Chapter 28

2150 Words
MY chest tightened after hearing those words. Mariin akong napalunok at umiling. Pumikit ako kasabay nang marahang pagbuga ng hangin. “All right. I’ll see you later,” kalmadong sagot ko kay Gigi. Maya-maya pa ay nawala na siya sa kabilang linya. Ibinaba ko na ang cellphone at ipinatong sa center table. My heart was still racing fast. I was used to hearing someone telling me that she loved me pero, wala akong natatandaan ni isa man sa mga nagsabi noon na nagdulot sa akin ng ganoong klase ng kaba. Ilang segundo pa akong natigilan bago ko muling hinarap ang mga nire-review na papeles kanina bago ang tawag ni Gigi. Sinisimulan ko na ulit ang pagbabasa nang huminto ako. What did I do? What did I do that made Gigi love me? Totoo kaya ‘yon sa puso niya? Why did she have to tell me over the phone? Sana man lang ay hinintay niyang masundo ko siya para sa mismong harapan ko siya umamin. Hindi ko napigilan ang isang ngiti. I didn’t plan to make Gigi fall for me pero, nang marinig ko ang sinabi niya, natanto ko na sa isang sulok ng aking isip ay iyon mismo ang inaasahan kong mangyari. I couldn’t deny the fact that her admission made me happy but, something about it was also making me feel anxious. Nadisturbo ako sa muling pagtunog ng aking cellphone. Dali-dali kong dinampot iyon sa pag-aakalang si Gigi ulit pero, nakita ko na si Grant pala ang tumatawag. Sinagot ko ang tawag niya. “Grant.” “Attorney! Ipapaalala ko lang sa’yo na malapit na ang kasal namin. You really need to go home to fill your role as my best man.” Natahimik ako bigla sa ibinungad ni Grant. Gigi and I had been married for more than a month pero, hanggang sa pagkakataong iyon ay hindi ko pa rin nasasabi sa pamilya ko ang tungkol sa amin. Hindi dahil sa binabalewala ko. Masyado lang akong kontento sa mga nangyayari sa pagsasama namin kaya pakiramdam ko ay hindi na importante ang ibang tao. But hearing Grant asking me to come home to attend his wedding, sa tingin ko ay dapat ko na ring sabihin sa kanilang lahat. And I couldn’t wait to see their reaction. “Matt? Are you still there? Attorney?” “Y-yes, Grant.” I exhaled after reviving from my thoughts. “I’m… sorry. What is it again?” “You’re spacing out. Why? Is there something wrong?” “W-wala. Hindi lang kita narinig. Anong sinasabi mo?” Narinig ko ang marahang tawa niya. “I’m talking about my wedding. With Celine.” Natigilan ako sandali at napangiti nang marinig ang pangalang binanggit niya. Celine. The only girl I hoped to love me in return but never happened. And then there was my wife who told me that she loved me. Parang may tumadyak sa dibdib ko nang maalala ang boses ni Gigi habang sinasabi ang tatlong salita. “Matt? Nawala ka naman?” “I’m here!” sambit ko nang mapuna na naman ni Grant ang paglalayag ng isip ko. At least that time, I was listening to him. “Kailan nga ulit ang kasal?" tanong ko. “Really, Attorney? You’re asking me again about that? Nasabi ko na sa’yo nang ilang beses at sa pagkakaalam ko, binanggit din sa’yo ni Mommy ang petsa ng kasal ko.” Halos ma-imagine ko ang pagsimangot ni Grant. “Hindi halatang excited ka para sa amin ni Celine. Are you really happy for me?” dagdag niya. “Don’t be silly, Grant. Of course, I am. Ang dami ko lang inaasikaso ngayon kaya nawawala sa isip ko.” “It’s two weeks from now.” Tumango ako. “All right. Sasabihan kita kung makakauwi ako. But if I were you, hahanap ako ng pwedeng substitute ko. I told you may kaso akong hinahawakan ngayon. And as a lawyer alam mo naman na hindi natin hawak ang schedule ng mga hearing.” “I understand. But it’s my special day, Matt so I really wish you could come.” Sandali akong nag-isip bago sumagot. “All right, I’ll be there." "Yes! Thank you, Matt! Matutuwa si Celine kapag nalaman niyang darating ka." Napangiti ako. "But I cannot promise you about the best man thing. I’ll just make sure to attend your wedding, okay? I... honestly need to see you, guys. May mahalaga akong sasabihin sa inyong lahat. At least, after the event.” "Sure. Hihintayin ka namin, Attorney Gamboa." "I'll see you then, Attorney Zamora." ---------------------------------------------------------------------------------------- “GIGI? Gigi, right?” Napaangat ang tingin ko sa tumawag sa aking pangalan. Noong una, akala ko ay hindi ako ang kinakausap ng lalakeng nasa daraanan ko palabas ng campus. Pero nang makilala ko kung sino ang lalakeng iyon ay saka ko natiyak na ako nga ang ningingitian niya. “Calyx?” Ang lalake ang kapatid ni Stephanie at bunsong anak ng asawa ni Ma’am Samantha. “Dito ka rin ba nag-aaral?” Hindi ko napigilang itanong dahil nagtataka akong naroon siya. “Ah. No. May friend ako rito at sinusundo ko lang.” “Gano’n ba? Okay.” Akma akong magpapaalam nang magsalita ulit siya. “Hindi ka na bumalik sa villa. Tinatanong ko minsan ang mga maid kung pumapasyal ka pero, hindi ka na rin daw nila nakikita. Balita ko rin… ikinasal ka na kay Matt?” Isang alanganing ngiti ang ibinigay ko kay Calyx. “O-oo. Mag-asawa na kami.” “The first time I heard it, hindi ako makapaniwala. I just think he’s too old for you.” “Wala namang masama roon. Isa pa, hindi halata na malaki ang agwat ng edad namin.” “Kunsabagay.” Ngumiti si Calyx at luminga sandali sa paligid. “Ah, so dito ka pala nag-aaral? Anong course mo?” Hindi ko alam kung totoo ang pinapakita sa akin ni Calyx. Pero hangga’t maayos niya akong kinakausap ay maayos ko rin siyang pakikiharapan. “Business Ad,” maiksing sagot ko na agad ko ring sinundan. “Ah, Calyx, kailangan ko na palang umalis. Baka kasi hinihintay na ako ni Matthew sa labas.” “Oh? Hatid-sundo ka pa pala ni Attorney?” tila hindi makapaniwalang tanong niya. Nakangiting umiling si Calyx pagkatapos. “Siguradong mahihirapan ang ibang guys na makalapit sa’yo kapag ganiyan.” Ngumiti lang ako at hindi na nagbigay ng komento sa bagay na ‘yon. “Maiwan na kita.” Hindi ko maitago ang pananabik na makita si Matthew. Paglabas ng campus ay mabilis kong nilibot ng tingin ang mga nakaparadang sasakyan. Nang mamataan ko ang kotse niya ay kusang gumuhit ang aking ngiti. Nagmamadali akong naglakad patungo sa kinapaparadahan niya. Saktong palapit ako ay bumukas ang driver seat at agad bumungad sa akin ang gwapong mukha ng aking asawa. Lumawak ang ngiti ko pagkakita sa kaniya. “Matt…” Sinalubong niya ako ng yakap. Pagkatapos ay isang halik ang itinanim niya sa mga labi ko. “Where are your friends? Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanila?” tanong niya nang pakawalan ako at tumingin sa paligid. Marahan akong natawa. “Nasa loob pa sila, e, iniwan ko. Umuna na ako kasi excited akong umuwi.” Pinagmasdan ako ni Matthew. Hindi na siya sumagot bagkus ay kinabig ako patungo sa direksiyon ng passenger seat. Binuksan niya ang pinto noon. Hindi ako agad sumakay. Hindi kasi ako nakaganti ng yakap kanina kaya walang pag-aalinlangan kong isinampay ang aking mga braso sa balikat niya. Hinalikan ko siya sa pisngi bago tuluyang niyakap. “That’s so sweet.” “Na-miss kita maghapon.” “Me, too,” sagot niya bago ako binitiwan at iginiya papasok sa kotse. “Halika na. Sumakay na tayo bago pa tayo gawing panoorin ng mga tao. Let’s just continue this at home.” Pagsakay ay hindi naman kami agad umalis. Kinabig pa ako ni Matthew at mariing hinalikan sa mga labi. Gumanti ako ng halik. Sabik na sabik ako sa kaniya. Gusto ko nang sabihin sa kaniya na bilisan na ang pag-uwi namin para kami na lang dalawa. Siya ulit ang naunang bumitiw. Nakangiti siya nang tingnan ko. “B-bakit?” Hindi siya sumagot. Unti-unti siyang lumayo sa akin at mula sa kaliwang gawi ko ay lumutang sa aking paningin ang isang pulang rose. Namilog ang mga mata ko. “For you.” Natutop ko ang aking bibig sa gulat. Wala sa hinagap ko na makakatanggap ako ng bulaklak galing kay Matthew. Hindi ko nga agad nagawang kunin iyon dahil ilang beses na nagpabalik-balik ang tingin ko sa rose at sa may hawak noon. Ramdam ko ang pagkislap ng aking mga mata nang sa wakas ay makabawi ako. Kinuha ko sa kaniya ang bulaklak na may mahabang tangkay. “S-sinorpresa mo ako. Salamat dito,” nakangiting sabi ko at agad dinala sa aking ilong ang bulaklak. “May mga kasama pa ‘yan,” wika ni Matthew sabay lahad ng palad sa gawi ng backseat. Lumingon ako. At halos malaglag ang mga panga ko nang makita ang pumpon ng mga rosas. May kulay puti, may kulay pink, may dilaw pero, karamihan ay pula. Ni hindi ko napansin iyon nang sumakay ako kanina. “Ang dami nila! Binili mo na ba lahat ng rose sa flower shop?” namamanghang tanong ko. “Hindi naman. Gusto mo ba?” Natatawang tumingin ako kay Matthew at umiling. “Kahit nga itong isa lang na ito, sobrang saya ko na.” Inamoy ko ulit ang rose. Hindi ko maipaliwanag ang saya na pumupuno sa dibdib ko. “Hindi ko inaasahan ito. Thank you, Matthew. Sobrang saya ko.” Tiningnan ko siya. At pagkatapos ng ilang sandali ay hindi ko na napigilang sunggaban siya ng halik. Gumanti naman agad si Matthew. Lumalim pa ang halikan namin hanggang sa dumako na rin ang isa niyang palad sa ibabaw ng dibdib ko at banayad na pumisil. “Let’s go home,” halos pabulong na sabi niya nang pakawalan ang bibig ko. “Baka makalimot tayo pareho at maulit natin dito ‘yong nangyari sa jeep.” Hindi ako nakakibo. Si Matthew na ang nagkabit ng safety belt sa akin bago niya isinuot ang kaniya. Ilang sandali pa ay pinaaandar na niya ang kotse palabas ng parking lot ng school. Nangingiting binalikan ko naman sa aking isip ang nangyari nang gabing iyon sa jeep habang inamoy-amoy ang rose na hawak ko. Pagdating sa bahay ay inilapag ko lang ang school bag ko sa sofa at pagkatapos ay inatupag ko na ang paglalagay ng mga bulaklak sa vase na may tubig. Tatlong vase ang nagamit ko. Ipinuwesto ko ang isa sa kusina. Ang isa ay sa sala. At sa kwarto naman namin ang isa. Nagtulong kami sa pagluluto at paghahanda ng hapunan. Habang abala sa gawain ay hindi namin maiwasang magnakaw ng sandali. Naroong yayakapin niya ako mula sa likod habang hinahalo ko ang nilulutong ulam. At pagkatapos ay bibiglain ko naman siya ng halik sa tuwing nagkakaharap kami. Susundan namin ng tawanan ang mga iyon. “Wala pang assignments na ibinigay sa amin. Plano ko lang mag-advance reading bago matulog," kwento ko nang matapos ko na ang paghuhugas ng pinggan. Tumayo si Matthew at hinawakan ako sa mga kamay. “All right. Tayo na sa itaas. Doon mo na gawin ang pagbabasa.” Tumango ako. Nagpaakay ako sa kaniya paakyat ng hagdan. Nasa kalagitnaan na kami ng may kumatok sa main door. Pareho kaming napahinto ni Matthew. “May tao?” kunot-noong tanong ko. Ilang katok ang muli naming narinig. Nagkibit ng balikat si Matthew. “I’ll see who’s outside. Mauna ka na sa kwarto.” “Sabay na tayo. Halika, tingnan natin kung sino. Baka si Ate Rosa ‘yan.” Hindi naman kumontra si Matthew. Nakayakap pa ako sa braso niya nang muli kaming bumaba upang pagbuksan ang kumakatok. Maaga pa sa alas ocho ng gabi kaya pwedeng ang ginang nga ang naroong kumakatok. O baka naman si Victor. Pero wala sa mga hula ko ang tumama. Nagulat pa ako nang pagbukas ni Matthew ng pinto ay makita ko si Ate Candy sa terasa. “Gigi... Nakaistorbo ba ako?” Bumaling siya sa asawa ko. “Attorney, good evening. Pasensiya na sa abala...” “A-Ate Candy, anong ginagawa mo rito?” bungad ko nang makabawi sa pagkagulat. Imbes na sagutin agad ako ay nakita ko nang tumulo ang mga luha ni Ate Candy. Ilang hikbi pa ang tumakas sa lalamunan niya bago nagsalita. “U-umalis kasi ako sa bahay, Gigi,” wika niya. “S-si Mommy kase… ayaw akong tigilan ng kasesermon dahil hanggang ngayon wala pa rin akong makuhang trabaho. Nahihirapan na akong pakisamahan siya.” Hindi ako nakakibo. Nagkatinginan kami ni Matthew. Pinunasan ni Ate Candy ang mga pisngi niya at tumingin sa amin. “Attorney… Gigi… pwede bang dito muna ako sa inyo kahit ilang araw lang? Habang naghahanap lang ako ng trabaho?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD