"Hindi ka ba talaga sasama sa akin ngayon wife?" Pangungulit na tanong ni Glenn sa asawa niya. Sa isang linggo niya ng sumasama ay ngayon lang tinamad si Rose kahit na wala naman itong ginagawa para siya'y mapagod. Ilang beses na ding nagtanong si Glenn ngunit ayaw talaga sumamma ni Rose sa kan'ya. Nalungkot si Glenn nang makita iyon ni Rose. Nag-alala ito. "Sige, sasama na ko. Hintayin mo na lang ako sa sasakyan. Magbibihis lang ako," nakangiti nitong ani na ikinangiti ni Glenn. Kalaunan, paalis na sila at patungo na ang mga ito papuntang building na pagmamay-ari ni Glenn. Pagkarating nila ay dumiretso na ang mga ito sa opisina ni Glenn. Narito pa rin ang sekretary ni Glenn dahil ngayon na nito ipapakilala ng kan'yang sekretarya ang bagong sekretarya ngayon ni Glenn. "Good morning si

