"Alex.." tawag ni Eloisa sa atensyon ni Major, mabilis siyang tumakbo patungo sa harap nito at inalis ang kanyang jacket at pinasuot sa dalaga na nakatitig sa kanya. "Malamig baka magkasakit ka pa kapag patuloy kang ganiyang ayos," aniya at tinapik-tapik pa ang balikat ng babae matapos niya izipper ang jacket. "What are you doing? I'm not feeling malamig," sabi ni Eloisa at akmang aalisin ang kamay niya para hubarin ang jacket pero nagmatigas siya. "Ano ka ba, masyado lang makapal ang balat mo kaya hindi mo naramdaman ngayon pero mamaya mararamdaman mo iyan at saka maraming lamok dito gusto mo ba ma dengue ka? Concern lang ako sa iyo," aniya at tinaas pa ang zipper hanggang sa leeg ng babae. "Let go! Are you trying to kill me?" Asik ng babae at tinulak siya, nanlaki naman mga mata

