Chapter 10

2378 Words
“PAGTULUNGAN ninyong kunin ang mga gamit niya sa trunk ng kotse ko at dalhin sa guest room,” utos ni Senyorito Matthew sa dalawang kasambahay na sumalubong sa pagdating namin sa Villa Isabelle. Agad namang sumunod ang dalawang babae at iniwan kami. Nilingon ako ni Senyorito Matthew. Hindi ko alam kung paano niya ako nakumbinsi na sumama sa kaniya sa bahay na ito. Ayoko sana dahil halos alam ko na ang magiging reaksiyon ng pamilya niya pero, kapag ginagamitan ako ng tila galit at nanunumbat na tono ni Senyorito Matthew, pakiramdam ko ay may kasalanan ako sa kaniya at wala akong karapatang umangal. “Matthew, you’re here!” Isang pamilyar na boses ang pumutol sa titigan namin ng abogado. Nakita ko si Ma’am Samantha na palapit sa aming direksiyon. “Are you finally back, Hijo? Tamang-tama naman ang dating mo. The dinner is almost prepared-” Nahinto sa pagsasalita si Ma’am Samantha nang makita ako sa bandang likuran ng pamangkin niya. Namilog ang mga mata nito. “Anong ginagawa mo rito?” Nag-iwas ako ng tingin at hinayaang si Senyorito Matthew ang sumagot. “Bisita ko siya, Tita Sam. Dito muna siya pansamantala.” Biglang lumipad ang tingin ng ginang sa pamangkin. “What? Matthew, hindi mo ba nabalitaan ang ginawa ng babaeng ‘yan? She is accused of killing someone.” “I know. As a matter of fact, ako ang tumulong sa kaniya na makalabas sa kulungan.” “What? Are you crazy? Tinulungan mong makalaya ang kriminal na ‘yan?” Nagkibit ng balikat si Senyorito Matthew. “What’s wrong with that, Tita? Have you forgotten that it’s my profession? Abogado ako at kliyente ko si Gigi. Tungkulin ko na ipanalo ang kaso ng sinumang kliyente ko.” “I can’t believe this! And… why did you bring her here? Just look at her! Ang dumi-dumi niya! Don’t tell me na makakasama rin natin siya sa hapunan. Hindi papayag ang Lolo mo!” “What’s going on here? Bakit sa itaas pa lang ay dinig ko na ang boses mo, Samantha?” tanong na nagbuhat mula sa matayog na hagdan ng villa. Pagtingala ko ay nakita ko ang matandang lalakeng bumababa hawak ang kaniyang tungkod. May dalawang alalay na nasa likuran nito na parehong naka-uniporme. Dumako ang tingin niya sa amin. Agad akong nagyuko ng ulo at napatunayan ang sinasabi ni Ma’am Samantha. Ang dugyot nga naman ng damit ko. Nakakahiyang itabi sa kanila na nasa bahay lang pero, mistulang aattend ng party. “Pasensiya na, Papa, kung nakaistorbo ang pag-uusap namin sa inyo. Mabuti pa ay mauna na po kayo sa komedor. Ako na ang bahalang kumausap kay Matthew.” Hindi ko narinig ang tugon ng matanda sa sinabi ng anak. “Hijo, nakabalik ka na pala? Tapos na ba ang inaasikaso mo sa Irosin?” “It’s now ongoing. By the way, ‘Lo, may kasama ako ngayon. Siya si Gigi Apostol, anak ng dating katiwala ng hacienda. Kliyente ko siya at bisita ko siya ngayon sa villa.” Hindi ko narinig ang sagot ni Don Hernando. Dahan-dahan akong nagtaas ng ulo. Sinalakay ako ng kaba nang masalubong ang tingin ng matanda. “M-magandang gabi po… Don Hernando.” Tumango lang ang matanda. Pagkatapos ay luminga ito at awtomatikong lumapit ang isa sa mga alalay. “Sa komedor na tayo, Adolfo.” “Papa, ako na ang aalalay sa inyo papunta sa dining.” “Nevermind, Samantha. Ang asikasuhin mo na lang ay ang mga anak ng asawa mo. Ilang taon na natin silang kasama pero, hanggang ngayon ay hindi pa rin nila kabisado ang oras ng hapunan sa bahay na ito. Kailangan bang lagi na lang silang tatawagin?” “Uhm… si Steph lang po ang narito ngayon sa villa, Papa,” sagot ni Ma’am Samantha sa napakamalumanay na boses. “Si Calyx naman po ay may pinuntahan na party ng isa niyang kaibigan.” “At ang iyong esposo?” “May mga inaasikaso pa po siya at nagpasabing hindi makakasabay sa dinner. Excuse me, Papa. Ipapatawag ko lang po si Stephanie sa katulong.” Pagkasabi noon ay nakayukong umalis si Ma’am Samantha. Nilingon kami ng matanda. “Matthew, sumunod na agad kayo ng bisita mo sa komedor. Tayo na, Adolfo.” Masasabi kong maayos na natapos ang una kong hapunan sa villa. Kung papipiliin ako, iyon na rin sana ang huli. Tahimik habang kumakain kami kanina at kung hindi ako mag-aangat ng tingin ay hindi ko malalaman na may kasabay pa pala akong kumain. Ganoon siguro ang rule sa villa sa tuwing hapunan. Nakakasakal na hindi ko maintindihan. Parang pati ang paghinga ay bawal kaya hindi ko halos nalasahan ang kinain ko. Hindi pwedeng magsalita basta sa hapunan. Maging si Senyorito Matthew ay wala ring kibo pero, ramdam ko ang madalas na paglingon niya sa akin na marahil ay upang alamin kung humihinga pa ba ako o ano. Pagkatapos ng hapunan ay inihatid na ako ni Senyorito Matthew sa kwarto kung saan ako pansamantalang tutuloy. Hindi kami basta umalis dahil hinintay muna namin na maunang tumayo si Don Hernando. “Nasa itaas ang kwarto ko, Gigi. Pangalawang pinto sa kaliwa pag-akyat mo ng hagdan. Kung may kailangan ka, kumatok ka lang.” “Magsasabi na lang po ako sa katulong kung may kailangan ako, Senyorito. Hindi na kita aabalahin.” Nakita kong natigilan siya nang ilang segundo bago nagkibit ng balikat. “Up to you,” malamig na sa sagot niya bago ako tuluyang iniwan sa kwarto. Pagod ako at kulang sa tulog dahil magdamag yata akong umiiyak sa selda sa nagdaang gabi. Kaya lang ay ang dugyot ko talaga at nakakahiyang ilapat ang katawan ko sa kama. Naisip kong maligo muna. Ang problema, hindi ko alam kung paano gamitin ang shower sa banyo kaya tiniis ko ang sobrang lamig na tubig na ipinaligo ko. Nagbihis ako nang daster pagkaligo. May aircon sa kwarto pero, hindi ko na sinubukang buksan. Tinuyo ko muna ang buhok ko bago nahiga. Hindi na ako nagulat na sobrang lambot ng kama at sobrang bango din ng unan sa villa. Hindi yata sapat ang pagod ko at ang bango ng aking hinihigaan para makatulog. Ang dami kasing gumugulo sa isip ko at isa na roon si Senyorito Matthew. Gusto ko siyang makausap nang masinsinan. Kliyente ang pakilala niya sa akin pero, wala nga akong kaalam-alam na tinatrabaho niya pala ang paglaya ko sa araw na iyon. Hindi ko alam kung gaano siya kagaling sa propesyon niya pero, hindi ako magdududa na nagawan niya ng paraan na mailabas ako. Gusto kong magpasalamat sa kaniya. Taos-pusong pasasalamat dahil sa lahat ng tao, siya ang nagmalasakit na tulungan ako. Pero bakit pakiramdam ko ay hindi niya talaga gustong gawin iyon? Parang labag sa loob niya ang pagtulong sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay naniniwala siyang ako nga ang naglason kay Mr. Javier. Alam kong sa trabaho niya, madalas ay hindi importante kung inosente ba o hindi ang kliyente basta gagawin ng isang abogado ang paraan na alam niya para mapawalang-sala o mapababa ang kaso nito. Pero sa parte ko, importante sa akin na naniniwala siyang inosente ako. Mahalaga sa akin ang tiwala ni Senyorito Matthew. “Good morning po, Ma’am. Nasa komedor na po sina Senyor Hernando at Senyorito Matthew.” Iyon ang bungad sa akin ng katulong na kumatok sa kwarto ko. Mabuti na lang at kanina pa ako gising at nakabihis na rin nang maayos-ayos na damit. Nakapalda ako at blouse at flat na sandals. Baka kasi mapuna na naman ako ni Ma’am Samantha kapag nakitang parang hinugot sa basurahan ang damit ko. Isama pa ang stepdaughter niya na hindi man nagsasalita kagabi ay binabato naman ako ng nang-uuring tingin habang kumakain kami ng hapunan. “Salamat po. Pupunta na po ako roon,” sagot ko sa katulong bago umalis at tumungo sa silid-kainan ng villa. Hindi pa sila nagsisimula nang dumating ako. Parang gustong umurong ng mga paa ko dahil nakakahiyang isipin na naghintay talaga sila sa akin. Ganito ba kapag mayayaman? Hindi pwedeng mauna sa pagkain ang iba kapag hindi kumpleto ang mga miyembro ng pamilya na nasa mesa? Pero kagabi ay wala ang asawa ni Ma’am Samantha at ang isa pang anak-anakan nito. “G-good morning po,” bati ko na kay Don Hernando nakatuon ang nahihiyang tingin. Nakahinga ako nang tumango ang matanda at ilahad sa akin ang inupuan ko kagabi, sa tabi ni Senyorito Matthew. Tumayo naman ang abogado para ipaghila ako ng silya, kagaya ng ginawa niya kagabi. Siguro ay kasama rin iyon sa rules sa hapag. Nang maupo na ako ay saka ko napansin na wala si Ma’am Samantha. Tanging si Stephanie ang naroon na nakaupo sa tapat ko. “Maagang umalis si Samantha para asikasuhin ang isa pa naming negosyo.” Parang alam ni Don Hernando ang nasa isip ko at nasagot ng sinabi niya ang aking tanong. Napatingin ako sa matanda. “Magsimula na tayong kumain,” wika niya. “Good morning!” bati na nagmula sa entrada ng silid-kainan. Napatingin ako sa bagong dating. Nakita ko ang pagpasok ng isa pang anak-anakan ni Ma’am Samantha. Kagaya ng kapatid niyang babae, sa iilang okasyon ko lang sila nakita. Pero dahil isang kilalang pamilya ang kinabibilangang nila, hindi mahirap tandaan ang kanilang mga hitsura. Wala ni isang tumugon sa pagbati niyang iyon kaya nang mapadako ang tingin niya sa akin ay bahagya akong tumango sa kaniya. “Oh! May bisita pala tayo?” aniya sabay tingin sa mga kasama sa mesa. Naupo ito sa tabi ni Stephanie at muling tumingin sa akin. “You are?” tanong niya sa akin. “Calyx, your voice!” Bagaman mahina ay narinig ko ang pananaway rito ng kapatid. Isang irap ang iniwan sa akin ni Stephanie nang masalubong ko ang tingin niya. Mukhang bawal talagang magsalita kapag nasa hapag. “Sorry po,” wika naman ni Calyx na tumingin kay Don Hernando pagkatapos ay kinuha ang table napkin at saka tumingin sa akin at ngumiti. Hindi ko naman alam ang itutugon doon kaya nagyuko na lang ako ng ulo at nagsimula na ring kumuha ng sarili kong pagkain. Gaya kagabi, hinintay muna naming matapos at tumayo si Don Hernando bago kami umalis ng mesa. Nakasunod ako kay Senyorito Matthew pagpunta niya sa malaking sala ng villa. Sa gara at sukat, pwede nang magpa-party roon. “Senyorito… sabi mo po mag-uusap tayo ngayon,” paalala ko sa kaniya nang lingunin niya ako. Hindi ko mawari kung may lakad siya dahil nakapantalon at sapatos siya at nakasuot ng polo shirt na may maiksing manggas. “Hello, guys!” Sabay kaming napalingon sa tumawag. Nakita ko si Calyx na nakangiting lumapit sa amin. “Hi. Sorry kanina. I was supposed to get your answer pero, bawal kasing mag-usap sa oras ng pagkain dito sa villa. So ano nga ang pangalan mo?” Sandali akong naguluhan sa mga sinabi niya pero, nakuha ko namang sumagot. “Gigi po.” Natawa siya. “Po? Come on, Gigi! Hindi pa ako matanda. H’wag mo naman akong gamitan ng ‘po’. I’m only twenty-four, hindi ba, Kuya Matt?” natatawang sabi nito sabay tingin kay Senyorito Matthew. “By the way, Kuya, is she your relative from Manila? Bakit ngayon ko lang siya nakita?” Hindi sumagot si Senyorito Matthew. Hindi rin naman ako nagtangkang itama ang akala ni Calyx. “How poor your judgment is, little brother!” wika naman ni Stephanie na hindi ko namalayan ang paglapit at sumingit bigla sa usapan. Tiningnan ako nito gamit ang nang-uuring mga mata. “Mukha ba siyang taga-Maynila? Look at her. Sabi ni Tita Mommy ay anak siya ng dating katiwala ng hacienda. Her whole family lives in our land. At lalong hindi siya kamag-anak ni Matt.” “Oh. So taga-rito ka lang pala?” Lumawak ang ngiti ni Calyx nang sabihin iyon. Tumingin ako sa kaniya at bahagya nang tumango. Hindi agad naalis ang mga mata nito sa akin dahilan para mailang ako. Isang tikhim ang pumutol sa titigan namin ni Calyx. Naramdaman ko ang kamay ni Senyorito Matthew sa siko ko. “Excuse me, guys, but we need to go,” walang emosyon na wika ng abogado. “May kailangan kaming pag-usapan ni Gigi. We’ll go ahead.” Sa pool area ako dinala ni Senyorito Matthew. Biglang tumabang ang pakiramdam ko dahil naalala kong dito ko sila nakitang naghahalikan ni Stephanie. Hindi ko tuloy napigilang sumimangot nang tingnan ko siya. Ayokong mag-isip nang masama pero, hindi ko mapigilan. Iisang bubong lang sila ng stepdaughter ni Ma’am Samantha. Hindi imposibleng may nangyayaring milagro sa kanila sa gabi. Knowing Senyorito Matthew na kapag may pagkakataon yata sa isang babae ay hindi pinapalampas. Pinanliitan niya ako ng mga mata. “What’s with your reaction, kid? Kanina, nakangiti ka pa, ngayong nagsasalubong ang mga kilay mo? Did I steal your thoughts from something or someone?” Lalong nagsalubong ang mga kilay ko hindi lang dahil sa tanong niya kundi maging sa itinawag niya sa akin. Hindi ko talaga siya maintindihan. Nagbuntung-hininga ako at ikinalma ang aking sarili. Wala ako sa posisyon para magmalaki, gaya ng ibinibintang niya. Narito kasi ako sa poder niya. Walang kakayanan. Nakadepende lang sa kaniya. “Mag-uusap na po ba tayo ngayon, Senyorito?” tanong ko na lang dahil iyon naman ang inaasahan kong mangyayari. “Oo. Pero para ipaalala lang sa’yo ang ginawa ko,” masungit na sagot niya. Sandali akong natigilan. “H-hindi ko naman po nalilimutan ‘yon, Senyorito. Hindi ko lang alam kung paano ako makakabayad gaya ng sinabi n’yo kagabi.” “Oh, don’t worry, kid, I am still deciding.” Bagaman nagbaba siya ng tono ay halata pa rin ang iritasyon niya. Hindi na lang ako kumibo. Habang tumatagal ay lumilinaw sa akin na labag nga sa kalooban niya ang kaniyang ginawang pagtulong. Maya-maya ay narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. “May lalakarin ako ngayong araw. Malamang na sa hapon na ang balik ko. I just want to remind you that you are my visitor. Ayoko nang nakikipag-usap ka sa kung kani-kanino rito sa villa. You are only allowed to talk to the maids, you understand? Ihanda mo rin pala ang mga gamit mo mamaya dahil isasama kita sa pagbalik ko sa Irosin bukas ng umaga.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD