Chapter2:We Meet Again

1724 Words
Galvie's Pov "Happy Birthday Mayor." Nakangiting bati ko dito at nakipag kamay pa ito sakin. "Salamat sa pag punta Galvie, nakakalungkot lang dahil mag isa ka na namang dumalo sa birthday ko. Kelan mo ba balak mag asawa, sagot ko na ang letchon sa kasal mo." Pa birong tanong nito sakin kaya sabay kaming na pa tawa. "Ilang letchon po ba at bukas na bukas ay mag papakasal na ako." Birong sagot ko din dito. Sasagot pa sana ito ng may lumapit sa kanyang tauhan nya at may binulong dito. "Sandali lang Galvie at dumating na yung mga bisita na kanina ko pang hinihintay, excuse me muna." Saad ni Mayor at madali itong tumungo sa entrance door, medyo na intriga naman ako sa bisita nito, artista kaya or isang mataas na opisyal? Maya-maya pa ay bumalik na ito kasama ang mag asawang Alcanatara. Napakunot ang noo ko dahil sa mga nag gagandahang dilag na kasama ng mga ito. Sila marahil ang tinatawag na Sweet Sixteen Angel, ang mga adopter daughter ng mag asawang Alcantara. Marami akong naririnig tungkol sa kanila, pero ngayon ko lang sila nakita na mag kakasama. Ang ilan sa mga ito ay namumukaan ko, madalas kasi na sila ang escort ng mga business man o di kaya mga bisitang foreigner sa mga event. Narinig ko din na hindi basta-basta ang binabayad sa mga ito, ngayon ko lang naunawaan kung bakit. Mga pang miss universe naman pala ang ganda ng mga ito lalo na ang pangangatawan. Hindi ako magaling mangilatis ng babae dahil hindi naman ako babaero, pero kung titingnan silang lahat ay walang tapon sa mga ito. Kung ako siguro ang papipiliin sa kanila, mukang mahihirapan ako. Inisa-isa ko ang pag tingin sa SSA, napakunot ang noo ko sa babaeng naka dress ng sage green. Hindi ako pwedeng mag kamali, sya yung babaeng kasabay ko sa elevator kagabi sa hotel. "Bro, sabi na nga ba at ikaw yan." Saad ni Dan at humarang ito sa pwesto kung nasan ang pamilyang Alcantara. "Sino ba yang tinitingnan mo dyan?" Tanong nito at lumipat ng pwesto, napangiti ito ng malaman kung san ako nakatingin. "Huwag mong sabihin na may balak kang mag arkila ng babae?" Natatawang saad nito sakin. "Kilala mo ba yung babaeng naka green, anong pangalan nya?" Tanong ko kay Dan. "Oo naman sya si Madelaine, sa kanilang lahat yan ang pinakang ginto ang presyo. Kaya kung balak mong mag pa book sa Hidden Paradise, iba nalang ang piliin mo bro kasi masasayang lang ang pera mo. Payong kaibigan lang ah, pare-pareho lang naman silang magaganda at sexy, kaya dun kana sa medyo mura." Saad nito sakin. Ngayon lang ako nag ka interest sa isang babae kaya walang magiging problema pag dating sa pera. Ang mahalaga ay makuha ko sya, dahil wala akong ginusto na hindi ko nakuha. Kinuha ko ang phone ko at agad na nag pa book sa Hidden Paradise. Nakita ko ang larawan nito sa page, sobrang ganda talaga nito. Excited na akong maangkin ito, ano kaya ang amoy nito, ang lasa ng kanyang laway, ma namis-namis din kaya ang katas nito? After kong mag pa book ay lumapit ako kay Mayor upang mag paalam dito. Nag katinginan kami ni Madelaine, nanglaki pa ang mata nito ng makita ako. Agad naman itong umiwas ng tingin sakin, humanda ka dahil sakin ang bagsak mo ngayong gabi. "Mayor, pasensya na po pero mauuna na akong umuwi, may emergency lang po ako." Saad ko dito. "Ganun ba, sayang naman ipapakilala pa sana kita sa anak nila Mr and Mrs.Alcantara. Malay mo dito mo na makita ang true love mo." Pa birong saad ni Mayor Monterde sakin. "Magandang gabi po, It's an honor po na makilala kayo, by the way ako nga po pala si Galvie Herrera." Pakilala ko sa mag asawa at nakipag kamay sa mga ito. "Ikaw pala ang Ceo ng Hera hotel, tama nga ang narinig ko na gwapo ka pala iho." Saad ni Mrs.Alcantara sakin. "Hindi naman po mashado." Nakangiting sagot ko dito. "Balita ko din na single ka pa, baka may natitipuhan ka sa mga anak ko. Bibigyan kita ng discount." Pa bulong na saad nito sakin. "Pwede nyo po ba irecommend sakin yung pinakang special mo dyan." Pa biro ko pang saad dito. "Madelaine, come here iha." Saad ni Mrs.Alcantara kaya agad na lumapit si Madelaine samin. "Ikaw na ang kumilatis iho." Nakangiting saad ni Mrs Alcantara sakin. "Masaya akong makilala ka Madelaine." Saad ko dito at kinuha ang kamay nito para halikan. "So paano iho, iuuwi mo na ba sya ngayong gabi?" Pa birong tanong ni Mrs.Alcantara sakin. "Pwede na po ba, isa pa na i-book ko na po sya." Nakangiting saad ko dito. "Talaga, teka at titingnan ko muna." Saad ni Mrs Alcantara. "Sige na Madeliane, sumama kana muna kay Mr Herrera, mag enjoy kayo." Saad nito at wala namang pag alinlangan na sumama ito sakin. Yumakap agad ito sa braso ko, sa isang iglap ay naging instant Girlfriend ko ito ng walang ka hirap hirap. "Sinasayang mo lang ang oras at pera mo sa katulad ko." Saad nito habang nag lalakad kami pa labas ng hotel. "Kung ikaw naman ang makakasama ko ngayong gabi, walang masasayang sakin." Nakangiting saad ko dito. "Palibhasa wala lang sa inyo ang pera kaya okey lang sa inyo kung gumastos kayo ng ilang daang libo para ma supportahan yung init ng katawan nyo." Saad nito sakin kaya napangiti ako. "Ganyan ka ba sa lahat ng customer mo? Nakakapag taka dahil ikaw ang pinakang mahal sa Sweet Sixteen tapos sinusungitan mo lang ako." Natatawang saad ko dito. "Ano ba kasi ang kailangan mo sakin, dahil ba sa nangyare kagabi?" Tanong nito. "Na love of first sight ata ako sayo." Saad ko dito kaya napakunot ang noo nito sakin at inalis ang kamay nya sa braso ko. "Baliw kana nga talaga, after ng gabing ito hindi na ikaw yung lalaking makakasama ko. Huwag kang mag alala, sisikapin kong mag enjoy ka ngayong gabi para hindi mo pag sisihan yung binayad mo sakin." Saad nito kaya napangiti ako. "Mas lalo tuloy akong na excite." Saad ko dito at sumakay na kami ng kotse ko. Pag pasok namin ng kotse ko ay nag katinginan kaming dalawa. Hindi pa kami nakakaalis ay sabay naming sinunggaban ang labi ng isat-isa. Hindi ko na matandaan kung kelan ako huling nakipag s*x. Ganito pala ang lasa ng halik nya, sa halik palang ay sulit na. Bago mag hiwalay ang labi namin ay habol hininga kaming dalawa. "Hindi na ako makapag hintay na matikman ka Madelaine." Saad ko dito at muling hinalikan ang labi nito. Habang abala ito sa pakikipag palitan ng halik sakin ay iginala ko ang aking kanang kamay sa legs nito. Narinig ko naman ang mahihinang pag dating nito. Mas lalong umalab ang bugso ng damdamin ko dahil sa mapang-akit na ungól nito. Mula ngayon, babakuran na kita Madelaine. **Madelaine's Pov** Hindi ako makapaniwala na magiging customer ko ang lalaking to, si Galvie Herrera. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, dinadaan ko nalang sa pag tataray ang pakikipag usap dito dahil ayukong mahalaga nya na naiilang ako sa kanya. Ngayon lang talaga nangyare sakin to, ang mailang sa isang customer. Pag pasok namin sa kotse nya, mas lalong kumabog ang dibdib ko. Pakiramdam ko bigla nalang uminit sa loob ng sasakyan nya. Nang mag tama ang mga mata namin ay hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin ko. Okey lang naman na ako ang unang mag move diba kasi bayarang babae naman ako, pero di ko ini-expect na sabay kaming hahalikan sa isa't isa. Mabilis kong ipinikit ang aking mga mata at nilasap ang unang palitan ng halik namin. Sa dami ng lalaking nakabalik sa labi ko, sya lang ang kauna-unahang lalaking hinalikan ko ng kusa. Pakiramdam ko ito ang first kiss ko, sobrang passionate ng bawat palitan ng halik namin. This time hindi ako lugi sa client ko, mukang ngayon palang ako mag eenjoy ng bongga. Yung hindi napipilitan ang isip at katawan ko, parang go with the flow nalang ako at bahala na kung saan kaming dalawa mapunta. Iisa lang naman ang patutunguhan nito, mukang totoo ng makakaayat ng langit ang pang 13th Angel nyo. Nang makaramdam kami ng pagod sa palitan ng halik ay nag simula na itong mag maneho. Nakaramdam ako ng hiya after ng halikan naming dalawa, shuta feeling virgîn ako ngayon. Ano ba tong nangyayare sakin, bakit parang ang pa bebe ko? Pag dating namin ng parking lot ng hotel ay dumiretso na kami ng elevator. Pag pasok namin sa loob ay hinila nila ang bewang ko kaya napayakap ako dito. Hinawakan nito ang muka ko at muling inangkin ang labi ko. Bigla namang bumukas ang elevator kaya agad kaming kumalas sa isa't isa. Patay malisya kaming dalawa dahil sa mag asawang matanda na pumasok sa elevator. "Magandang gabi po Mr and Mrs De Leon." Nakangiting bati ni Galvie sa mag asawa. Mukang dito na nakatira sa hotel ang mag asawang ito dahil kilala ito ni Galvie. "Ikaw pala yan iho, muntik na kita v hindi makilala. May kasintahan kana pala, bagay na bagay kayong dalawa." Saad ni Mrs De Leon. "Magandang gabi po." Nakangiting bati ko sa mag asawa. Alam ko naman na medyo na huli nila kaming dalawa na nag tutukaan ni Galvie kanina kaya sasakyan ko nalang yung sinabi nito na mag kasintahan kami. "Ito palang ang unang beses na nakita ka naming may kasamang babae, at talagang bilib ako sa taste mo Iho. Kailan nyo ba balak na mag pakasal?" Tanong naman ni Mr De Leon. Napakapit ako sa braso ni Galvie kaya nag katinginan kaming dalawa. Never na pumasok sa isip ko na maikasal, sino ba namang matinong lalaki ang mag papakasal sa isang bayarang babae na katulad ko? Walang mag seseryoso sakin, walang mag mamahal sakin ng totoo. Yan ang katotohanang matagal ko ng itinamin sa utak ko. Kung may mga customer ako na pa balik balik sakin, hindi ibig sabihin nun ay mahal ako nito dahil isa lang naman ang habol nito sakin- yung s#x. Kung makakalaya man ako sa rehas na to, hindi ko din alam kung paano ko haharapin ang bagong buhay ko. Alam ko kasi na walang tatanggap sa mga katulad ko, dahil sa mata ng mga tao, isang masamang babae ako, madumi at salot sa lipunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD