"Ang pogi talaga ni Dok Cyrex!!!" kinilig na sabi ni Shyra na sa basketball court na sila. Habang ang mga boys ay papasok pa lang nauna sila kasi excited si Shyra maghanap ng pwesto. "Halika ka, Merci, salubungin natin sila at baka maagaw pa ng iba ang ating mga papa," parang baklang sabi ni Shyra at hinawakan siya sa kamay at hatakin para salubungin ang mga boys. Wala siyang nagawa kundi sumunod rito at nang malapit na sila ay nagtama ang paningin nila ni Major Isagani na ngayon ay naka Jersey at naka sapatos pa anino'y varsity players ba. Hindi niya maiwasang titigan ito. "Bagay ba sa akin?" biglang tanong nito sa kanya at lumapit. Kanina niya pa ito hindi pinapansin mula pa sa mansyon pero ngayon kailangan niya talaga itong pansinin dahil may nakita siya na kailangan nitong mala

