“May bagyo ba?” hindi niya maiwasang itanong ng mapansing dumidilim pa din ang langit at ang lakas ng ihip ng hangin at medyo tumaas ang tubig mula sa may kanal. “Siguro… mabuti na lamang at hindi tayo tumuloy sa bayahe,” sagot ni Major at nilingon siya. Matagal siya nitong minasdan mula ulo hanggang paa. Suot-suot pa rin niya ang kumot. “You should change into robes. I don't want you too end up getting sick,” seryosong sabi nito at pinatay ang sigarilyo at lumakad papunta sa may aparador kung saan nito kanina kinuha ang sariling bathrobe. “Here, wear this. Huwag matigas ang ulo,” seryosong sabi nito at inabot sa kanya ang hanger. She took a deep breath. “Alright,” pagsuko niya at hinayaang bumagsak sa may sahig ang kumot at inaalis ang bathrobe sa may hanger at sinuot ito habang n

