Chapter 20

1889 Words
“PINSAN? Bakit pinsan? You’re marrying Gigi but, you introduced her as your cousin? Pare, parang ang labo yata ng ginawa mo!” Nagpatuloy lang ako sa pag-inom at hindi sumagot. Pagkatapos maghapunan kanina ay iniwan ko ulit si Gigi sa rest house upang magtungo sa bahay ni Victor. I remembered that I was talking about the date of my wedding to him. Hiniling ko kay Victor na mag-witness siya sa kasal at pumayag naman siya. Hindi ko alam kung bakit sa pag-uusap namin ay nabanggit ko rito ang tungkol sa bagay na ‘yon. “What are you trying to do, Matt? Bakit gano’n mo ipinakilala sa mga tao si Gigi?” “I'm just protecting her. Alam mo naman ang ilang tao, mapanghusga.” “Si Gigi ba talaga ang pinoprotektahan mo o ang sarili mo?” Nagsalubong ang mga kilay ko at nilingon si Victor. “What are you talking about? Paanong sarili ko ang pinoprotektahan ko? Look. Kung ang alam ng mga tao ay hindi kami magkaanu-anong dalawa pero, nakatira sa iisang bubong, pag-iisipan nila ng hindi maganda si Gigi. At ako bilang lalake, walang mawawala sa akin.” “Hindi gano’n ang nakikita ko, Matt. It’s the other way around. You’re actually protecting your image and not her. Unang-una, dahil mas bata si Gigi. Kung alam ng mga tao ang totoo, ikaw ang pag-iisipan nila nang masama. Don’t fool me, Attorney.” Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Victor. His words hit home. I guessed. Dahil si Gigi naman talaga ang iniisip ko noon. Pero ngayong narinig ko mula kay Victor, pakiramdam ko ay gano’n nga ang purpose ng pagsisinungaling ko. Bilang mas nakakatanda kay Gigi, siguro nga ay nag-alala akong aakusahan ng mga tao. Kaya nang pagbintangan ako ng kung ano-ano ng madrasta ni Gigi at ng sarili kong lolo, nasaling nang husto ang ego ko. Then I used that emotion and took everything against Gigi. Humugot ako nang malalim na paghinga bago umiling. Hindi ko kailangang umamim kay Victor. “Si Gigi lang ang rason kaya ko ‘yon ginawa,” giit ko na sinundan ng iling. “Wala nang iba pa.” “All right! Pero paano kapag naikasal na kayo? Itatama mo na ba ang lahat? Kasal na kayo kaya ano pang ibabato nila kay Gigi?” Nagkibit ako ng balikat. “Bahala na.” “Matt, hindi pwedeng bahala na. Anong gagawin mo kay Gigi?” “Ano bang ginagawa ko? I’m marrying her. She will be my wife soon. I provide for her. And I plan to give her the kind of life she wants.” “Are you only using her?” Ilang sandali ang dumaan bago ako sumagot. “I don’t know. I can’t say that I’m not. Pero wala na ring masama dahil kung ginagamit ko man siya, pinakikinabangan naman niya ako. She has no family to support and take care of her. Ako ang nandito para sa kaniya.” “So obviously, your marriage will be just a piece of paper? Akala ko pa naman… in love ka na?” I smirked. Gusto kong pagtawanan ang iniisip ng kaibigan ko. “At my age, malabo nang dumaan sa akin ‘yan. Companionship na lang ang hanap ko. And Gigi happened.” Agad kong pinagdudahan ang sinabi kong iyon. Companionship? Ngayon pa nga lang ay hirap na kaming pakisamahan ang isa’t isa. Ni hindi kami naging magkaibigan. “Paano kung siya ang ma-in love sa ‘yo? Anong gagawin mo?” Hindi ako agad nakasagot. Parang may mainit na palad na sumusubok humaplos sa dibdib ko pero, agad ko ring itinaboy. Umiling ako at nagkibit ulit ng balikat. "Do you think it's impossible? Paano kung may pagtingin pala ang tao sa'yo pero, hindi mo alam?" “I was been loved by a few women before. The idea would only excite me but normally, hindi ko iniisip kung ano ang nararamdaman ng ibang tao para sa'kin. It's not really so important. Isang babae lang ang ginusto ko na mahalin ako pero, hindi nangyari. Kung ma-in love sa akin si Gigi, that’s fine. Thanks to her. Walang problema at walang magbabago sa magiging pagtrato ko sa kaniya.” "What about consummation? Iniisip mo rin ba 'yon?" Napaiwas ako ng tingin kay Victor. He's my long-time friend and I knew him as a rightful person. Kapag nalaman niyang nagalaw ko na si Gigi ay siguradong makakatikim ako ng hindi magandang salita sa kaniya. Inubos ko ang laman ng baso ko at tumayo. "I'll see you on my wedding day, pare." Pagkasabi ko noon ay tumalikod na ako at iniwan si Victor. Pagdating sa rest house ay dumirecho ako sa second floor. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Gigi at sinilip siya. She was already asleep. Naalala ko kung paano ako napuyat sa paghihintay sa kaniya kagabi. Kaya naisip ko rin kanina na lumabas para pag-uwi ko ay makatulog na agad. Hindi ako nagtagal sa pintuan ni Gigi. Isinarado ko ang kwarto niya at lumipat sa kwarto ko. Pasado alas dies ng umaga nang umalis kami ni Gigi ng rest house. Binilinan ko si Ate Rosa na kung sakaling matagalan kami ay umuwi na rin ito pagkatapos ng trabaho sa bahay. Tahimik lang si Gigi sa biyahe at may ilang minuto rin na nakatulog siya bago kusang nagising nang malapit na kami sa aming pupuntahan. Mag-aalas dose ng tanghali nang makarating kami sa pinakamalaking mall sa Sorsogon City. Niyaya ko munang kumain ng lunch si Gigi na agad niyang inayunan. Pagkatapos kumain ay tumungo naman kami sa bilihan ng mga damit pambabae. Pinatulungan ko si Gigi sa nakatalagang sales assistants sa pagpili ng susuotin niya. I just suggested the colors that I thought would fit to the occasion. “Sir, pwede po bang malaman kung para sa anong okasyon po gagamitin ang damit?” Sandali akong natahimik bago sumagot. “It’s... a private one. A formal family gathering. Basta piliin ninyo ang mga kulay na sinabi ko at ipasukat n’yo lahat sa kaniya.” Tumingin ulit ako kay Gigi. Nakita ko sa mga mata niya na hindi niya nagustuhan ang naging sagot ko. Nagkibit ako ng balikat at tumalikod at naupo sa sofa sa waiting area. She would get used to it. Hindi kailangang malaman ng mga taong walang kinalaman sa buhay namin na ikakasal kami sa isa’t isa. Ilang minuto pa lang akong nakaupo sa sofa sa loob ng department store nang lumabas si Gigi mula sa fitting room at humarap sa salamin. Nagsalubong ang mga kilay ko nang makita kong naka-expose ang mahigit sa kalahati ng likod niya. “Sir?” Nilingon ako ng dalawang assistants upang kunin ang opinyon ko. I shook my head. “Try another dress.” Walang kibong umalis si Gigi sa harapan ng salamin upang muling magsukat ng damit. Nakakatatlong subok na siya pero, hindi ko talaga magustuhan ang nakikita ko. Nahalata ko ang pagkabagot sa mukha ni Gigi nang humarap siya sa akin. “Ano bang mali sa damit na ito, ha, Kuya?” Natigilan ako dahil sa huling terminong binanggit niya. “Kuya? Magkapatid pala kayo?” nakangiting tanong ng isa sa mga assistants bago tumingin sa akin. Ramdam ko ang pagpintig ng mga pisngi ko bago ko itinapon ang magazine sa ibabaw ng coffee table at tumayo. Lumapit ako kay Gigi na ngayon ay nakaharap na ulit sa malaking salamin kung saan nakikita ko rin ang mukha ko. I narrowed my eyes. “What did you just say?” “Sorry, Sir, akala namin mag-boyfriend po kayo. Younger sister mo pala si Ma’am, pasensiya na po!” paumanhin ng sales assistant na akala naman ay siya ang kinagagalitan ko. Lalo tuloy nagusot ang noo ko. Nakangiting nilingon ito ni Gigi. “Okay lang ‘yan, Miss. H’wag kang mag-sorry,” anito sabay tingin sa akin sa salamin. “Papalitan ko na lang ulit kung ayaw mo nito.” Mahigit dalawang oras din kaming naglibot bago ako nakontento sa mga pinamili naming mga damit at sapatos ni Gigi. Pinapili ko rin siya ng make-up at accessories dahil hindi na ako kukuha ng artist na mag-aayos sa kaniya. Sunod lang siya ng sunod sa bawat sabihin ko. Nang matapos kami sa pamimili ay niyaya ko siyang kumain pero, tumanggi na si Gigi. Mukhang pagod na nga kaya nagdesisyon na lang akong umuwi kami. Dumating ang nakatakdang araw ng civil wedding namin. Suot ni Gigi ang puting damit na pinakanagustuhan ko sa lahat ng napili niya at nasa leeg din niya ang kwintas na binili ko para sa kaniya. She put minimal colors on her face. I couldn’t deny that she was one gorgeous bride. “Ready?” bungad ko nang abutin ang kamay niya pagbaba ng kotse. Isang tipid na ngiti lang ang sagot ni Gigi. Iginiya ko na siya papasok sa pribadong event hall kung saan naghihintay sa amin ang local government official na magkakasal sa aming dalawa. Pagkatapos ng maikling seremonya ay pumirma na kami sa marriage certificates. Wala naman ni isang nagtanong kung bakit hindi kami nagsuotan ng singsing. Ilang sandali pa ay legal na asawa ko na si Gigi. She was now Mrs. Matthew Gamboa. Sa harap ng mga tao ay dalawang beses ko siyang hinalikan sa mga labi. Bumilang iyon ng mahahabang segundo. I realized how I missed her lips. Siguro naman mamayang gabi ay hindi na ako bibiguin ni Gigi. Pagkatapos ng ilang palakpakan ay binati naman kami ng lahat ng naroon. Ipinakilala ko si Gigi sa mga tumayong saksi kabilang na si Victor. Vic and the other witnesses had all the good words for my beautiful young wife. Nakadama ako ng pagmamalaki. Pagkatapos ng simpleng salo-salo sa dining area ng event hall ay nagpasya na akong magpaalam. Pinasalamatan ko silang lahat pati na rin si Victor. “Sa susunod na pagbisita ni Matt sa bahay, sumama ka.” “Wala pong problema kung gusto niya akong isama," sagot ni Gigi at tipid na ngumiti. “Don't worry. Ako ang bahala,” nakangiting sabi naman ni Victor at tiningnan ako nang makahulugan. Hindi ako nagpapunta ng mga trabahador sa rest house sa araw na iyon. Kaya nang umalis at bumalik kami ay walang nakaalam na kasal namin iyon at mag-asawa na kami ni Gigi. “S-Senyorito!” Napasigaw si Gigi nang bigla kong siyang buhatin at iniaakyat ng hagdan. Nakaawang ang mga labi niya nang mapatingin sa akin. “I-ibaba mo na’ko, Senyorito. Hindi naman kailangang gawin ‘to…” “Pag-aralan mo nang tawagin ako sa pangalan ko. Kahit marinig ka ng mga tao, walang magiging problema,” sabi ko habang umaakyat kami sa hagdan. “Magtataka sila.” “I don't think so. Pwede rin namang h'wag ka na lang sumagot kapag nagtanong. You don’t need to explain yourself to anyone.” Pagdating sa pinto ng kwarto niya ay nagpumilit na siyang bumaba. Nagulo nang bahagya ang suot niya. “Siguro naman hindi mo na ako hahayaang mapuyat mamayang gabi dahil sa paghihintay sa’yo." Hindi siya sumagot. Nagsalubong ang mga kilay ko nang mag-iwas siya ng tingin. "Asawa na kita. May obligasyon ka sa akin.” Saka lang siya nag-angat ng mukha nang sabihin ko iyon. Walang kurap siyang tumango. "Alam ko." “Good. Magpahinga ka muna. Ako na ang bahala sa hapunan natin. Magpapalit lang ako ng damit.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD