Bumuntonghininga si Major Alexander Isagani nang sa wakas ay nakawala na siya sa mga mata ni Eloisa. "Ano nangyayari sa babaeng iyon bakit kung makadikit siya sa akin ngayon ay tila ba'y kulang na lang 'e maging unggoy siya at sasampa siya sa balikat ko..." mahinang aniya, nakatayo siya sa may gilid ng tent nila ni Cyrex, alam niya kasing hindi aakalain ni Eloisa na gising pa siya at nasa labas, ang paalam niya kasi ay magtutulog na siya. "Oh, Major, nandito ka pala..." walang buhay na sabi ni Shyra nang makita siya nito. Nakasunod kasi ang babae sa may likod ni Dok Cyrex ay usual. "Oo, ikaw nga din. Nasaan si Merci?" bigla niyang na itanong. Tumaas kilay ni Shyra. "Aba'y akala ko magkasama kayo kasi nang nawala siya ay nawala ka rin." Kumunot-noo niya at napatingin sa kanyang rel

