PRINCE'S POV: Ngayon nandito kami sa isa pang room na kinalalagyan daw ng 'Controlling Deep Emotion Maze'. Matamang pinagmamasdan ang kulay itim na pintuan habang ang kalamnan namin ay patuloy na pinanggigirahawan. Parang may kakaiba sa loob ng kwarto na ito, wala naman kami sa mundo ng mahika pero ba't ramdam ko na may panganib na kahaharapin ang aming sarili sa loob ng silid. "Sino ba ang hinihintay natin? Kanina pa ako pinanggigirahawan dito." Iyon ang biglang lumabas sa bibig ni Anicka. Maging ako ay napalingon na rin sa gawi ni Rezxca. Nakatingin lamang siya sa pintuan ng elevator. Naghihintay sa taong magiging dahilan para magsimula ang totoong training namin. Kaso sino kaya iyon? Sino ang hinihintay namin para makatapos na agad kami sa pagsusulit na ito? Hindi ko na talaga mak

