1 - Humiliation

2622 Words
"YES! At last tapos ko na! Ang galing ko talaga!" Nagbubunyi ang ngiting itinaas ni Francez ang hawak na papel at buong pagmamalaking pinakatitigan niya iyon. Ang papel na iyon ay naglalaman ng script na ginawa niya para sa roleplay na ipapalabas sa papalapit na foundation day ng university nila, ang Saint Therese University. It's a musical play actually. Alam naman niya ang taste ng mga mag-aaral sa unibersidad na iyon. Umiikot lang ang mundo ng mga ito sa iisang bagay, and that's FAME. Kaya naman naisip niyang iyon na lang ang gagamitin niyang tema at genre para sa naturang play, na kung tutuusin ay sukang-suka siyang sulatin. Kung wala lang talagang reinforcement na kapalit ang paggawa niya niyon ay hindi siya pumayag at never siyang papayag! Kahit pa maging araw ang planet Venus at maging buwan ang planet Mercury. Kahit lumuhod pa ang mga bituin. At kahit pa siguro pagpalitin ang ulo at paa ng tao. Never siyang papayag na gawin iyon. Ayaw sana niyang tanggapin iyon dahil hindi naman siya kabilang sa listahan ng mga nababaliw na estudyante ng unibersidad nila. Kung hindi lang binanggit ng department chairman nila na magkakaroon siya ng additional grades sa lahat ng subjects niya ay hinding-hindi niya talaga iyon tatanggapin. Full scholar siya sa University nila kaya pikit ang mga matang tinanggap niya ang trabahong iyon. Hindi naman kasi siya mayaman katulad ng ibang estudyante ng unibersidad nila na humaling sa mga walang kakwenta-kwentang bagay. Mayaman kasi ang mga ito kaya kahit abutin ang mga ito ng isang dekada sa kolehiyo ay okay lang. Hindi gaya niya na kailangan niyang magpakasubsob sa pag-aaral ma-maintain lang niya ang mga grades niya. Ganon siya kadedicated sa pag-aaral niya. And one more thing, ayaw niyang madisappoint ang parents niya sa kanya lalo na at nangako siya sa mga itong pagbubutihan niya ang pag-aaral niya. Kaya alang-alang sa mga grades niya ay gagawin niya ang lahat mamaintain lang iyon. "OMG! Ang gwapo talaga ni Tom at Pao!" Napalis ang ngiti niya nang marinig ang impit na tili at hagikhikan ng mga babae sa kabilang mesa. Hindi maipinta ang mukhang napalingon siya roon at ganon na lang ang paglukot ng mukha niya nang makita niyang tila nangangarap ang mga itong nakatitig sa laptop na nasa harapan ng mga ito. As usual, they're daydreaming again. "Mas gwapo at hot si Hanz 'no! Look at how magnificent his body is! I drooled a lot of times because of that photo of him." "Oo nga, nakita ko nga siyang topless sa field noong isang araw. And muntikan na akong mawalan ng ulirat nang makita ko yung six-pack abs niya. Kyaahh!" "Gross!" Napangiwi siya. "Kababaing mga tao, mga manyak!" Napailing-iling na lang siya at sinimulan na niyang ayusin ang mga papel upang mailagay na iyon sa folder. Now, all she need is food. As in, madaming foods! Kailangan na rin niyang magrelax. Aba! Dugong-dugo kaya ang utak niya sa paggawa ng script na iyon. Kaya kailangan niyang magcelebrate kahit papaano dahil sa wakas, tapos na ang kanyang kalbaryo. And one more thing, ayaw na niyang magtagal pa sa lugar na iyon na itinuring niyang sanctuary niya sa loob ng unibersidad. Doon kasi siya naglalagi kapag vacant niya. Para sa ibang tao, masyadong boring ang buhay niya dahil ang lagi niyang hawak ay ballpen o lapis, libro at papel. And she always prefer to be alone. Yes, she is a loner that's why she doesn't have any friend at all. Or mas tamang sabihing, walang gustong maging kaibigan siya. No one didn't even bother to offer her friendship. Kakaiba kasi siya sa lahat. Well she can't blame them. Sino ba naman kasing mayaman ang gustong maging kaibigan ang isang mahirap na kagaya niya. Ni hindi nga rin niya alam ayusin ang sarili niya. So obviously, she doesn't belong in their circles. Tsaka isa pa, ayaw kasi niya ng maingay. Nakakairita minsan, kaya nandito siya lagi sa library para makaiwas sa tsismis, gulo at ingay. Pero mukhang nagkamali yata siya ngayon, lalo na nang may bagong dating na babae at lumapit sa kumpulan ng mga babae sa kabilang mesa. "Oy guys, narinig niyo na ba yung balita?" tanong ng babaeng may malaking bulaklak sa ulo. Kunot noo at salubong ang kilay na napalingon siya sa grupo. "What news?" "Bago ba yan?" "Oo 'no! Bagong-bagong pitas to!" "Tsismosa ka talaga! Eh kung pitasin ko rin kaya 'yang bulaklak diyan sa ulo mo! Hahaha!" "Naman eh! Makinig ka nga muna kasi!" "About what ba 'yan kasi?" She rolled her eyes and sighed. 'Hay nakakainis! Sarap nilang sabunutan! Sa loob ng library pa talaga sila nagtsismisan. Kahit ang napakatahimik na library ay hindi nakaligtas sa mga makakating bibig at dila nila. Tsk!' Napabuga na lang siya nang wala sa oras. "Si Drew kasi! Nililigawan niya si Steph!" "What?!" She rolled her eyes for the second time. For sure ay ilang beses na naman niyang gagawin iyon ngayon. What's new? Eh lagi siyang badtrip sa mga estudyanteng kagaya ng mga ito na wala nang ibang ginawa kundi ang magsayang ng oras sa pakikipagtsismisan. And as usual, nagkukwentuhan na naman ang lahat ng tao sa library na iyon tungkol sa mga sikat na personalities ng University nila. At ang tinutukoy ng mga ito kung hindi siya nagkakamali, ay isa sa miyembro ng pinakasikat na banda ng school nila. Napapailing na lang siya. Itong mga babaeng ito talaga, walang kapaga-pag-asa. Wala na kasing ibang ginawa ang mga ito roon kundi ang magtatag ng mga organisasyon na hindi naman kasali sa academics, magtilian, magtsismisan, mangarap at sumali sa mga fans club ng mga iniidolo at hinahangaan nilang kapwa rin nila estudyante. Well, that's their only world inside the school. Hindi nga niya alam kung nag-aaral pa ang mga ito. Hindi ba nasasayangan ang mga ito sa winawaldas na pera ng mga magulang? Maluho kasi ang mga ito sa pagbili ng burloloy sa katawan para lang magpapansin at para tularan ang mga fashion style ng mga hinahangaan ng mga itong estudyante. Sabagay, mukhang balewala naman ang mga iyon sa mga ito. Iba na talaga kapag mayaman. Napabuga siya. Sinimulan na niyang ligpitin ang mga gamit upang makaalis doon. Naririndi na siya sa mga ingay ng mga ito. May pinuntahan kasi ang librarian kaya nagagawa ng mga itong mag-ingay roon nang walang naninita. "No! This is not happening! Hindi ito pwedeng mangyari!" tili ng isa. 'Oa teh! Kahit maglupasay pa kayo r'yan, as if he would care about your sentiments!' sigaw ng isip niya. Tumayo na siya at isinukbit ang kanyang bag. 'Kainis! Istorbo! Makaalis na nga!' Naglakad na siya palabas ng library. Kailangan na talaga niyang makaalis doon. Masyado na kasi siyang naalibadbaran sa mga babaeng ito. Siya nga pala si Francez Kaizel Roxas, third year Mass Com Student. Hindi mayaman ang family niya, pero hindi rin naman mahirap. Kumbaga nasa middle class ang kinabibilangan ng family niya. Ang papa niya ay nagtatrabaho bilang clerk sa isang bangko, ang Kuya Frank naman niya ay nagtatrabaho sa isang sikat na kompanya, habang ang mama naman niya nagbabantay sa sari-sari store nila sa tapat ng bahay nila. Simple lang ang buhay nila kung tutuusin. Kaya naman ay marami sa mga kamag-aral niya ang nagtataka kung papaano siya nakapasok sa pangmayaman at prestihiyosong unibersidad na iyon. Oo totoo, halos lahat ng nag-aaral doon ay galing sa mga prominenteng pamilya. Ilan sa kanila ay mga anak ng politicians, businessmen, models and celebrities. Kaya siguro hindi nakikipagkaibigan sa kanya ang mga ito nang dahil doon. She doesn't belong in their circles. And she doesn't fit in their group. Marahil ay hindi nga siya kasing yaman ng mga ito. Pero hindi naman lahat ng bagay, nadadaan sa pera. May ibubuga rin naman siya kahit papaano regardless of financial status. Nagtapos siya bilang valedictorian noong high school siya. Her intelligence is her only weapon. Edge na niya iyon sa mga ibang estudyante roon na hibang na hibang sa mga walang kawenta-kwentang bagay at tao. Simple lang din siya. Maayos at malinis lang ang uniporme niya ay okay na sa kanya. Wala rin siyang kaarte-arte sa katawan. Relo lang ang suot niya sa braso, samantalang yung iba sandamakmak na bracelet ang suot, sa magkabilang braso pa. Nagmumukha na ngang clown yung iba sa kapal ng make up sa mukha at ang mga damit na suot, parang may pupuntahan lang na fashion show at party. "Iihh! Nakita ko sina Hanz, Ace at Keith kanina! Nagpapractice sila sa quadrangle!" "Yeah and oh my gosh! They're all half-naked!" "And their abs! Oh my! They're so hot!" "Seeing them like that felt like I wanna pass out! Kyaahh!" "It's heaven!" "Welcome to HELLywood!" She rolled her eyes. For her, their university is a combination of Hollywood and hell. Hollywood because there are lots of crazy die hard fans and stupid celebrity wannabes. And hell because of all the commotions and noises those die hard fans create for their idols. Just like now, nagmumukha lang ang mga itong siraulo sa mga pinagsasasabi ng mga ito. Hello? Pumasok ba ang mga ito para lang makipagtsismisan, magtatag ng mga fansclub at tilian ang mga popular personalities ng school nila? And upon looking at their outfits. "Geez!" Napangiwi siya. "Christmas is in the air!" All of them are wearing colorful, bright, shining and shimmering outfits with matching burluloys and make up. Kulang na lang ay palitan ng Christmas song ang university nila tutal araw-araw naman ay pasko dahil sa mga estudyanteng kagaya ng mga ito. Muli siyang napabuga. Siya na lang yata ang natitirang normal sa university na iyon. At dahil sa pagiging normal niya, she used to be a loner and a total outcast. Aaminin niyang isa siya sa mga matatalinong mag-aaral na iyon pero hindi siya sikat at wala siyang fans club. Mukha kasi siyang bruha dahil sa buhok niyang halos ay nakatakip sa mukha niya dahil sa haba niyon. Sino ang magkakainteres na hangaan siya sa itsura niyang iyon? Kahit siguro baliw ay nunkang maging fan niya. But she doesn't mind about that after all. Mas gusto rin naman kasi niya ng tahimik na buhay. 'Never!' At habang nakikita niya ang mga ilang estudyanteng nagkakagulo at nagtitilian sa paligid with all their shining and shimmering outfits, pakiramdam niya'y parang mas gusto na lang niyang tusukin ang mga mata nang wala na siyang makita. Ang sakit kasi ng mga ito sa mata sa totoo lang. Ilang sandali pa'y nakarating na siya sa canteen. Buti na lang at kakaunti pa lang ang taong kumakain doon kaya nagtungo na siya sa counter upang bumili ng pagkain. After niyang bumili ay pumuwesto siya sa mesang nasa kasuluk-sulukang bahagi ng canteen. Mas gusto niya kasi ang tahimik na lugar. Sinimulan na niyang kumain. Malapit na niyang maubos iyon nang mapansing dumadami na ang tao sa loob ng canteen. Lunchtime na kasi nang mga oras na iyon. Sa kaharap niyang mesa ay mayroong grupo ng mga lalaking umupo roon. Ang ingay ng mga ito kaya medyo nairita siya. Taas ang kilay na iniangat niya ang tingin at para lang mapasimangot ng makita kung sino ang mga ito. "Kyaahh! Nandito ang Rising Blue Angels!" nagsimula nang magtilian ang mga babae. Nagbibiruan ang mga miyembro niyon kaya panay ang tawanan ng mga ito bagay na nagpakilig naman sa mga babaeng fans ng banda. Nagsalubong naman ang kilay niya nang makitang pumuwesto sa mesang nasa bandang kanan niya ang ilang players ng basketball team. Nagtatawanan naman ang mga ito. At lalong nalukot ang mukha niya nang pumuwesto naman sa kaliwang mesa ang mga miyembro ng cheering squad. Nagkukwentuhan naman ang mga ito. All the fans of those groups started to create noise and commotion. Nalukot ang mukha niya. "Seriously? Kailangan talagang mag-ingay?" Nagsalubong ang kilay niya. She really hates noise for pete's sake! Sa totoo lang naririndi siya sa ingay ng mga ito. At tila anumang oras ay sasabog na siya sa matinding inis. 'Silence!' sigaw ng isip niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Sa sobrang inis at gigil niya ay halos hindi na niya namalayan ang sariling napatakip ng tainga. She started to murmur. "Ano ba iyan! Kainis! Ang ingay-ingay niyo na naman! Lagi na lang ganyan! Nakakaumay na! Hindi ba kayo nagsasawa? Wala na bang bago? Tumahimik naman kayo please! Parang awa niyo na!" Ilang sandali pa'y nakahinga siya nang maluwag nang marinig ang unti-unting pagtahimik ng buong paligid. "Miss? Are you alright?" Hindi niya pinansin ang narinig, bagkus ay taimtim na lang na siyang nagpasalamat dahil tumahimik na rin ang paligid niya. "Miss? Okay ka lang?" "Hala! Umalis na kaya tayo rito. Baka napossess na si ate. Mahirap na baka manakal pa iyan." 'Ano raw?' "Miss? Are you okay?" "Wait, sino ba ang kausap ng mga ito?" nagtatakang tanong niya sa sarili. Dala ng matinding kuryusidad ay dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at nakita niyang nakatingin sa kanya ang magkakabandang iyon. Nabasa niya sa mga mata ng mga ito ang pagtataka. Lumingon siya sa kanan, pati pala ang kabilang grupo ay nakatingin din sa kanya. Lumingon siya sa kabila, at ganon na lang ang kabog ng dibdib niya nang makitang nakatingin din sa kanya ang mga ito. 'Awkward moment! All eyes on me! Waahh! Anong ginawa ko? Bakit lahat sila nakatingin sakin?' Nanlalamig at naninigas ang katawan niya. Noon niya napansin ang mga kamay niyang nakatakip sa tainga niya. Namumula ang mukhang mabilis niyang ibinaba ang mga kamay at napayuko upang itago ang mukha. 'Kaya pala! Darn it! Ano na namang katangahan at kahihiyan ito Francez?' Nang mga oras na iyon ay parang gusto na niyang maglahong parang bula dahil sa matinding hiyang nararamdaman. At ilang beses din niyang hiniling na sana ay bumuka na lang ang lupa at lamunin siya niyon ng buo. 'OMG! Ano nang gagawin ko?' problemadong tanong ng isip niya. Ngayon ay hindi na niya alam kung papaano pa niya matatakasan ang kahihiyang kinasusuungan niya nang mga oras na iyon. 'What should I do? Matalino ka Francez 'di ba? Kaya mag-isip ka ng paraan! Mag-isip ka!' Sa sobrang kahihiyang nararamdaman niya ay mabilis na tinakpan niya ang mukha gamit ang librong nadampot niya sa ibabaw ng mesa. Isinukbit na rin niya ang bag at tumayo. Parang tangang magnanakaw na dahan-dahan siyang humakbang. She walked on tiptoe. Nang maisip niya kung anong pinaggagagawa niya ay lalong lumala ang hiyang nararamdaman niya. She bit her lower lips. Ngali-ngali na niyang kutusan ang sarili. 'Nakakahiya na itong pinaggagagawa ko! But I don't have a choice! Nasimulan ko na kaya tatapusin ko! Paninindigan ko na lang ito! Kailangan ko na talagang makaalis dito! As in now na!' "What is she doing?" "Is she crazy?" "Tsk! This girl is out of her mind. Nababaliw na siya." Dinig na dinig niya ang usapan sa paligid. Lalong namula ang mukha niya dahil doon. 'Hindi pa ako baliw ano! Mga buset!' Gusto niyang isigaw iyon ngunit mas pinili na lang niyang manahimik. Ayaw na niyang dagdagan ang kahihiyang ginagawa niya. Hindi na lang niya pinansin ang mga ito at nagpatuloy siya sa ginagawa. Isa lang ang nasa isip niya nang mga oras na iyon. Kailangan niyang makarating sa pinto at makaalis sa lugar na iyon! "Kailangan ba niya talagang takpan ang mukha niya? Eh nakatakip na nga 'yung buhok niya. Hahahaha! She's funny." Umugong ang malakas na tawanan ng mga ito na lalong nagpasidhi sa hiyang nararamdaman niya. And she just couldn't take it anymore. Mabilis siyang kumaripas ng takbo palabas ng canteen. Inis na inis siya sa sarili niya nang mga oras na iyon. "Stupid Francez! You're so stupid! Matalino ka nga but most of the time, you failed to think! So stupid of you! Look what happened! Nagmukha ka na ngang tanga, nagmukha ka pang katawa-tawa! Argghh! Nakakahiya ka! Nakakahiya ka talaga!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD