Chapter 16

2048 Words
HINDI ako nakatulog nang mahabang oras. Siguro dahil kahit sa pagtulog ay naliligalig ako ng mga pangyayari kaya nagising ako bandang mag-aalas onse ng umaga. Bumangon ako at naligo. Halos mapadaing ako sa sakit ng katawan lalo na at mahapdi ang nasa gitna ng aking mga hita. Habang naliligo ay binalikan ko rin sa isip ang mga sinabi ni Senyorito Matthew. Tinutuyo ko ang buhok ko nang bulabugin ako ng gutom. Wala akong pagpipilian kundi ang bumaba dahil hindi ko para tiiisin ang gutom. Mas mahirap mag-isip kapag walang laman ang tiyan. Paglabas ko ng kwarto ay nagulat ako nang makasalubong ko ang taong laman ng aking isip. “Nakapagluto na’ko. Kumain na tayo,” wala ka-emo-emosyon na alok niya bago ako tinalikuran at naunang bumaba. Tahimik ang buong bahay nang bumaba ako. Dumirecho ako sa terasa kung saan may nakahandang pagkain sa mesa. Lalong nagwala ang tiyan ko. “Kung hindi mo gusto ang ulam, sabihin mo agad para matawagan ko si Ate Rosa at maipagluto ka.” “Hindi po ako mapili sa ulam. Isa pa, marunong akong magluto,” sagot ko sa kaniya bago ako dumulog sa mesa. Kinuha ko ang serving spoon at naglagay ng kanin sa pinggan ko. Inabot naman sa akin ni Senyorito Matthew ang lalagyan ng niluto niyang adobo. Hindi ako kumibo at kinuha ko na lang iyon. Nagsimula agad akong kumain. sa gutom ko ay halos magsunod-sunod ang aking pagsubo. Naupo na rin si Senyorito Matthew sa tabi ko. Napansin kong naka-T-shirt na itim, blue na shorts at tsinelas lang siya. Unang beses na nakita ko siyang ganoon ang suot kaya hindi ko talagang napigilang sipatin ang kaniyang kabuuan. Kagabi ko pa naramdaman ang mabalahibo niyang mga binti pero, hindi ako makapaniwala sa kinis ng mga paa niya. Pag-angat ng tingin ko ay nakita kong nakamasid pala sa siya sa akin. Nahinto ako sa pagnguya. Huling-huli niya ang ginawa kong panunuri sa kaniya. “Why?” Pinagsalubong niya ang makakapal niyang kilay. Idinaan ko sa pagsimangot ang nadamang hiya. Umiling ako sabay bawi ng aking tingin at ninguya ang nasa aking bibig. Nagpatuloy kami sa pagkain nang hindi nagkikibuan. Pagkatapos kumain ay inako ko ang paghuhugas ng mga pinggan. Hindi naman ako pinigilan ni Senyorito Matthew. “I need your decision, today. We’ll talk after that,” paalala niya sa akin bago niya ako iniwan sa terasa at pumasok sa loob. Napunta roon ang isipan ko. May choice pa ba ako? May utang ako na kailangang bayaran. Kung alam ko lang na may kapalit ang ginawa niyang pagtulong sa akin ay inako ko na lang sana ang paglalason kay Mr. Javier. Natigilan ako sa takbo ng aking isip. Kalokohan. Wala akong kasalanan kaya bakit ako papayag na masayang ang buhay ko sa bilangguan. Kung hindi kay Senyorito Matthew, malamang na naroon pa rin ako. May utang na loob nga talaga ako sa kaniya kahit saan ko pa tingnan. Napabuntung-hininga ako. Kung tutuusin ay madali sanang pumayag sa alok niya na kasal. Kaya lang ay nasaksihan ko mismo ang pagiging babaero niya. Pagkatapos, nag-iba pa siya ng pakikitungo sa akin. Kung magsalita siya, parang wala siyang ipinagkaiba kay Ma’am Samantha. At ang nangyari kagabi… Nawala ang atensiyon ko sa aking ginagawa nang matanaw ko sa labas ang pagdating ng isang magarang sasakyan. Sinundan ko iyon ng tingin hanggang sa huminto sa mismong harapan ng rest house. Iniwan ko ang paghuhugas upang tawagin si Senyorito Matthew at sabihing may bisita yata itong dumating pero, napahinto ako nang makitang mula sa passenger seat ay bumaba si Ate Rosa. “Gigi, may bisita kayo!” wika ni Ate Rosa sabay kaway sa akin. May malaking ngiti siya nang lingunin ang nasa driver’s seat. Nagusot ang noo ko nang makita ang pagbaba ni Stephanie. Pagkatapos ay naaninag ko sa aking gilid ang paglabas ni Senyorito Matthew. Nilingon ko siya at tiningnan nang makahulugan. “Matt!” masayang tawag sa kaniya ng bagong dating. Magkasunod na pumasok ng terasa sina Stephanie at Ate Rosa. Parang walang nakita si Stephanie na nasanggi pa ang aking balikat bago dumirecho ng yakap sa abogado. “What are you doing here?” Narinig kong tanong ni Senyorito Matthew. “What else? Binibisita kita! Umuwi ka pala kahapon sa villa pero, hindi ka nagpakita sa akin?” “Attorney, sinamahan ko na rito si Ma’am. Naabutan ko kasi siyang nagtatanong sa mga kapitbahay kung saan ka raw makikita,” paliwanag ni Ate Rosa at tumingin sa akin. “Halika muna, Gigi! Ipaghanda natin ng meryenda ang bisita ng pinsan mo.” “Pinsan? Kaninong pinsan?” Natigilan ako sa tanong ni Stephanie. Hindi ako nakasagot. Hindi rin sumagot si Senyorito Matthew. Kaya si Ate Rosa na ang binalingan niya. “You said, ‘pinsan’, right?” “Ay, oo, Ma’am! Hindi n’yo pala kilala itong pinsan ni Attorney? Si Gigi!” Umangat ang mga kilay ni Stephanie at binalingan ako. At sa unang pagkakataon mula nang makaharap ko siya ay ngumiti siya sa akin. “Gigi. Ikaw pala ang pinsan ni Matt? Nice meeting you,” wika niya at inabot pa ang kamay sa akin. At dahil nakangiting nanonood si Ate Rosa na pinsan ang pagkakaalam sa aming dalawa ni Senyorito Matthew ay wala akong nagawa kundi ang mag-abot din ng kamay sa ‘bisita’. Paglapat pa lang ng palad ko ay binawi na agad ni Stephanie ang kamay niya. Para bang diring-diri na nahawakan ko siya. Nakangiting bumaling ulit ito sa abogado at yumakap sa braso. Pinigilan ko ang mainis at nilingon na lang ang ginagawa ni Ate Rosa. Nagsasalin siya ng juice sa dalawang baso. “Matt, won’t you invite me inside? Para makaupo naman tayong dalawa,” tanong ni Stephanie kaya napatingin na naman ako sa kanila. Hindi ko alam kung ano bang hinihintay ko. Imbes na tulungan ko na lang si Ate Rosa ay tumanghod pa ako sa dalawang nilalang sa aking harapan. Nakatunghay sa mukha ni Stephanie si Senyorito Matthew habang buong lambing na nakatingala naman sa kaniya ang babae. Ang sarap tusukin ng mga mata nila. Hindi ko narinig na sumagot si Senyorito Matthew. Tumingin lang siya sa akin bago pumasok sa living room at sa braso niya ay mistulang tukong nakakapit pa rin si Stephanie. Tinulungan ko si Ate Rosa sa paghahanda ng meryenda ng mga bisita. Inako naman niya ang paghatid ng tray ng juice at pastries sa dalawa. Nanatili na lang ako sa terasa Naupo ako at nakiramdam sa mga tao sa sala. Narinig ko ang boses ni Ate Rosa na pinupuri nang husto ang kagandahan ni Stephanie. Mahinhing tawa naman ang tugon ng babae. Paglabas ni Ate Rosa ay nagpaalam na siya. “Maiwan ko na ulit kayo, Gigi. Bukas naman ay narito na ulit ako.” Ayoko sanang maiwan doon pero, nakakahiya namang pigilan ko ang ginang. “Sige po, Ate. Mag-iingat kayo pag-uwi.” Inihatid ko siya ng tingin at nang mawala na sa paningin ko si Ate Rosa ay bumalik ako sa aking kinauupuan sa tabi ng mesa. Bigla kong naalala na hindi pa ako tapos sa aking ginagawa. Gustuhin ko mang makiramdam sa mga tao sa loob ay itinuloy ko na muna ang paghuhugas ng mga kasangkapan. Hindi pala ako nakapagsuot man lang ng apron at dahil nagmamadali, nabasa tuloy ang kamisetang suot ko. Nang matiyak kong malinis na ang temporary kitchen ay pumasok ako. Nahuli kong nakahilig sa balikat ni Senyorito Matthew si Stephanie habang umiinom ng juice ang abogado. Nakita nila ako. “Aakyat lang po ako, Senyorito. Nabasa kasi ang damit ko.” Bahagyang tumango si Senyorito Matthew. Wala namang reaksiyon ang katabi niya, parang walang pakialam kung sino ang makakita sa hitsura nila. Pagpasok ko sa kwarto ay halos maibalibag ko ang pinto sa inis. Sinasabi ko na nga ba! Kumuha ng bahay ang abogado sa Irosin para roon sila magtatagpo ni Stephanie. Ipinakilala niya akong pinsan sa mga tao roon hindi dahil sa rason na sinabi niya kundi para maging legal si Stephanie sa paningin ng mga kapitbahay gaya ni Ate Rosa. Magpinsan kami sa Irosin habang sa Sta. Magdalena, partikular sa mga taga-asyenda, ay magiging mag-asawa kami? Gano’ng klaseng palabas ba ang gusto niya? Hinubad ko ang kamiseta ko pati na rin ang palda. Kumuha ako ng pamalit na daster at nagbihis. Alam kaya ni Stephanie ang plano ni Senyorito Matthew? Nang makita niya ako ay hindi naman siya mukhang nagulat. Pero alam kong nagtaka siya na pinsan ng abogado ang pagkakakila sa akin ni Ate Rosa. Naiinis ako na hindi ko maintindihan. May isang bahagi ko rin ang nalulungkot kapag naiisip kong posible na gano’n nga ang pakay sa akin ni Senyorito Matthew. Kinabahan ako sa muling pagbaba. Baka kasi mamaya ay makita ko naman na naghahalikan sila gaya ng dati sa tabi ng swimming pool kaya naman nakahinga ako nang makitang mag-isang nakaupo si Stephanie sa sofa. Umiinom ito ng juice at iginagala ang mga mata. Nakita nito ang pagbaba ko ng hagdan. Balik sa dati, nang-uuri ang tingin ni Stephanie sa akin. “I’ll be there tomorrow… Hindi ako makakaalis ngayon…. ” Mula sa terasa ay pumasok naman si Senyorito Matthew na may kausap sa cellphone. Maya-maya ay ibinaba na rin niya iyon. Tumingin siya sa akin at tila may sasabihin pero, tinawag siya ng ‘bisita’. “Matt!” Nabaling ang tingin niya kay Stephanie nang lumapit iyon at maglambitin na naman sa batok niya. Napasimangot ako. “Ipasyal mo naman ako. Balita ko ay malaki raw ang property na nabili mo rito?” Bahagyang tumango si Senyorito Matthew. Parang tinutusok ang dibdib ko habang pinanonood sila pero, nanatili pa rin ako roon. “S-Senyorito…” Natigilan sila pareho nang tawagin ko siya. Tumingin sa akin si Senyorito Matthew pati na rin ang kayakap niya. Mahigpit akong lumunok bago nagpatuloy sa aking sasabihin. “Hindi ba, sinabi mong ngayon mo aalamin ang sagot ko. Sige, Senyorito. Pumapayag na akong magpakasal sa inyo. Kahit kailan mo gustuhin, okay lang sa akin.” Pagkasabi ko noon ay ibinaling ko kay Stephanie ang tingin ko kaya naman huling-huli ko ang pamimilog ng mga mata ng babae. “What did you say? Are you crazy?” natatawang tanong nito nang harapin ako. Hindi ako nakasagot at bagkus ay napatingin kay Senyorito Matthew. Hindi ko mawari kung nagulat ba siya sa aking sinabi. Pero bahagyang nakakunot ang noo niya habang tahimik na nakatingin sa akin. Tumingin ulit ako kay Stephanie. Mula sa pagtawa ay biglang tumalim ang mga mata nito. Para naman akong natalimuanan. Ibig bang sabihin ay hindi nito alam? Hindi ko naiwasang kabahan. Ano bang ginawa ko? “S-sa… labas lang po muna ako…” Akma akong aalis nang hawakan ni Stephanie sa aking braso. Natigilan ako. “Anong pinagsasabi mo, ha? Anong kasal?” mabagsik na tanong nito habang hila ako. Nakipaghilahan ako ng braso. Kahit natatakot ako sa aking ginawa ay hindi ko na babawiin ang aking sinabi. Nang hindi ako sumagot ay binitiwan ako nito at si Senyorito Matthew ang binalingan. “What is she talking about, huh? Nasisiraan na yata ng bait ang babaeng 'yan, matakot ka na!” “Steph, calm down.” "Hindi 'yan ang gusto kong isagot mo sa akin, Matt! Tell me that she's just kidding! Nagpapantasya lang ang isang 'yan, hindi ba?" histerikal na tanong ng babae. Umiling si Senyorito Matthew. Natulala si Stephanie. “Sh*t!” mura nito sabay tulak sa abogado. Nakita ko ang pamumula ng buong mukha ni Stephanie nang tingnan ako. “You're just a trash!” sigaw nito sa akin bago bumaling kay Senyorito Matthew. “Makakarating ito kay Lolo! I’m telling you, Matt, hindi papayag ang pamilya natin na mapunta ka sa isang babaeng basura na nga ay kriminal pa!” Pagkasabi noon ay umalis ito sa aming harapan at dinampot ang bag sa sofa. Tiningnan pa ulit kami nito bago nagmamadaling lumabas ng rest house pero, sa gulat ko ay hinabol pa ito ni Senyorito Matthew. Wala sa sariling humakbang ako papunta sa pintuan. Mula roon ay tinanaw ko sila. Para akong nanlambot nang makitang inalo-alo ng abogado si Stephanie. Ilang sandali pa nga ay yumayakap na ulit ito kay Senyorito Matthew. Mabilis na mamuo ang luha sa mga mata ko. Pero bago pa iyon makapatak ay tumalikod na ako at umakyat papuntang kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD