"Wow, ang laki at bago naman nitong kwarto mo, my loves," hindi maiwasang ibulalas ni Shyra habang nililibot ang tingin sa paligid. "You can go shower first," tugon naman ni Don Cyrex dahilan para mapasinghap siya at payakap sa kanyang katawan "Teka, dok, hindi pa ako handa para sa ganito. Hindi pa ako naka-ahit mula ulo hanggang paa, ayaw ko namang kapag nakita mo aking perlas ay puno ng damu, pwede ba bukas na lang, Dok?" aniya rito habang umangat naman ang gilid ng labi ng lalaki. "What are you talking about? I'm not going to sleep with you, if that's what you mean," magkasalubong ang mga kilay na sabi ni Dok Cyrex sa kanya. Napaayos naman siya ng tayo. "Grabe naman, makatanggi ka naman, parang diring-diri ka sa akin 'a. Iyong totoo, bading ka ba, Dok?" hirit niya rito nais niya

