Matagal siyang pinagmasdan ni Major Isagani, bumuka-sara ang mga labi nito pero walang salita ang lumabas, kaya’t tumayo siya. “Kaya’t ang panoorin ngang ganito ay nasasaktan ako ng labis,” pabulong na aniya. “Hindi ko hinihingi na kalimutan mo ang mission mo upang makuha ang hustisya para sa kanya. Gaya nga ng sabi ko dati, hindi kita pipigilan imbis ay tutulungan pa kita , kaya’t sana’y huwag mo akong mo akong itulak palayo, Major,” dagdag niya at hinawakan ang baba ng lalaki. Hindi ito nagsasalita nakatitig lang ito sa kanya, marahil ay hindi nito alam ang dapat nitong sabihin. Imbis na maging malungkot ay ngitian niya lamang ang lalaki. “Would you like me to dance for you?” tanong niya sa lalaki. “You dance for me even if you don’t know how just to make me happy. Maybe it's my t

