Kabanata 4

1255 Words
Nagising si Merci na masakit ang buong katawan. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, at agad siyang napabalikwas ng bangon nang maalala ang nangyari kagabi. Mabilis niyang nilibot ng tingin ang paligid. “Did he leave without saying goodbye? Or was everything that happened last night just a dream?” mahina niyang bulong, sabay yuko. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang bakas ng dugo sa gilid ng kama. “So it wasn’t a dream…” aniya, sabay haplos sa marka ng dugo. It was proof, she had lost her virginity to the man she adored. A man who was married. Yes, she had committed adultery. But who cares? Her life was already doomed anyway. Soon, her father would force her to marry someone she despised. So why not give her first time to the man she truly loved? “You’re awake…” Parang tumalon ang puso niya sa saya nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki mula sa may pintuan. He didn’t leave. He’s here! Mabilis niyang inayos ang sarili at humarap dito. “Nandito ka pa pala… akala ko umalis ka na,” mahina niyang sabi, habang pinaglaruan ang mga daliri. “I can’t just leave you without a word,” sagot ni Major, sabay lapit sa kanya. Huminga siya ng malalim at hinarap ito. “About what happened last night, I want to apologize—” “Please don’t,” mabilis niyang putol, halos pabulong. Ayaw niyang marinig na pinagsisisihan nito ang nangyari. “What happened was my decision. It’s not your fault,” mariin niyang sabi. Alam niyang hindi ito bastos o manloloko. “And don’t worry, I won’t bother you or expect anything,” dagdag pa niya, sabay yukom ng kanyang kamao. Tumingala siya, pilit pinipigilang maiyak. She was really in love with this married man. “Your wife won’t know about this, so no worries—” “My wife passed away,” mahinang tugon ni Major, “but I’m still married… I shouldn’t indulge myself with lust...” Bumuntonghininga ito, hindi na tinapos ang sasabihin. Tiningnan siya nito ng diretso. “I’m not worried about myself, but about you. You’re young, beautiful… yet you gave your first to someone like me.” Napapikit si Merci. Masama bang maging masaya kahit patay na ang asawa nito? Well, he's Major Isagani after all. He's not a jerk! He's a kind and faithful man. “I told you, it was my choice. And I don’t regret anything,” matatag niyang sagot. Bumuntonghininga ang lalaki. “Alright. If that’s what you want. I have to leave before they discover my location and implicate you.” Nanlaki ang mga mata niya. Aalis na ito? Bakit ang bilis naman? Parang naninikip ang dibdib niya sa isipang baka hindi na niya ito muling makita. “Aalis ka na?” halos pabulong niyang tanong. “I must,” maikling sagot nito, sabay yuko ng ulo. Napakagat siya sa ibabang labi, pilit pinipigilan ang luha. Hindi siya dapat magmukhang mahina sa harap nito. “Kung ganun… mag-iingat ka,” aniya at umiwas ng tingin. “Ikaw din,” sagot nito bago tuluyang tumalikod. Habang pinagmamasdan niyang papalayo si Major, unti-unting bumigat ang kanyang dibdib. Hindi siya makahinga. Nanlalabo ang paningin dahil sa luha. “Wala na siya…” bulong niya nang marinig ang pagsarado ng pintuan ng kubo. Tumulo ang luha sa pisngi niya. Ngunit naalala niya, isang taon na lang at tapos na ang kasunduang kasal na ipinilit ng ama. Bakit hindi niya gamitin ang panahong iyon para makasama ang lalaking minamahal? “Tama! Bahala na kung ano ang sabihin niya. Basta makapiling ko siya kahit sandali lang!” Mabilis niyang sinuot ang lumang t-shirt na nakasabit at tumakbo palabas, hindi alintana ang pananakit ng katawan. Ni hindi na siya nagsuot ng tsinelas. *** Lakad-takbo ang ginawa ni Merci habang hinahanap si Major, ngunit hindi niya ito mahagilap. Hanggang sa marating niya ang dalampasigan. “Major! Nasaan ka?” halos pasigaw niyang tanong, nanginginig ang boses. Ngunit ang sagot ay katahimikan, hangin lamang. Napalingon siya nang marinig ang mga yabag at tinig ng mga lalaking papalapit. Nanlaki ang mga mata niya nang makita, mga armadong lalaki! “Patay! Ano ’to? Baka sindikato!” Agad siyang nagkubli sa likod ng mga bato, pero bago pa siya makagalaw, may humila sa kamay niya at tinakpan ang kanyang bibig. Halos tumigil ang kanyang paghinga. Katapusan na ba niya ito? Pumiglas siya, inapakan ang paa ng lalaki at akmang sisikuhin ito. Marunong siya ng self-defense; matagal siyang nanirahan mag-isa sa States, sanay siyang lumaban. “It’s me,” bulong ng pamilyar na tinig, sabay hawak sa kanyang mga kamay. Nanlaki ang mga mata niya. “Major?!” “Yes, it’s me. Don’t make a noise. They might hear us,” mahinang sabi nito. Mabilis siyang tumango. Mula sa kinaroroonan nila, nakita niyang dumaan ang dalawang grupo ng mga armadong lalaki. Ilang sandali pa ay lumayo na ang mga ito. Pagkawala ng mga lalaki, binitiwan siya ni Major. “Why are you here? Gusto mo bang ipahamak ang sarili mo?” galit na tanong nito. Napakagat si Merci sa labi. “H-Hindi naman sa gano’n—” “Eh ano? Paano kung wala ako rito at nakita ka nila? Hindi mo ba alam na sindikato ’yan? Nangunguha ng babae para ibenta sa mga foreigners!” tumaas ang boses nito, halatang nag-aalala. “Nag-alala ka para sa ’kin?” mahina niyang tanong, sabay ngiti. Masaya siya. Kahit galit ito, ibig sabihin, may pakialam ito sa kanya. “Bakit parang natutuwa ka pa? This is not a joke, woman!” giit ng lalaki, sabay hawak sa kamay niya. Ngumiti siya. “Pasensya na. Masaya lang ako kasi… nag-alala ka. Huwag kang mag-alala, kaya kong protektahan ang sarili ko—” “You can’t! Nakita mo kung gaano sila karami? Kahit ako, hirap kalabanin lahat. Ikaw pa kaya? At bakit ka ba narito? Ganiyan pa ang suot mo!” tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “At wala ka pang tsinelas!” dagdag pa nito. Hindi niya napigilang matawa. Para itong sermon ng tatay niya. Nasa likod sila ng malaking bato, natatakpan ng mga damuhan kaya’t hindi sila makita ng mga kalaban. “Ano’ng tinatawa-tawa mo?” “Sorry na,” ani Merci, natatawa pa rin. “Nagmadali lang kasi akong sundan ka—” “Para saan? I’m sorry, but I can’t keep you with me. I can’t take responsibility for you. I’m married, and my life is chaos right now. Ayokong madamay ka. Mas mabuting maghiwalay na tayo rito.” Parang tinusok ng kutsilyo ang puso ni Merci sa mga salitang iyon. “Teka—” Ngunit natigilan siya nang biglang may sumabog na putok ng baril. BANG! Sunod-sunod na putok ang narinig nila, papalapit sa direksyon nila. Mabilis siyang hinila ni Major patago sa malaking bato, sabay hugot ng baril. “Damn it! They found us!” mura ng lalaki bago gumanti ng putok. “Do you have a spare gun?” bulong niya, habang pinagmamasdan ito. “I have. Why?” sagot ni Major, hindi inaalis ang tingin sa kalaban. “Give me one, so I can help you,” mahinang sabi niya. Yes, she knew how to use it. Lumingon ito sa kanya. “Sino ka ba talaga?” Mukha yatang ngayon lang niya naalala, hindi pa pala siya nagpakilala. Huminga siya nang malalim. “Saka na ako magpapaliwanag. Ibigay mo muna sa ’kin ang extrang baril mo, kung ayaw mong pareho tayong mamatay dito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD