Nang magtama ang mga mata nila ay parang tumigil ata ang pagtibok ng puso niya at ramdam niyang umiinit bigla ang kanyang mga pisngi. "You are blushing, how cute," mamanghang sabi ni Major. Mabilis naman niyang binawi ang kamay mula rito. "Excuse me, l need to go to the bathroom," aniya at dali-daling tumayo at lumakad siya papunta sa may banyo na hindi lumilingon. Nang makarating siya sa loob ng banyo ay kaagad niyang sinampal-sampal ang kanyang pisngi. "Kaloka ka, self! Bakit parang nagiging manyis ka na ngayon? Huh, ang init," aniya at bahagyang hinila pababa ang kanyang turtle neck. Tapos ay binuksan niya ang tubig at binasa ang kanyang kamay at sinuklay sa kanyang buhok at huminga siya ng malalim. "Umayos ka," bulong niya sa kanyang sarili habang tinitingnan ang kanyang

