"KAPAG tinawag mo pa ako niyan at kapag nag-ingay ka pa, hahalikan na talaga kita!" Natigilan si Francez sa sinabi ni Drew. Nang makitang seryoso ito ay nakaramdam siya ng takot. Mabilis pa sa alas kwatrong itinikom niya ang bibig. Aba! Ayaw niya yatang mabinyagan ng di oras ang labi niya ano! Kunwari ay izinipper niya ang bibig. Nagpatuloy siya sa paglakad at nilampasan ito. Ilang sandali pa'y sumunod ito sa kanya. "Hayan ganyan ka sana palagi. Quiet lang dapat. Mabait at masunurin ka naman pala eh," tumatawang sabi nito at ginulu-gulo ang buhok niya. Naiinis na tinabig niya ang kamay nito. "Tigi-" "Sige magsalita ka. Kasasabi ko lang. Hahalikan talaga kita," mabilis na banta at sansala nito sa sinasabi niya. Muli niyang itinikom ang bibig. Lalo siyang nakaramdam ng inis sa pamba-bl

