"Ano bang sinabi mo kanina Helsey? A-ako buntis? Hello, paano naman nangyari 'yon. Eh hindi pa kami naging romantic ng asawa ko pagdating sa gano'n. . . Hmm. . . Alam mo na." Hindi ko mabanggit ng maayos, pero matured na siya. Gets niya na 'yon. Nakaalis na ng Ex ko at lover niya, wala nang nangyaring kung anong eskandalonpa after no'n dahil nakinig naman sila kaagad na umalis na dapat sila kung ayaw nilang makaladkad pa palabas. Mabuti na lang dahil dumating si Helsey sa tamang oras. Dahil kung hindi'y baka nasa morgue na ako ngayon. "Ano ka ba. Syempre kailangan kong mag-isip ng maipambabanat sa mga baliw mong bisita kanina. Wala na kong naisip na iba eh," anito na may kasamang pagtapik ng kamay nito sa hangin. "Hayaan mo na. Ayaw mo nun mababaliw sila sa ka-i-isip na buntis ka pa

