“Ito naman si Major, masyado kang seloso, huwag ka mag-alala sa iyo lang ako itong ko,” banat niya at naglambitin pa sa braso ng lalaki. “Ay! Kakaiba ka, gusto na kita!” sigaw ng lalaking nagngangalang Tael at akmang hahawakan siya pero tinapik ni Major Alexander ang kamay nito kaya’t hindi lumapat sa kanya. “Tumigil ka nga, pandak. Ang bata mo pa para magkagusto—” “Loko ka talaga, Major! Masyado ka namang malisyoso, gusto ko siya bilang kaibigan. Huwag ka ngang masyadong nagpapahalatang pumapag-ibig ka na naman,” angil ni Tael at umatras. “Heh! Tumitigil ka! Umalis na nga kayo. May aasikasuhin pa kaming dalawa para mamaya kaya’t shu!” giit ni Major at hinatak siya para ilagay sa likuran nito. “Kung maka-shu ka naman, akala mo siguro aso kami no?” reklamo ni Terrence. “Talaga, asong

