"How do you like your new room?" Si Arnold na binaba ang anak. Hindi mapawi ang mga ngiti sa mga labi. "Wow!"bulalas ng bata na tumakbo sa loob ng silid. Inisa-isang hawakan at suriin ang mga laruang naroroon. "Nagustuhan mo ba son?" "Opo, daddy. Gusto ko po lahat! Thank you po daddy," tumakbo sa gawi niya si Hercules saka yumakap sa kanya ng mahigpit. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa bata. "These are all yours, and I promise, ibibili ka pa ni daddy ng mas maraming laruan," "Talaga po, daddy?" Nangingislap ang mga mata nito. "But I have more than enough here in my room daddy," Arnold shrugged, ginulo ang buhok ng anak. "These aren't enough kumpara sa mga pagkukulang ko sa'yo, son." aniya sa nahihirapang tinig. Indeed, these toys aren't enough for his absence sa loob ng marami

