HINAGOD siya ng tingin mula ulo hanggang paa ng lalaking natitiyak niyang utak sa likod ng lahat. Kung bakit kasi naglipana ang mga kriminal sa mundo. Pero kaagad siya ng natigilan pagkuwan.
Hindi ba't kaya siya naligaw sa resort na ito ay dahil sa balak niyang pagpaslang sa taong naging dahilan ng pagkamatay ng ate niya? Ano ang pinagkaiba niya sa mga masasamang taong nasa harapan niya ngayon?
Dumadagundong ang dibdib na na nakipagbuno siya ng tingin sa lalaki. Batid niyang nasa peligro ang buhay niya sa mga sandaling ito. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang mga armas na hawak-hawak ng mga lalaking nakapaligid sa kanila. Nakadagdag din sa mga alalahanin niya ang biglaang pagdilim ng kalangitan.
May bagyong paparating alam niya iyon. Pero sa kagustuhan maisakatuparan kaagad ang mga balak niya ay hindi na siya napagtumpik-tumpik pa. Pero heto siya ngayon nanganganib ang buhay sa kamay ng mga masasamang nilalang na ito.
Tumayo ito at nagpalakad-lakad sa harapan niya. Maya-maya'y nilapitan nito ang dalawang tauhan at binigyan ng malakas na suntok sa sikmura.
"Mga bobo! Hindi ko sinabi sainyo na magdala kayo ng babae!" nakatiimbagang bulalas nito.
"B-boss, pasensiya na. Natunugan kami ng mga parak na nagbabatay roon, ginawa ko siyang hostage para matakasan namin sila," nahintatakutang katuwiran ng lalaking nagdala sa kanya.
"Ang laki mong tanga! Masisira pa ang mga plano ko dahil sa kabubuhan ninyong dalawa." sabi nito. "Nagawa niyo ba ang iniutos ko sainyo?" sa huli kumalmang tanong nito.
"Yes bos!" mabilis na tugon ng isa.
Inabot dito ang itim na bag na kaagad naman nitong kinuha. Maya-maya'y sininyasan nito ang isa sa mga tauhan na ipasok siya sa loob. Kaagad namang tumalima ang isa sa mga alipores nito at marahas na hinablot ang braso niya at sapilitan siyang pinapapasok.
Dinig na dinig niya ang pinag-uusapan mga ito mula sa labas. Lalong bumilis ng kabog ng dibdib niya. Kung hindi siya nagkakamali ay grupo ng malaking sindikato ang mga ito.
"Ayokong kumalat sa dyaryo ang pangalan ko. Alam mo na ang gagawin mo sa babaeng iyan."anito.
Pagkatapos ay inayos nito ang nagusot na damit at binigay sa tauhan ang itim na bag pagaktapos ay sumakay ng speed boat.
Dinig ni Rana ang papalayong ingay na iyon maging ang bigla ang pag-alog ng yate. Hindi maaari. Umaandar na ang yate. Saan siya dadalhin ng mga ito? Papatayin na ba siya ng mga kriminal na ito at itatapon sa dagat?
Oh my god! Nanginig sa takot ang buo niyang katawan sa ideyang papaslangin na siya mga ito. Hindi pa nga niya nagagawa ang mga balak niya ay mauuna pa yata siyang masawi.
Goodness, no! Mariing aniya sa sarili. Hindi siya puwedeng mawala sa mundo nang hindi naisasakatuparan ang mga balak.
Hinanda na niya sarili sa mga makahanap. Isa lang ang titiyakin niya. Hindi siya makakapayag na madungisan ang kanyang p********e.
Hindi naman siya nagkamali ng hula dahil maya-maya'y bumukas ang pinto at pumasok sa loob ng kabin ang lalaking kanina pa natatakam sa kanya. Mataman siya nitong tinitigan na tila pinag-aaralan ang bawat hubog at hugis ng kanyang katawan.
"Huwag kang lalapit!" Naalarmang aniya nang humakbang ito papalapit sa kanya.
Pero sa halip na sumunod ang lalaki ay nginisihan lamang siya nito ng may pangigil. Halata sa pangingislap ng mga mata nito ang nais mangyari.
Over her dead body! There's no way in her wildest imagination to let this brute asshole man touch her. No way!
"Sige, subukan mo ng makita mo ang hinhanap mong hayop ka!" aniyang itinutok dito ang baril.
Napalitan ng panlalaki ng mga mata ang kanina'y nakangising lalaki. Batid niyang nasindak ito sa hawakhawak niyang baril. Pero saglit lamang iyon Daniel ngumisi rin uli ng nakakaloko ang talipandas.
"At sa akala mo ba ay masisindak mo ako?" Nanlilisik ang mga matang anito.
"Hindi ako magdadalawang isip na barilin ka oras na ihakbang mo ang mga paa mo,"
"At sa tingin mo ba kapag napatay mo ako at makakaligtas ka sa kamay ng mga kasama ko?" Humalakhak ito.
"Pagpipiyestahan nila ang magandang katawan mo bago ka pa nila patayin at itapon sa dagat," dagdag na lintaniya nito.
Napalunok siya sa tinuran ng damuho. Kung sabagay ay may katotohanan ang mga sinabi ng walang hiyang hayop na ito sa harapan niya. She might can kill him but she couldn't run from his colleague. Na batid niyang nag-aabang lang sa labas.
"Damn you!" Nanginig ang boses na aniya.
Nagsimula na rin mamasa ang magkabilang sulok ng kanyang mga mata. Hindi niya aakalain na hanggang dito lang magtatapos ang buhay niya. Ni hindi man lang siya nakaranas na magmahal at mahalin. Tapos ay lalaspagin ng kumag na ito ang katawan niya bago patayin.
Hayop! Hayop! Hindi siya makakapayag! Hinding-hindi.
Sanhi ng pagkahulog niya sa pag-iisip ay makahanap ng pagkakataong pagkakataon ang kriminal na sunggaban siya't hawakan. "Akin ka na ngayon," nakangising sabi anito na mabilis naagaw ang baril niya.
Hindi na ito nag-aksaya ng segundo at pinaghahalikan siya sa mukha. Napatili siya sa magkahalong pandidiri at takot. Ginagap niya ang nahagip niyang plorera at buong lakas na hinampas sa ulo ang hayop na kriminal.
Inundayan niya ito ng sipa at mabilis na hinahap ang tumilapong baril. Kailangan niyang makatakas. Maingat siyang lumabas ng kabin upang hindi matunugan ng mga kasama nito. Nagtungo siya sa upper deck ng yate. Walang isa man sa mga kasama ng lalaki ang naroroon marahil ay pumasok na ang mga ito dahil tuluyan nang dumilim ang kalangitan. Nagsimula na rin umihip ang malakas at malamig na hangin na sinabayan ng naghihimahsik na ulan.
Kung hindi siya nagkakamali ay hindi pa sila yuluyang nakakalayo sa resort. Kailangan niyang makahanap ng magagamit pagbalik doon. Kahit air floating boat ay ayos na. Pero bigo siya. Wala siya ng Makita na kahit anong bagay na makakatulong sa kanya maliban sa malaking floaters na nakatali dulo.
Nagmamadaling tinungo niya iyon. Pero hindi pa man niya tuluyan nakakalag ang tali ay napaigik siya sa saint ng may biglang humila sa buhok niya.
"Putang-ina ka! At sa akala mo ba ay matatakasan no ako ha?" Galit na galit na anito.
Hindi nagdalawang isip na patikimin siya ng sampal. Napahagulhol na lamang siya habang patuloy pa rin sa panlalaban.
"Wala ka nang ligtas ngayon puta ka!" Puno ng panggigil na wika ng lalaki.
Marahas nitong kinalas ang life jacket niya. At dahil malaking damulag ang hudyo kumpara sa kanya ay naging madali lang dito na tanggalin ang maliit niyang saplot sa katawan. Ang mga mata nito'y tila ngingislap sa pagnanasa nang tuluyang tumambad ang kaumbukan niya.
"Hayop ka! Bitiwan mo ako, " umiiyak na saad niya.
Pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng lakas upang makipagbuno rito pero hindi ito puwedeng magtagumpay.
"Akin ka na ngayon sa ayaw at sa gusto mo!"
"No! Huwag!" malakas niyang sigaw nang tuluyang tanggalin nang lalaki ang kaniyang pang-ibabang saplot.
"Ang bango mo," turan nito sa nanggigil na tono. Nangangalaiting tuluyan siyang maangkin.
"Hayop ka!" kasabay ng malakas niyang sigaw ang pagsipa niyang muli sa p*********i nito.
Namilipit ito sa sakit habang nanlilisik sa galit ang mga mata. Kaagad siyang tumayo mula sa pagkakadagan nito sa kanya at mabilis na isinuot ang life Jacket. Wala na siyang panahon upang pulutin ang isa-isa ang napunit niyang mga saplot. Hindi na rin niya mahagilap ang baril.
"Bumalik ka dito!" anang tinig ng lalaki.
Namimilipit pa rin sa sakit na sinundan siya nito "Akala mo ba matatakasan mo ako?" nakangising pahayag nito.
Nanlumo mo siya nang mapansin nasa gilid na siya at wala ng matatakbuhan pa. She have no choices. Ang tanging paraan lamang ay magpatihulog sa dagat kaysa ipagkanulo ang sarili.
Kasabay ng malakas na kidlat at hagupit ng alon sa karagatan ang pag alingaw-ngaw ng putok sa kadilim ng gabi.
Tanging impit na daing niya ang huling namutawi sa bibig niya bago naglaho sa kadiliman at naghihimaksik na bagyo ang kanyang ulirat.
***
NAPABALIKWAS ng bangon si Arnold mula sa pagkakahiga sa malambot niyang kama. Marahil sa subrang kapaguran ay nakatulugan niya ang pag-iisip. Tiningnan niya ang kamay ng orasan. Mag-aalas tres na pala ng madaling araw. Bumangon siya sa kama at nagsalin ng tubig sa baso at mabilis iyong nilagok.
Nakiramdam siya sa labas. Maliban sa mahinang patak ng ulan ay wala na siyang ibang naririnig. Marahil ay humupa na rin ang bagyo. Isinuot niya ang raincoat at lumabas ng silid upang siguraduhin na walang naiwang bakas nang pagkasira ang bagyong Monique.
Pinailaw niya ang dala-dalang flashlight. Nakaramdam siya ng kapanatagan nang masigurong wala naman parti ng yate ang nasira.
Akmang muli siyang papasok sa loob nang madaanan ng ilaw na nagmumula sa hawak niyang flashlight ang bagay na lumulutang ilang metro lang ang layo mula sa yateng kinalululanan niya.