NAGING MASAYA ang mga sumunod na araw na magkasama sina Arnold at Elizabeth. Kung siya ang tatanungin she'll rather stay with him forever and leave the past behind. Pakiramdam kasi niya ay ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na maging masaya sa piling ng isang lalaki. Ngunit mas magiging maligaya siya kung babalik ang kanyang mga alaala. She wanted to live with Arnold without any doubts in her heart. Iyong totoong siya at hindi bilang si Elizabeth. Pero heto siya at walang maalala ultimo ang totoo niyang pangalan ay hindi niya matandaan. "You're thinking again, beautiful," Arnold approached her as he hugged her from behind and kissed her nape. "Iniisip ko lang naman kung kailan babalik ang mga alaala ko," Hindi kaagad sumagot ang binata bagkus ay hinigpitan nito ang pagkakayakap

