Rezxca's POV: "KALOKOHAN." May bahid ng galit sa tono ang nilabas na salita sa bibig ni Prince. Lumabas din ang kulay violet niyang mga mata pero napabalik din nang tumalikod na siya. Napabuntong-hininga na lang ako ng mahina bago mapatingin sa karagatan. Kulay berde ang kulay nito na pinaliligiran ng mga patusok na yelo. May mga peguin din ang nagsisipaglaro sa kayelohan bago tatalon sa tubig. May itim din akong napapansin sa kailalim, siguro isa na naman itong barko ng mga marines o hindi kaya ay ng mga pirata. "Sino ka bang talaga?" Isang tanong na matagal ko ng gustong marinig sa bunganga nila. Noon pa lang aware na agad ako sa mangyayari pero hindi ko alam na ganito pala kahirap kapag nagyari na. Kapag nakikita silang ganito, bumibilis ang t***k ng puso ko na parang gusto ko na

