MATULIN na lumipas ang araw. Nagpatuloy ang magandang samahan ni Francez at Drew. At ganon din sa kanila ni Prince. Laking pasasalamat niya dahil kahit papaano ay bumalik na rin ang lahat sa dati. At inaamin niya, labis siyang natutuwa nang dahil doon. Minsan kapag may practice sa roleplay, pinapanuod lang niyang magkasama at umaakting sina Prince at Sarah. And everytime she watched them that sweet, parang may tumutusok sa mga mata at puso niya. She always find herself and eyes explode and shed into tears. Parang sasabog ang puso niya sa sakit. Yeah, she admit, minsan nasasaktan siya ni Prince nang hindi nito napapansin at namamalayan. Iyon talaga ang epekto kapag sekreto lang ang nararamdaman mo. Walang nakakaalam na nasasaktan ka. Wala kang mapagsasabihan at mahihingan ng payo. All

