Chapter 5

2183 Words
“KANINA pa dumaan dito ang Tatay mo, Gigi,” wika ni Manang Ising, malayong kamag-anak namin at madalas na kainuman ni Tatay ang asawa nito. “Baka naman pauwi na rin sa inyo at nagkasalisi lang kayong mag-ama.” “Baka nga ho, Manang. Sige ho, salamat!” Pinaandar ko na muli ang bisikleta ko palayo. Pang-anim na bahay na itong kina Manang Ising na napuntahan ko pero, hindi ko pa rin matagpuan si Tatay. Nakapunta na rin ako sa lagoon. May ilang pisante akong nakita roon pero, wala ang tatay ko. Ang sabi pa ng isa sa mga katiwala na aking nadatnan ay kanina pa ito nakauwi. Imbes na dumirecho pauwi ay lumiko ako pa-kanluran. May isa pa akong naiisip na pwedeng puntahan ni Tatay at kapag wala siya roon ay uuwi na talaga ako. Baka nga nagkakasalisi lang kami sa laki at sa dami ng likuan dito sa hacienda. Nasa dulo na ng lupain at malapit sa Gate 4 ang bahay ni Tata Gimo, ang pinakamatandang tauhan ng mga Ylustre. Malapit ito kay Tatay at naging Ninong pa nga sa kasal nila ni Tita Donna. Sa tulong ng flashlight na ikinabit ko sa unahan ng manibela ay nakikita ko nang maayos ang bawat kalsada at likuan. Ang hindi ko inaasahan, nang nasa kalagitnaan na ako ng daan ay nakalag ang kadena ng bisikleta ko. Kinailangan ko tuloy huminto upang maiayos ang kadena subalit, nagsimula namang pumatak ang ulan. "Naku, lagot!" sambit ko at nagmamadaling inakay ang bisikleta ko sa hilera ng mga puno ng niyog. Subalit bago pa ako makarating doon ay tuluyan nang bumuhos ang malakas na ulan at nabasa agad ako. Hindi pa man din ako pinagbihis ni Tita Donna bago niya ako paalisin ng bahay kanina para maghanap kay Tatay kaya ang manipis ng daster na pantulog ko lang aking suot. “Gigi?” Sumingit sa malakas na buhos ng ulan ang boses na iyon. Napalingon ako sa kalsada at nakita ang malamlam na headlights ng jeep ni Senyorito Matthew. Halos mapamura ako. Sana ay lampasan na lang niya ako dahil nakakahiya ang sitwasyon ko ngayon. Talo ko pa ang basang sisiw. Tinapatan niya ako pero, hindi ako huminto. Tuloy-tuloy ako sa pagtakbo akay ang aking bisikleta hanggang sa makarating na ako sa ilalim ng puno ng niyog. Isinandal ko ang bike ko at saka ipinagpatuloy ang pag-aayos ng kadena noon. Pero hindi rin ako naisalba ng mga puno ng niyog sa ulan kaya basang-basa lalo ako. Ramdam ko na ang nanginginain na lamig ng tubig-ulan na sinamahan pa ng panggabing hangin. “Gigi, hindi mo ba ako naririnig?” Napalingon ako kay Senyorito Matthew. Nakita kong huminto ang jeep niya. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa pag-aayos ng aking bike. Minadali ko ang pagkakabit ng kadena hanggang sa maipit na ang dulo ng daliri ko. “Aray!” Kinagat ko ang daliri ko at nilingon si Senyorito Matthew. Nakababa na siya ng jeep at hawak ang isang malaking payong habang palapit sa akin. “What happened?” Napilitan akong tumayo dahil naroon na siya sa tabi ko. Nahinto ang paliligo ko sa ulan sa tulong ng payong niya. “N-nalagot po ang kadena…” sagot ko. “Iwan mo muna riyan. Sumakay ka na sa jeep, ihahatid na kita.” Larawan ako ng pagtutol. Hindi ko pwedeng basta iwan ang bike ko. Umiling ako at pinigilan ang mangatal sa harapan niya. “Come on, Gigi! You’re all wet! Gusto mong magkasakit?” Nang hindi pa rin ako kumilos ay dinampot na niya ako sa braso at hinila papunta sa jeep. Ramdam ko ang putik sa aking mga paa dahil naka-tsinelas lang ako. Hinawi ni Senyorito Matthew ang kurtina sa passenger seat at pinasakay ako. Pagkatapos ay dali-dali siyang umikot sa driver’s seat pagkatapos isara ang payong at ilagay sa likuran ng jeep. “’Y-yong…b-bike k-ko.. po…” Hindi ko naitago sa boses ko ang panginginig. Yakap-yakap ko ang sarili ko. “Hindi ‘yan mawawala. Ibibilin ko agad sa mga tauhan.” Malamlam din ang ilaw sa loob ng jeep ng abogado pero, naaninag ko ang iritasyon na hindi naitago ng boses niya. Ilang sandali pa ay umaandar na kami pabalik. Naramdaman kong nilingon niya ako. “Bakit lumalabas ka pa nang gabi? Nagpaabot ka pa sa ulan.” Kinagat ko nang mariin ang pang-ibabang labi ko upang maibsan ang panginginig at saka ako sumagot. “H-hina…h-hanap ko po… s-si Tatay…” “Oh, sh*t!” Kasabay ng pagmumura ni Senyorito Matthew ay biglang huminto ang jeep niya. Bahagya rin akong nagulat. “Not now! Not now!” wika niya habang paulit-ulit na pinipihit ang susi ng sasakyan. Makailang beses na sinubukan niyang paandarin ang makina pero kalaunan ay napahampas na lang ang abogado sa manibela. “Dito ka lang.” Hinugot niya ang payong sa likod at muling bumaba. Nakita ko siyang tumayo sa unahan at itinaas ang hood ng sasakyan. Halos mamaluktot ako sa ginaw. Inayos ko nang mabuti ang kurtina sa tabi ko upang hindi makapasok ang hangin pero, sumusuot pa rin iyon sa mga butas ng jeep. Maya-maya ay bumaba na ulit ang hood. Sumakay na ulit si Senyorito Matthew kaya akala ko ay makakaalis na kami. “I don’t know anything about cars. Tatawag lang ako sa villa.” Kinuha niya ang cellphone niya at nag-dial. Nakailang dial siya ay mukhang wala pang sumasagot dahil hindi ko siya narinig na nakipag-usap.Tumigil siya sa pag-contact at nagtipa sa cellphone niya. “Okay ka lang?” tanong niya sa akin nang ibalik na ang cellphone sa bulsa. Napatango lang ako kahit ang totoo ay halos manigas na ako sa lamig. “Maghintay lang tayo nang kaunti sa susundo sa atin.” Hindi ako sumagot. Pinagmasdan ako ni Senyorito Matthew. “Basang-basa ka. Sa susunod h’wag kang susugod kapag mukhang uulan. Nasaan daw ba ang Tatay mo?” Nagkibit lang ako ng balikat. Dumukot siya sa bulsa ng pantalon at iniabot sa akin ang isang panyo. “Use this to dry yourself. Don’t worry, malinis ‘yan.” Hindi na ako tumutol. Hindi ko nga lang naitago ang matinding panginginig ko nang abutin sa kaniya ang panyo. Ibinukas ko iyon at saka ipinunas sa buhok ko at sa mga braso. Nahimigan ko ang malakas na pagbuga ng hangin ng kasama ko bago ito kumilos sa kinauupuan. “Hubarin mo ‘yang suot mo.” Lumipad ang tingin ko sa mukha ni Senyorito Matthew. Seryoso ba siya? At bago pa ako makapagsalita ay namilog na nang husto ang mga mata ko nang hubarin niya ang suot na T-shirt. Iniabot niya iyon sa akin. “Isuot mo ‘to. Lalabas ako para makapagbihis ka.” Napaawang ang mga labi ko. “S-Senyorito..?” “H’wag ka nang umangal. Sundin mo na lang ang sinasabi ko kung ayaw mong manigas sa pagkakaupo riyan.” Hindi ko na nga nakuhang tumanggi. Inabot ko ang T-shirt niya at pinanood siyang hinugot ang payong sa likod bago bumaba ng jeep. Tumayo lang siya sa labas ng driver’s seat, nakatalikod sa direksiyon ko. “Gigi, hurry up! Hindi lang ikaw ang marunong ginawin!” Narinig ko ang sigaw niya kaya napapitlag ako sa pagkatulala. Dali-dali kong hinubad ang basang daster ko at isinuot ang mabangong T-shirt ni Senyorito Matthew. Umabot ang haba noon hanggang sa ilalim ng puwitan ko. Nakadama ako ng kaunting ginhawa nang mawala ang nanginginain na lamig ng basang daster. Sinikop ko ang aking pinaghubaran kasama ang panyo ni Senyorito Matthew at inilagay sa likuran ng jeep. Wala akong suot na bra kapag natutulog kaya niyakap ko ang sarili sa bandang dibdib upang takpan ang pamamakat. “T-tapos na po ako… Senyorito…” Sinikap kong palakasin ang boses ko upang marinig niya. Dali-dali naman siyang pumasok at pinatay ang payong bago iyon isiniksik sa likuran ng jeep. Inayos niya ang kurtina sa tabi niya pero, dahil naroon ang direksiyon ng ulan ay basang-basa na ang kapirasong tela na humaharang sa kaniyang kinauupuan. Hiyang-hiya tuloy ako. Alam kong hindi biro ang lamig na dala ng ulan pero, dahil sa akin ay nawalan tuloy siya ng suot na pang-itaas. Nakita kong dinukot niya ang cellphone at nag-dial. Pagkatapos ng ilang sandali ay napamura na naman si Senyorito Matthew. Mukhang wala pa rin siyang ma-contact sa mga tauhan. Tumingin siya sa akin habang itinatago ang cellphone niya. “Feeling better?” Tumango ako, bahagya pa rin nanginginig. Gayunman ay hindi na kagaya kanina. Niyakap ko na lang nang mabuti ang sarili ko. “Come here.” Natigilan ako at tila niyanig ang aking katawan. “P-po?” Nagbuga siya ng hangin bago inulit ang sinabi. “I said come here! Baka matagalan pa ang susundo sa atin dahil walang sumasagot ni isa sa kanila. Let’s share our body heat.” Napatanga na naman ako. “A-ano... p-po?” “Maupo ka rito!” utos niya sabay tapik sa kandungan. Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay ko sa abogado. Napalunok ako nang masalubong ang titig niya. “I’m serious, Gigi! Giniginaw rin ako, baka hindi mo alam!” Nakadama ako bigla ng guilt sa sinabi niya. Alumpihit akong kumilos upang lumipat sa kandungan niya. Hinawakan naman ako ni Senyorito Matthew sa baywang at inalalayang maupo sa kaniyang mga hita. Halos makita ang panty ko sa aking posisyon kaya naman namaluktot ako. Naipit ako ng manibela at ng mala-tanso sa tigas na katawan ng abogado. Ang isa niyang palad ay nakahawak sa aking likod. “Sumandal ka lang sa’kin,” utos niya. “M-mababasa po… kayo ng buhok ko…” Dahil hindi naman nasaid ng panyo niya ang tubig sa buhok ko. “It’s okay. Yayakapin na lang kita.” Mas masuyo na ngayon ang boses niya kumpara kanina. Lalo tuloy tumindi ang kabog ng dibdib ko. Yakap ang aking sarili ay sinunod ko ang sinabi ni Senyorito Matthew. Mistula akong bata na nakabaluktot sa kandungan niya nang ihilig ko ang aking ulo sa kaniyang balikat. “Just relax. Makakauwi rin tayo maya-maya.” Napaawang ang bibig ko. Para akong inantok sa lambing ng boses niya. Nakakaginhawa ang mainit na hiningang dumadampi sa aking noo at ang mainit na katawang mistulang nakabalot sa akin. Parang tumakas bigla ang ginaw ko at napalitan ng kakaibang pakiramdam. “You okay?” mahinang tanong niya na sa sobrang hina ay parang bulong na lang sa gitna ng tunog ng bumubuhos na ulan sa labas ng sasakyan. “A-ayos lang… Senyorito…” sagot ko nang hindi man lang tumitinag sa pagkakasandal sa kaniya. Gusto kong ipikit ang mga mata ko upang maramdaman lalo ang init na nagmumula sa katawan ni Senyorito Matthew subalit, hindi ko maiwan ang pagtingin sa kamay niyang nakapatong sa mga tuhod ko. “Malamang magkasakit ka nito,” wika niya sabay haplos sa isa kong tuhod. Para akong nanigas bigla sa ginawa niya. Napalunok ako. “I- i … ililigo ko na lang po… p-pag-uwi sa bahay…” Naramdaman ko ang pagtango niya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ko pero, lalo kong isiniksik ang sarili ko sa katawan niya. “Giniginaw ka pa rin?” Hindi ako sumagot. Ayokong sabihin na hindi na gaano dahil nakakahiya ang kilos ko. Gumalaw nang bahagya sa pagkakaupo si Senyorito Matthew at lalo akong kinabig. Humaplos sa tagiliran ko ang isang kamay niya habang ang palad sa tuhod ko ay gumapang paakyat sa aking hita. Nanginig ang katawan ko. Pero alam kong hindi dahil sa ginaw kundi sa kakaibang takot na nadama ko. “D*mn, you’re still shaking. Ayos ka lang? Anong gusto mong gawin ko?” Hindi pa rin ako sumagot. Naramdaman kong sinisilip niya ako kaya naman itinago ko ang aking mukha sa leeg ng abogado. Mas nasamyo ko ang bango niya. Kagaya niya ay malinis at lalakeng-lalake ang kaniyang amoy. Lalo akong nakadama ng kakaibang init. “Gigi...” Hindi ko sigurado pero, parang nag-iba ang tono niya. Nagkaroon ng bigat ang boses ni Senyorito Matthew at maging ang paghawak niya sa aking hita ay hindi ko na rin mailarawan. “Gigi…” patuloy na sambit niya sa pangalan ko. Pabalik-balik ang mainit na palad niya sa aking hita. Halos nadadanggil na ng dulo ng daliri niya ang panloob ko na iilang hibla lang mula sa laylayan ng aking suot. Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa aking leeg. Marahan akong nag-angat ng ulo. Isang halik ang dumampi sa aking noo. Napatingin ako sa abogado. Namimilog ang mga mata ko habang nagsasalubong naman ang mga kilay niya. Napaawang ang bibig ko. Ang isa kong kamay na nakaharang sa aking dibdib ay kusang kumalas at dumako sa dibdib ng abogado. Napalunok ako nang madama sa aking palad ang matigas na katawan niya. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos ng hinlalaki ang aking mga labi. Titig na titig siya sa akin. Ramdam ko sa aking kinauupuan ang paghigpit ng pantalon niya. Naaninag ko ang discomfort sa mukha niya at ang tila pagtatalo ng kaniyang kalooban. Tumitig din ako sa mga labi niya. Pero maya-maya ay umiling si Senyorito Matthew. “No. You’re just a kid. I can’t do this.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD