Chapter One

1513 Words
"Alam mo Xand, nagtataka lang talaga ako sa 'yo, bakit ba hanggang ngayon ay single ka pa rin?" Sa wakas ay naisatinig din ni Nikki ang tanong na noon pa niya nais mabigyang kasagutan.   Sa loob nang limang taong pagiging magkaibigan nila ay wala pa siyang nakita o nabalitaang naugnay rito. Minsan tuloy ay hindi niya mapigilang isipin na baka lesbian ito pero malabo. Imposible ring man-hater ito dahil halos lahat ng close friends nito ay lalaki kaya imposible talaga.   "Bakit, may masama ba sa pagiging single?" seryosong tanong ni Xandra habang panay ang lantak sa cake na in-order nila.   "Wala naman, kaya lang Xand..."   "You know what Niks, there's nothing wrong if you're still single as long you’re happy. Hindi 'yong may boyfriend ka ngang matatawag, hindi ka naman masaya. You don't need to push yourself entering into a relationship which you really don't like para lang maki-uso," paliwanag niya.   "Point taken Xand, but the question is, masaya ka ba with the kind of life you have?" 'Di mapigilang busisi ni Nikki sa kaibigan.   "Of course I am. I'm happy and feel contented with everything I have in life. Isa pa, hindi ko kailangang pumulot ng batong ipupukpok ko sa ulo ko." Sabay silay ng isang napakatamis na ngiti sa mga labi niya.   Sapul si Nikki sa mga tinuran ng kaibigan niya. But it doesn't matter anymore. Marami nang nagbago sa kaniya, and it is all because of her precious friend who wake her up from her nightmares. And because of her, she is happily engaged now with her one true love – her fiancé.   Xandra is really a nice girl, having a wonderful character and personality she really admired most. Aside from being her best friend, she is also her legal counselor and personal love adviser. Kumbaga sa mga instant coffee ay para itong three-in-one. And she really loves having conversation with her dahil marami siyang napupulot na mga aral mula rito, hindi lang tungkol sa buhay kung hindi maging sa buhay pag-ibig. How ironic, Xandra haven't experience entering into any relationship, but when it comes to counseling, parang naranasan na nitong lahat ng puwedeng maranasan ng isang taong nasa loob ng isang relasyon. The way she talked, she's like an old lady from the past – a wise old woman indeed.   "Maiba tayo, kumusta na nga pala kayo ni Jie," mayamaya ay tanong ni Xandra matapos uminom ng juice.   "We've been great. And it is all because of you," wika nito habang pinapapungay pa ang kaniyang mga mata.   Si Xandra kasi ang dahilan sa likod ng pagkakakilala ni Nikki at ng fiancé nito na sa huli ay nauwi sa isang matamis na pag-iibigan.   Ganoon nga talaga siguro, love will comes on your way at the right time and at the right place with the right person who is destine to become part of your life 'till last.   "I'm really happy for both of you, my friend." Walang pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman niya para sa kaibigan at sa fiancé nito.   "Mabalik tayo sa 'yom akala mo nakaligtas ka na…you're wrong!" Sabay tawa nito nang malakas, hindi alintana ang mga tao sa paligid na costumer din ng naturang bakeshop na ngayon ay matamang nakamasid sa kanilang dalawa.   Kapag ka nga naman ginanahang mang-interrogate ang bruha, daig pa ang isang pulis. Kahit iligaw pa niya ng topic, babalik at babalik pa rin sila sa topic, kesyohadong abutin sila ng siyam-siyam.   "Do you believe in love?" mayamaya ay tanong nito nang hindi makakuha ng sagot mula sa kaibigan.   Actually she had given her the wrong question, dahil alam na niya ang sagot. Matama lang siyang nakatitig dito habang hinihintay itong sumagot.   "Oops! That was not the right question to be asked…it should be, have you been fallen in loved before?" nakangiting tanong nito.   Sa tagal na nilang magkaibigan ni Xandra ni minsan ay hindi pa nito nakitang nagka-interest o na-in love man lang ito. Masyado rin kasing subsob sa trabaho ang dalaga. Pero hindi niya mapigilang isipin kung wala ba talagang nakakuha ng inreres nito.   Hindi siya agad nakahuma sa tanong ng kaibigan, pansamantala ay natigilan siya na parang may naalala sa nakaraan.   "Alam mo Xand, ang labo mo talagang kausap, nakakainis ka na. Oo at hindi lang isasagot mo, ang dami pang seremonyas. I think, I have reminded you of someone in your past?" nang-iintrigang tanong nito habang taas-baba ang kaniyang mga kilay na tila ba nanunudyo.   Sa halip na sumagot, isang matalim na irap lang ang itinugon sa kaniya ng kaibigan.   "Kung nakamamatay lang ang irap mo, malamang kanina pa ko duguan dito at wala ng buhay." Sabay tawa nito nang malakas.   "Kidding aside Xand, what was the real reason why you're still single?" seryosong tanong nito habang matamang nakatitig sa mga mata ng kaibigan.   "Okay for you to stop. It just so happen that I haven't met ag...it just so happen that I haven't met the man of my dreams; the man that I will love for a lifetime, the man that I will spend my whole life with 'till my breath runs out." Muntik na siya roon sa loob-loob niya.   "Bravo! Hindi talaga maikakailang romance writer ka nga kaya pati sagot mo, mukhang hinugot mo pa mula sa mga nobela mo," nakangiting wika nito habang pumapalakpak pa.   "Palibhasa ikaw, you've met the one you love; the one you want to spend your life forever. Paano naman ako?" kunwari ay nagtatampong wika niya ngunit mayamaya pa ay humagalpak na rin siya ng tawa. Wala na siyang pakialam sa mga tao sa paligid nila basta ang mahalaga ay masaya sila.This is what she is going to miss once na maikasal na ang kaibigan niya sa fiancé nito.   Xandra is only a fresh graduate when she had met Nikki Serrano. They accidentally bump each other along the hallway of BIR office wherein she needs to get an application form for TIN number, which is needed for her first job. While Nikki that time, is being asked by her employer to submit the forms of the new employees of the company where she works. While they were waiting for their turn, they have decided to talk for them to avoid boredom. In just a blink of an eye, it is just like a magic that they were already click.  And from that moment they became friends and the rest is history.   Sabi nga nila, along your journey ay may mga makalilimot, may mga taong mawawala ngunit may mga bagong darating; mga bagong kakilala at mga bagong kaibigan, mga taong 'di mo inaasahang magiging bahagi pala ng buhay mo.               “Baka naman kasi dumating na siya pero hindi mo lang binigyan ng pagkakataon?” anito habang matamang sinusuri ang reaksiyon ng kaniyang matalik na kaibigan.               Dumating na nga pero ni minsan ay hindi kami na bigyan ng pagkakataon. Nais niya sanang isatinig ngunit ipinagsawalang bahala na niya dahil uusisain lamang siya nito kung magkakataon.               “Kung mayroon man, malamang sa ikaw ang unang nakaalam, daig mo pa ang newscaster,” nailing na lamang na wika ni Xandra.               “Kung hindi siguro kita kilala baka manilawa ako sa iyo, kaso hindi.” Hindi maiwasang titigan nang mabuti ni Nikki ang kaibigan sa mga mata nito na tila ba binabasa ang kaloob-looban nito.               “Baka naman matunaw ako niyan.”               “Xand, wala ba talaga?” usisa pa niyang muli, nagbabakasakaling may mabanggit ang kaibigan. “Wala nga.”   “Baka naman kasi nagsisimula pa lang magparamdam, dinispatsa mo na. Kilala kasi kita, ayaw mo nang maraming ligoy. Kapag ayaw mo, ayaw mo,” aniya at muling sumubo ng cake.   “Ang galing, paano mong nahulaan?” sakay niya sa winika ng kaibigan.   “Sabi na nga ba. Alam ko kasi na pinakaayaw mo sa lahat ay ang umasa, lalo na ang magpaasa.” Sabay pakawala nito ng malalim na buntong hininga.   “Alam mo, Nikki kaysa buhay ko ang pagkuwentuhan natin, pag-usapan na lang natin ang nalalapit ninyong pag-iisang dibdib.”   “Bago ko pala makalimutan, hindi ko lang alam kung kailan, basta siguraduhin mong makapupunta ka kung hindi ay magkalimutan na tayo.” Bakas sa mukha ng dalaga ang labis na kagalakan nang bigla niyang maalala ang nalalapit na pagmi-meet nito at ng bestfriend ng kaniyang fiancé.   “Ano at saan?” naguguluhang tanong ni Xandra sa kaibigan.   “Natatandaan mo ba, six months ago dapat ay ipapakilala ka namin ni Jie sa bestfriend niya kaso lang nagkasakit siya kaya hindi na natuloy. Siguro naman sa pagkakataong ito ay iaadya na ng panahon na magkita kayo,” pahayag nito.   “Mukhang may nahahamigan ako, kung anoman `yon ay huwag mo nang ituloy,” wika niya habang pinandidilatan ng mata ang kaibigan.               “May plinaplano ba ako? Wala, ano? Gaya mo naman ako sa iyo.” Sabay tawa nito ng pagak.               “Wait, tawagan ko lang si Jie para mai-schedule na ang double date natin. Char!” pang-aasar pa nito.               “Bahala nga kayong dalawa sa buhay ninyo.” Pagkawika noon ay itinuloy na ulit niya ang pagkain ng cake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD