man lang nagpasalamat. "Sa loob, boss. Nililintikan na ang dalawang naiwan." Nasa likod lang niya ako, sa bawat hakbang niya nararamdaman kong mabigat ang kaniyang loob. "Puwede mo ba 'kong hantayin? Nakakatakot ka masiyado!" reklamo ko. "Drei, bigyan mo 'to ng short. Make sure na hindi siya makakatakas sa paningin mo," utos ni Jackson kay Drei. "'Wag mong sabihin na pati pagbibihis ko ay nakatingin siya?" Nakapamaywang akong humarap sa kaniya. "Hindi tanga ang mga tauhan ko," walang ekspresyon niyang sagot. Kahit gusto kong sumama sa kaniya, hinatak na ako ni Drei. Nanlalagkit na rin ako sa skirt ko na sinukahan niya. In fairness, ang ganda ng closet dito. Hindi ko 'to matatawag na kwarto dahil wala namang kama. "Bakit mayroon kayong pambabae na mga damit? Aha! Nagdadala kayo ng babae, 'no?" feeling close na tanong ko kay Drei. "Sa ex ni boss Jackson iy--" hindi natuloy ni Drei ang sasabihin niya. "Puta! Ang dami mong tanong!" May pumatol na pala sa lalaki na iyon. "Isang tanong lang naman ang tinanong ko sa 'yo, anong marami." Tinarayan ko siya bago magbihis sa bibihisan. In fairness sa lugar nila, malinis parang opisina lang. Iyong tambayan nila Troylan ay marumi at walang pintura, ngunit sa ibabaw ay bahay niya. Sa undergound kasi itinayo ni Troylan iyon. "Saan ka pupunta?" harang sa akin ni Drei. "Pupunta kay Jack. Titingnan ko lang kung paano kumanti ang boss niyo." "Hindi pumapatol sa mahihinang nilalang si boss. At huwag mo nang hilingin kung paano siya kumanti, daldalhin mo iyon habang-buhay." Hindi niya ako tinatakot pero nakakatakot siya. Hindi na lang ako umimik at lumabas na. Wala akong alam sa lugar na 'to kaya sinamahan ako ni Drei bumaba, hinahanap ko si Jack pero hindi ko siya makita. "Dito ka lang muna, huwag kang aalis. Naiintindihan mo?" Tumango lang ako kay Drei. Kay Jack nga ay hindi ako sumusunod sa kaniya pa kaya? Sinundan ko siya, alam kong pupunta siya kay Jack. Akala ko maliit lang ang pasilidad ngunit hindi pala, masiyado siyang mahaba at maraming mga kuwarto. Bumaba si Drei kaya bumaba rin ako ngunit hindi magkasunod baka mahuli niya ako. "Paano ba 'to, Jack? Ayaw sumagot gusto ata ikaw pa ang magtanong. Sabihin mo lang kung tutuluyan ko na," ani ng matangkad na lalaki. May dugo na siya sa kamay niya. Bigla kong naaninag ang binubugbog ng lalaki, tauhan ni Troylan ang dalawa na iyan! Naku! Yari na nga kayo rito yari pa kayo kay Troylan. "Follow the code, Trace. If a person stole something from us and trespass our place, putukan sa isang paa at patakasin, hindi nakakalakad nang maayos paalis, bilang ng sampu at saksakin pero siguraduhin niyong hindi mamamatay kung hindi ikaw ang papatayin ko, Trace." Tumayo ang balahibo ko kay Jackson. Nakakatakot siyang magsalita. Halos hindi ko nga magalaw ang mga paa ko. Naglabas na ng baril iyong trace at itinutok na kay Milren, isa sa nahuli. "Teka lang!" umeksena ako kahit na tinutok na nila sa akin ang baril. Hindi ko na inisip ang takot ko at bigla na lang pumagitna para lang hindi maputukan si Milren. "Who the f**k are you?" tanong ni Trace. "Lintek ka!" problemadong saad sa akin ni Drei. "Put down the gun. Kilala ko siya," utos ni Jack at saka ako hinatak palayo. "What are you doing here? Hindi ka talaga marunong makininig, 'no?" galit niyang tanong. Ang higpit nang pagkakahawak niya sa kamay ko. Tumingin ako sa dalawa, kahit bugbog na ang mukha nila alam kong naaaninag pa rin nila ako. Mabuti na lang hindi sila umapila na tawagin ako, lagot talaga kami pare-pareho. "Puwede bang bitawan mo 'ko? Ang sakit na kaya!" maluha-luha kong sambit, namumula na nga ang kamay ko, eh. "Mabuti nga pinigilan ko pa, makukulong kaya kayo sa ginagawa niyo," painosente kong sinabi sa kaniya. "You don't know how much they stole from us, Zennaida. Suwerte pa sila kasi pinapatakas. You know why? Gusto kasi naming ipaalam sa boss nila, kung gaano kami kadelikado," walang ekspresyon niyang sinabi at kinasa ang baril. "Kaya huwag mo akong susubukan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD