MAINIT at nakakakiliting mga halik ni Arnold ang umi-istorbo sa magandang panaginip niya. Umungol lamang siya at hinila ang kumot at muling ibinalot sa kahubdan. Ayaw pa niyang gumising at maputol ang napakagandang namamalas niya sa kanyang panaginip. Kung saan kasama niya ito at ang tatlong mga anghel na nakikipaglaro kay Arnold. Idagdag na rin na masyadong napagal ang katawan niya sa nagdaang gabi dahil sa paulit-ulit na pag-aangkin ni Arnold sa kanya. She can still feel the pain crushing between her thighs also the ecstasy he gave to her. The whole night she spent with him in his arms was the most happiest moment that happened in her entire life. He made her as a complete woman. Walang kapares ang ligayang naranasan niya sa piling nito. Ipinaramdam nito sa kanya kung paano ang mahali

