INAYOS ni Arnold ang kama upang makapagpahinga na siya. Halos wala na rin pasidlan ang sayang namamahay sa dibdib niya dahil ipinapakitang kabaitan ng lalaki. Higit pa riyan ay hindi siya makadama ng peligro sa presensiya ni Arnold. "Sweet dreams, sweetheart," anitong kinumutan siya. "Good night Arnold," Ginantihan niya ng matamis na ngiti ang lalaki kahit ang totoo ay ayaw pa sana niyang matulog dahil gusto pa niya itong makasama, makatabi at makausap tungkol sa mga bagay-bagay. Hindi rin niya maikakaila na gusto niyang makatabi sa pagtulog ang lalaki. Nais niyang malanghap ang mabango at lalaking amoy nito, ang magpakulong sa matigas at malapad nitong dibdib sa buong magdamag. Oh my! Ano ba itong naiisip ko? Stop it Elizabeth or whatever your name is! You should be thankful dahil

