Hindi alam ni Merci kung kailang beses na siyang gumulong at dumapa para huwag huwag siya tamaan ng bala. “Anak ng tokwa naman, wala na akong bala!” reklamo niya nang mapansing wala na siyang bala, nakatago na siya ngayon sa gilid. “Pero may kutsilyo pa naman,” aniya at ngumisi at mabilis na binunot ang kutsilyong nakatago sa ilalim ng gown niya at bahagya pa iyon pinaglaruan bago niya pinuwesto ang sarili para mas mabilis siyang makapag-atake. “Isa… dalawa… tatlo. Kung sino ang unang lalapit ay papatayin ko,” kanya niya habang pinapaikot-ikot ang kutsilyo sa kanyang kamay. At pumikit siya para mas makapapukos at mapag-aralan niya ang mga yapak nito. “Anim pa ang natira,” bulong niya at minulat ang kanyang mga mata at mabilis na tinaas ang kanya'y binti para sipain ang unang duma

