Pigil ang kanyang hininang ng maramdaman niyang umakyat sa kama ang lalaki at tumabi sa kanya. “Anong mayroon at bakit dito siya dumiretso? Hindi ba dapat sa master bedroom?” bulong na naman ng utak niya. Nanlaki ang kanyang mga mata ng maramdaman niya ang kamay ng lalaking yumakap sa kanyang bewang. Nasa likuran niya ito, napakagat siya ng kanyang ibabang labi ng tumama ang mainit na hininga nito sa kanyang leeg. “Ano ginawa mo rito?” pabulong na aniya at nilingon ang lalaki, hinayaan naman siya nitong humarap rito. “Why? I can't be here anymore? Galit ka pa din ba?” malumanay na usisa nito at inilagay ang tinanday ang siko sa may kama at inilagay ang ulo sa may palad nito habang malungay ang mga matang nakatitig sa kanya. Tumaas ang kanyang kilay. “Hindi ba halata? Pero Hindi m

