"Nasaan na ba ang lalaki na 'yon? Ang bilis naman ng sasakyan niya, nakakainis!" hinampas ko ang aking manibela, hindi ko na nasundan si Jack sa sobrang bilis niya magmaneho.
Liblib pa naman ang lugar na 'to. Halos isang linggo ko na siyang nakakasama tuwing gabi, dahil tama nga sila, palaging nandoon si Jack. Wala pa akong nakukuhang impormasyon bukod sa palagi siyang talo at ang kapalit ay shabu.
"Lalambot ka rin talaga sa 'king lalaki ka," bulong ko sa sarili ko.
Nagsindi muna ako ng yosi ko habang nagseselpon dahil mahangin dito, nasa madamo ba naman ako kung hindi lang mabilis ang lalaki na 'yon, eh.
"Akin na selpon mo!" Halos mapatalon ako sa gulat.
"Putangina! Ano namang gagawin mo sa selpon ko?" mataray kong tanong, may nakatutok pa sa 'king kutsilyo.
Hindi naman niya 'ko tutuluyan, alam ko na iyan! Ang mga tauhan ni Troylan ay nangho-holdap din kaya sanay na 'ko at alam ko ang mga teknik nila, panakot lang ng mga gunggong ang patalim.
"Hindi mo bibigay? Bangkay ang aabutin mo," panakot pa niya sa 'kin, pilit na kinukuha ang selpon mo. "Pero bago ka maging bangkay, papatikimin muna kita ng masarap," nakakadiri niyang sinabi.
Tiningnan niya ako nang malaswa mula ulo hanggang paa. Madadali na nga lang ako ng mga ganitong klaseng tao, sa liblib na lugar pa. Malas talaga!
"Kadiri ka, tanga!" sagot ko sa kaniya, pinipigilan na ipakita ang takot ko sa kaniya.
"Ayaw mo talaga? Sige ka, malawak naman ang damuhan dito, papati--"
Hindi niya napansin na mayroong humintong sasakyan sa tapat namin, at lumabas doon si Jack. Nasilaw pa ako sa ilaw ng sasakyan niya. "Malawak ang damuhan para patayin kita." Matalim na titig ang binigay niya sa lalaki bago niya ako senyasang lumayo sa demonyo na 'to.
Nahaluan ng takot ang lalaki kaya roon ako nagkaroon ng lakas para sapakin siya ng malakas at itusok sa kaniya ang umuusok kong sigarilyo.
"Matapang kang gago ka, ha!" sigaw ko sa kaniya at hinayaan na namin siyang sumakay sa motorsiklo nang ika-ika.
Inayos ko muna ang buhok ko at ang skirt na halos lumabas na ang suot kong short. Naglakad na papasok si Jack sa kaniyang sasakyan ngunit tinakbo ko ang pagitan naming dalawa.
"What?" Inis siyang lumingon sa 'kin.
"Salamat, Sir Jackson." Ngumiti ako nang malandi. "Buti dumating ka, muntik na maka-score ang gago na iyon!"
"I'm actually here, masiyado ka lang nasobrahan na sundan ako. If you want illegal drugs I could give it to you right away," masungit niyang sinabi.
Paano ba palambutin ang lalaki na 'to at ilang beses ko ba dapat sabihin na hindi ko kailangan ng shabu dahil ang nobyo ko ay marami na niyon.
"Hindi ko nga sabi kailangan non. Ano... may sasabihin kasi ako sa 'yo," kunwari pa akong nahihiya. "Puwede ba akong sumabay... sa 'yo? Natatakot kasi ako."
Kung hindi kita masusundan sasakay na lang ako sa sasakyan mo, akala mo riyan, ha! Maganda na rin na hindi siya nauna, baka mamaya kung ano pa ang gawin sa 'kin ng mokong kanina.
"Why would I do that? I don't even know you! Isa ka lang naman sa mga mababa ang lipad, kung manghawak sa akin ay parang humingi ka ng permiso. Yet, I helped you because I know how does it feel... ang mabastos," bakas sa boses niya ang galit sa akin.
Iniwas ko ang tingin sa kaniya dahil napahiya ako. Kahit ang lalaki ay puwede ring maramdaman kung ano ang nararamdaman ng babae d
sa tuwing nababastos.
Bakit parang ako ang lumalambot sa lalaki na 'to?
"Teka lang naman!" hinampas ko ng mahina ang kaniyang salamin sa bintana. Bakit ba ang bilis nitong kumilos?!
"Darn!" Pumikit siya, halatang nagpipigil lang sa akin. "Sumakay ka sa sarili mong sasakyan. Hahantayin kita na makapasok at makaalis."
Wala akong nagawa, baka ako ang malintikan sa lalaki na ito. Pagod akong pumasok sa bahay ni Roy, mabuti na lang wala siya kahit anong oras na kaya nagkaroon ako ng magandang tulog.
"Kamusta na?" malambing na tanong sa akin ni Troy.
Mabait naman itong mokong na 'to hindi lang mabuti dahil nabulag na sa pera, takot na rin mawalan dahil nanggaling din sa kahirapan. Maitsura siya, malaki ang mata ngunit bagay naman sa hugis ng kaniyang mukha, may makapal na kilay na mayroong hiwa sa dalawang magkabila para magmukha siyang maangas. May malalaki siyang tattoo ngunit sa likod.
"Ako? Maganda pa rin!" Ngumiti ako at umupo sa lamesa niya. Nasa harap kami ng mga tauhan niya.
"'Yun, oh!" Kantyaw ng iba.
"Eh, ang pinapagawa ko sa 'yo? Dapat maganda rin iyan." Nakatitig lang silang lahat sa akin, hinahantay ang sagot ko.
"Kumokonti na ang gustong bumili sa 'tin, dahil sa lalaki na iyon, boss," saad ni Amper.
Bwisit akong ngumiti kay Amper. Mayayari na naman ako nito kay Troylan, malakas pa naman ang topak ng lalaki na 'to kapag atat.
Nakapaymaywang ako. "Palagi siyang talo kaya shabu ang ibinabayad niya, at maraming nagsasabi na mas gusto nilang bumili kay Jack ng ipinagbabawal na gamot dahil mura."
"Bobo ka talaga, Zennaida! Akala ko pa naman maaasahan ka riyan, eh, bakit nga mas mura sa kaniya, ha?!" galit na tanong ni Troylan.
"Ewan ko, bobo!" Kung magsagutan kami ay parang hindi kami magkasintahan.
Napukaw ng atensyon ko ang balita. Ang matanda na nahuli dahil gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Siya iyong binayaran ni Jack ng shabu, Edwardo pala ang pangalan niyon. Maging ang isang lalaki ay nahuli rin na kalaban ni Jack sa casino.
"S... sila iyong kalaban ni Jack noong una kong punta sa Gambsin, nahuli pala," salita ko.
"Hindi pa mahuli-huli iyong gagong Jackson na 'yon, sana siya na lang ang nahuli," inis na saad ni Roy.
"Baka kagaya mo rin siya, Roy... may kapit," diretsahan kong sabi.
Hinatak ni Troylan ang buhok ko kahit nanonood ang mga tauhan niya kung paano niya ako saktan at pahiyain. "Ikaw, manahimik ka! At gawin mo ang ipinapagawa ko nang maayos at mabilis kung hindi isusumbong kita sa tatay mo, tangina ka!"
Pumiglas ako sa kaniya at lumayas. Ang ayoko sa lahat ay nakikita akong sinasaktan ng ibang tao, nagmumukha akong mahina. Hindi na 'ko pumalag para hindi na humaba pero akala niya papasok ako sa Gambsin? Lintek lang ang walang ganti, buwisit!
Mas gugustuhin ko pang pumasok sa trabaho ko, sure na may sweldo.
The Chic Bar. Pumasok na ako sa loob pagkatapos basahin ang pangalan na pinapasukan ko.
"Oh! Mabuti nandito kana, si Duke... matamlay," biro ni Carolina. Mas gusto kasi sa akin ang lalaki na iyon, waiter din.
"Gaga ka! Alam mong may nobyo ako, eh," sagot ko kay Carolina habang nagpapalit ng damit.
"Oo na. Bigay mo na 'to table 38, mag-isa lang iyon medyo lasing na." Binigay na sa 'kin ni Carolina ang order.
Waiter lang kami rito pero kailangan revealing pa rin ang suot para kung may gustong i-table kami, okay ang damit. Marami na ang tao, may mga lasing na nga.
"Nandito kana pala, Zennaida! Naks, ganda ng suot mo, ah!" Malaki ang ngiting iginawad sa akin ni Duke.
"Siyempre, no! Tagal ko ring nawala kaya na-miss kita." Nakipag-appear pa ako sa kaniya. "Pero bilang kaibigan," dagdag ko bago mag-serve ng order.
Ang wi-wild na ng mga tao sa gitna ng dancefloor kaya hindi ako makadaan nang maayos. Nagulat pa ako ng pamilyar sa akin ang lalaki sa table 38.
Ibang-iba iyong masungit niyang awra sa ngayon na lasing na, mapula na ang mukha at medyo yumuyuko na. Kung sinisuwerte nga naman.
"Hi, Sir! Ito na po ang order niyo," masigla kong sabi.
Tumingala pa sa akin si Jack, mapungay na ang mga mata. Wala ang sungit niya ngayon.
"Put it down... umiinom ka ba?" lasing niyang sagot.
"Oo naman... gusto mo ba ng kasama?"
Tumingin siya sa akin, hindi ata ako namukhaan. Kung sa bagay lasing siya. "S... sure." Ngayon ko lang siyang nakitang ngumiti na bagay sa kaniya. Moreno ang kulay niya kakulay ng kaniyang mga mata.
Umupo ako sa tabi niya, siya pa ang nagsalin ng alak sa baso ko. Mabuti pala kita ang cleavage ko kaya sinandal ko ang dibdib ko sa mesa kung saan mas lumuwa pa.
"Cheers!" excited kong saad.
Itinaas niya ang baso niya, gumegewang ang kamay kaya inalalayan ko. Hinarap ko ang katawan sa kaniya, tinitigan pa ako mula ulo hanggang paa.
"I want to dance," lasing na sabi ni Jack. "Do you want to come?"
"Bakit hindi, 'di ba?" Humawak ako sa braso niya.
Nilagay ko ang kamay niya sa baywang ko at hinatak siya para magkadikit ang katawan naming dalawa. Hindi ko ininda kahit nararamdaman ko na ang kalalakihan niya. Humawak siya aking ng mahigpit parang nanggigil.
"You're good in dancing, huh," bulong niya sa tainga ko.
"Mas magaling ako rito." Saka ko siniil ang labi niya ng halik ko, hindi katagalan ay gumanti rin siya, parang gutom na gutom.
Sabi ko na makukuha rin kita, dapat ka lang palang lasingin. Para akong lasing sa mga halik niya, hindi ko na nga namalayan na nasa kotse na kami, kahit lasing siya ay nadala pa rin niya ako.
Ang kamay niya ay bumababa na sa cleavage ko kaya tumigil na ako bago pa ito mauwi sa s*x at makalimutan kong may nobyo ako. "Hotel?" tanong ko kahit nakapikit siya.
Tumango lang siya sa akin. "Wherever, as long as we can do it again, Zen."
Tangina?