Okay... "Cloud, hindi pwede yang ganyan ka palagi. Umidlip ka muna kahit sandali lang," nanghihina kong turan. Kasama ko siya sa loob ng silid kung nasaan ang kuya niya at kapwa kami nakaupo sa sofa na pangtatluhan. Nilingon niya lamang ako saglit bago hinawakan ang aking kamay na nakapatong sa aking hita. Ramdam ko pa ang pagpiga niya doon na para bang he's telling me that he's alright. Lalo lamang akong nanlumo sa inaasal niya. I know he's not fine. Walang okay sa amin. Walang masaya. Wala na yung dating kami. His head was resting on his other hand. Sigurado akong sumasakit na naman ang ulo niya ngunit ayaw niya lamang magsalita. Parang may kumurot sa aking dibdib sa bigat na aking nararamdaman. It's been almost two weeks since the accident happened. Napakarami nang nangyari at hi

