“Aray naman! Matamis naman talaga dila ko ‘a, naadik ka nga ‘e,” pilyang aniya at kumindat pa sa lalaki. “Boom panis!” natatawang sabi ni Shyra with matching hand gesture pa. Natawa na din siya sa kabaliwan ng kaibigan, magkasundo talaga ang utak nilang dalawa habang napailing-iling na lamang si Major at Dok Cyrex habang nakalagay ang mga kamay sa may mga bewang ng mga ito. “Oh, diba, ang galing ng banat ko ano, mare?” nakangisi aniya kay Shyra ng lapitan niya ito. Inakbayan naman siya ni Shyra. “Oo naman, Mare. Kita mo tiklop si Major sa iyo, walang duda iyan,” sagot naman ni Shyra at inangat pa ang isang kamay na para bang sinasabihan siyang mag-apir sila kaya't inangat niya isa niyang kamay at nakipag-apir sa dalaga. “Talaga. Hindi na iyan makakawala sa mga kamay ko, idagdag k

