Stop... "Namiss kita..." agad akong kinilabutan ng maramdaman ang paglapat ng kamay ni Ulap sa aking baywang, hanggang sa pumaikot na ito ng tuluyan at mapasandal ang likuran ko sa dibdib niya. Sa kakaunti kong paggalaw ay nabaanag ko ang perpekto niyang mukha at nalanghap ko pa ang amoy ng kanyang pabango. Mygad Ulap, paano ako papasok sa iskul? Napalunok ako. Nakapikit na ang kanyang mga mata na lalong nakapagpabaliw sa aking sistema. Minsan ay gusto ko na ding magreklamo kay Papa God. Bakit ganito na katindi ang epekto sa akin ni Ulap, e si Ulap lang naman siya? "I love you..." bulong niya at parang lumundag ang aking puso palabas. Kung paanong parang musika na namutawi sa kanyang labi ang mga salitang iyon ay hindi ko na mawari. It just sounded so beautiful to my ears. Kahit

