Chapter 13

2520 Words
“SENYORITO, hindi mo po ba sasabihin sa akin kung ano ang nangyari sa kaso ko?” tanong ni Gigi nang nasa biyahe na kami. Buong akala ko ay hindi niya ako kakausapin dahil halatang nainis siya nang bigla akong magdesisyon na isama siya pag-uwi sa Sta. Magdalena. “Anong gusto mong malaman? Hindi pa ba sapat na abswelto ka na?” tanong ko pabalik, gamit ang normal na tono sa tuwing kakausapin ko siya. “Hindi naman sa gano’n, Senyorito. Gusto ko lang po talagang malaman kung ano po ang ginawa n’yo.” “Kinausap ko ang abogado ng PAO. I reviewed the case against you. Nakita kong hindi sapat ang ebidensiya ng prosecution kaya hiniling ko sa korte na i-dismiss ang kaso.” Sinulyapan ko siya. “I can’t go in details for now, Gigi, but trust me. Hindi ka na nila ibabalik sa bilangguan.” Isang banayad na buntung-hininga ang pinakawalan ni Gigi bago unti-unting ngumiti. I was stunned for a second bago ko naisip na nagmamaneho ako. Agad kong ibinalik sa daan ang paningin ko. Binabaybay namin ang mahabang taniman ng pili nuts nang matanaw ko sa malayo ang grupo ng mga kambing na tumatawid sa daan. Kalahati pa ng bilang ng mga ‘yon ang pababa pa lang ng burol kaya dahan-dahan ko nang inihinto ang sasakyan upang maghintay na makalampas ang lahat. Sumandal muna ako at pinanood ang grupo ng mga kambing. Napasulyap ako sa passenger seat. Nakatuon din ang mga mata ni Gigi sa mga hayop. Hindi ko masabi kung sinusubukan niyang bilangin ang mga iyon dahil masyado siyang tutok sa mga kambing. I silently smirked. Bumaba ang tingin ko sa kandungan niya hanggang sa mga tuhod na magkalapat. I suddenly got serious as I recalled how her knees felt smooth against my palms. Naalala rin kung paano ko paghiwalayin ang mga tuhod na iyon. Humigpit tuloy ang kapit ko sa manibela sa pag-aalalang iwan iyon ng kamay ko at dumako bigla sa kandungan ng aking katabi. Tila biglang umalinsangan ang aking pakiramdam, hinawakan ko ang lapel ng polo shirt ko at ipinaypay. Dadagdagan ko sana ang lamig ng aircon pero, naalala kong naka-house dress lang si Gigi. Mas delikado kung ginawin na naman ito. I was gazing at her sideview when she suddenly turned her head so I quickly withdrew. Tahimik akong napamura at nagbuga ng hangin. Kinuha ko ang sunglasses ko at isinuot. Hindi ko napigilang tingnan ulit si Gigi maya-maya. It’s like that I hadn’t seen her for a while. Sa nakaraang mga araw ay iniiwasan kong tingnan siya nang matagal. Nahihirapan akong tingnan si Gigi. Naaalala ko ang ginawa ko at hindi ko mapigilang bulabugin ng aking konsensiya. It’s clear that I took advantage of her. I did it the time her father was dying. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Gigi tungkol sa akin kung halimbawang naaalala pa niya iyon. Bagaman naniniwala akong hindi ko siya pinilit, ako pa rin ang mas may responsibilidad sa nangyari dahil ako ang mas nakakatanda. Sinubukan kong kontrolin ang sarili ko pero, hindi ko kinaya. Isang bahagi ko ang nasaling ni Gigi. Kung pinatunayan niya sa akin na hindi na siya bata, pinatunayan ko lang din sa kaniya ang p*gkalalake ko. “Senyorito, wala na po sila.” Bahagya akong nagulat nang lingunin ako ni Gigi. Nang tumingin ako sa unahan ay saka ko naunawaan ang sinabi niya. Tumikhim ako at umayos ng upo. Ilang sandali pa ay pinatatakbo ko na ulit ang kotse. Mag-aalas diyes ng umaga nang makarating kami sa Villa Isabelle. Ipinarada ko ang kotse sa gilid ng driveway at nag-alis ng seatbelt. “Senyorito, magtatagal po ba kayo?” Nilingon ko si Gigi na nagtatanggal na rin ng seatbelt. “Hindi ko masasabi. Bakit?” “Okay lang po ba na hindi na ako pumasok sa loob?” May pag-aalala sa boses niya. I could guess her worries. Umiiwas sigurong makita siya ni Tita Samantha. “Saan ka naman pupunta kung hindi ka papasok?” “Dito lang po ako sa labas, Senyorito. Hindi po ako aalis. Hihintayin ko lang kayo.” Ilang sandali akong nag-isip bago pumayag. “Fine. H’wag kang gaanong lalayo.” “Diyan lang po ako sa garden, Senyorito. Para mabilis ko rin kayong makita paglabas ninyo.” Sinundan niya iyon ng alanganin na ngiti. Pagbaba ko ay bumaba na rin si Gigi. Isang sulyap pa ang iniwan ko sa kaniya bago ako dumirecho papasok sa villa. Nasalubong ko ang mayordoma at sinabing nasa study room nito si Lolo at may bisita. Nagusot ang noo ko. Kailangan ko bang maghintay na umalis ang bisita niya? Tumango ako sa mayordoma. “Sige, Manang. Sa kwarto ko na lang po ako maghihintay.” “Senyorito, ang bilin po ng Lolo n’yo ay padirechuhin kayo sa study niya kapag dumating kayo.” Wala akong ideya kung sino ang bisitang tinutukoy ng mayordoma pero, dahil iyon ang bilin ni Lolo, may palagay akong importante ang pag-uusapan namin. Bago ako umalis ay nagbilin muna ako sa mayordoma na padalhan ng meryenda si Gigi sa garden. Ilang warning knock muna ang ginawa ko bago binuksan ang study room ni Lolo. Una kong nakita si Adolfo na nurse at personal assistant niya na nakatayo sa kaniyang gilid habang nakaupo naman si Lolo sa likod ng mahogany desk. Ang isang silya naman sa harapan ng mesa ay okupado ng isang babae na bahagyang nakayuko at tila nagpupunas ng mga mata. “Come in, Matthew.” Pagsarado ko ng pinto ay saka lang nag-angat ng mukha ang babae. I immediately recognized Gigi’s stepmother. Gusot ang noo ko nang lumapit sa mesa at maupo sa isa pang silya, sa tapat ng biyuda ni Mang Gardo. I looked at her and found out that she was crying. Lalong nagsalubong ang mga kilay ko. “What is she doing here, ‘Lo? May problema ba?” tanong ko sabay tingin sa aking abuelo sa kaniyang pwesto. I narrowed my eyes and shook my head in confusion. “Pakinggan mo ang sasabihin ng biyuda ng dating katiwala ng hacienda, Matthew, para malaman mo,” sagot ni Lolo at tumingin sa aking kaharap. “Mrs. Apostol, ulitin mo ngayon ang mga sinabi mo sa akin kanina bago dumating ang apo ko.” Isa munang hikbi ang tumakas sa biyuda bago ito nagsimulang magsalita. Sa una ay naguguluhan ako pero, habang nadadagdagan ang mga sinasabi ng biyuda ay unti-unti akong nakaramdam ng paghihimagsik ng kalooban. “What are you talking about, Ma’am? Hindi ko kinidnap ang stepdaughter mo. Pinaalis mo siya sa bahay ninyo kaya isinama ko siya,” mariing wika ko. Ramdam ko ang pagpitik ng ugat sa sentido ko. Hindi pinansin ng biyuda ang aking sinabi at bagkus ay si Lolo ang kinausap. “Don Hernando, alam ko po na ganito ang isasagot ng inyong apo. Pero gaya ng sinabi ko sa inyo kanina, hindi po sariling palagay lang ang lahat. Si Gigi na po mismo ang nagtapat sa akin na pinilit siya ni Attorney na sumama at dahil walang ibang mapupuntahan ay walang nagawa ang anak-anakan ko kundi ang pumayag sa gusto ng apo ninyo.” “What?” Halos mapatayo ako sa aking kinauupuan. “Calm down, Matthew! Wala ka sa lugar para pagtaasan ng boses ang ina-inahan ng batang babaeng ibinahay mo.” “Ibinahay?!” Lalo lang tumaas ag boses ko sa termino ni Lolo. “I said calm down! H’wag ka munang magsalita at pakinggan mo lang ang lahat ng dapat mong marinig.” Suminghot si Mrs. Apostol at nagpunas ng mga luha. Direcho itong tumingin sa akin pagkatapos. “Attorney, kamamatay lang po ng ama ni Gigi. Kung nagawa ko man siyang palayasin ay dala lang ng sobrang sama ng loob. Sunod-sunod ang mga nangyaring hindi maganda sa pamilya namin at siya ang napagbuntunan ko ng sisi. Pero kahit pinagtabuyan ko si Gigi, hindi mawawala sa akin ang mag-alala sa kaniya lalo na nang malaman kong pinilit mo siyang isama sa kabilang bayan.” Nagtagis ang bagang ko at kumuyom ang aking mga kamao. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon. “Don Hernando, hindi po ako magsasalita sa iba. Hindi po ako gagawa ng anumang hakbang kahit kung tutuusin ay dehado ang anak-anakan ko. Pero sana naman ay magkaroon ng konsiderasyon ang apo ninyo sa nangyaring ito. Nahihiya man akong sabihin, Don Hermando, pero walang-wala na po kami,” iyak ng biyuda. “Kung magsasampa pa ako ng kaso ay wala rin kaming laban sa inyo. Sigurado rin akong hindi kayo papayag na pananagutan ng apo ninyo ang anak lang ng isang dating katiwala ng asyenda. Pero sana kahit ang danyos perwisyo man lang ay matanggap namin alang-alang sa dangal ni Gigi...” Tumingin ako kay Mrs. Apostol. Hindi ko alam kung saan siya nakakuha ng ideya sa mga sinasabi niya pero, isang bagay ang unti-unting nagkakahugis sa isip ko. Nagpunas ito ng luha at inayos ang sarili. Hindi na ulit siya makatingin sa akin pagkatapos. Humarap ito kay Lolo. “Hindi na po ako magtatagal, Don Hernando. Kilala ko kayong mabuting tao at naging mabuti kayo kay Gerardo nang nabubuhay pa siya. Kaya naman umaasa akong hindi ninyo palalampasin ang nangyaring ito.” Magkasunod na lumabas ng silid si Mrs. Apostol at ang assistant ni Lolo. Naiwan ang tingin ko sa pinto ng study. Sari-sari na ang aking naiisip nang biglang magsalita si Lolo sa normal na tono. “What are you going to do, now?” Hinarap ko siya. “Let that woman file a case. Kaya kong harapin anuman ang ikakaso niya sa akin. May mga ebidensiya ako.” “Sinvergüenza! Iyan lang ang sasabihin mo pagkatapos ng mga ginawa mo?” “What did I do? I helped someone out from jail! I gave someone food and shelter! Lo, you shouldn’t believe her! Hindi ko tinangay basta ang anak niya! Kung iyon ang motibo ko, bakit ko pa dinala rito si Gigi?” “Wala akong pakialam sa totoong motibo mo! Ang punto rito ay nagsumbong ang batang babaeng iyon sa kaniyang madrasta! Por Dios por santo, Matthew, saan nagpunta ang katinuan mo? Gawain ba 'yan ng isang treinta y cinco anyos na abogado? Ng isang magaling na abogado? Ano na lang ang sasabihin ng partido ng ama mo kapag nalaman nilang isang beinte anyos na babae ang pinakialaman mo?” “Lo, please, h'wag mong idamay ang propesyon ko rito! Besides, Gigi’s not a minor. And why do you make it sound like I mol*sted her?” “At hindi pa ba?” Nanlaki ang mga mata ko sa tila pagpaparatang ni Lolo. “I did not!” depensa ko. “You did not? Kung ganoon tumingin ka sa mga mata ko at saka mo sabihin na hindi mo hinawakan man lang ang anak ni Gerardo,” hamon sa akin ni Lolo. Natahimik ako at hindi nakasagot. Of course, I knew in myself that I did not do it. Pero biglang lumitaw sa isip ko ang imahe namin ni Gigi sa loob ng jeep. “See?” dismayadong sabi ni Lolo at umiling. “Matanda na ako, Matthew. Hindi mo ako basta maloloko.” Nagbuga ako ng hangin. Tumayo ako at mahinahon nang nagsalita. “Let me take care of this. Kakausapin ko ang madrasta ni Gigi.” “Hindi mo siya kakausapin, Matthew!” tutol ni Lolo. “Kapag ginawa mo iyan, sigurado akong makakalabas ang eskandalong ito! Hindi titigil ang biyuda ni Gerardo hangga’t hindi nakakakamkam ng pera!” “Hayaan n'yo siyang gawin ang anumang plano niya. Kayang-kaya ko siyang baliktarin. Hayaan n'yo siyang magsampa ng kaso laban sa'kin para siya mismo ang mapahiya sa bandang huli.” “Estupido!" sabay hampas ni Lolo sa kaniyang mesa. "Of course, you can win whatever case she files against you dahil diyan ka bihasa! Pero paano ang reputasyon ng mga Ylustre? Ang karangalan ko ang nakataya rito! Hindi ako papayag na ilagay mo sa kahihiyan ang pangalan ko kaya ayusin mo ang gulong ginawa mo ngayon din! The woman was talking about indemnification so just give it to her! Ibigay mo ang halagang gusto niya kahit pa magkano! At pagkatapos ay isoli mo na rin sa kaniya ang anak-anakan niya!” Paglabas ko ng study room ni Lolo ay hinanap ko si Gigi sa garden. I immediately spotted her beside the fountain. Nakatayo siya at tahimik na nakamasid sa mga halamang namumulaklak. Huminga ako nang malalim upang ikalma ang dibdib ko. Hindi ko alam kung tama ang iniisip ko pero, dahil sa mga pangyayari nang nakaraan, posible na isa lang itong sabwatan sa pagitan ni Gigi at ng madrasta niya. I clenched my teeth. Ang laki kong gago. Hindi ko akalain na sa ganito mauuwi ang pagtulong ko kay Gigi. Ito pa ba ang mapapala ko? Oo, aaminin kong hindi naging maganda ang pagtrato ko sa kaniya nitong nagdaang mga araw. At iyon ay dahil sa naging asal niya. Pinagmalakihan niya ako. Sinabi niyang labag sa kalooban niya ang magpakasal kay Mr. Javier pero, ang matanda naman ang isinangkalan niya sa planong pag-alis sa hacienda. Nasaan ngayon ang taong sasalo sa kaniya? Wala na. At dahil wala na silang mapapala sa isang patay, ako naman ngayon ang puntirya nila. I shook my head in disappointment and anger. Danyos perwisyo ba ang gusto nila? Sige. Kahit ilang milyon pa. Pagkatapos noon ay isosoli ko na siya sa madrasta niya. “Senyorito…” Napukaw ang pag-iisip ko dahil sa pamilyar na boses na iyon. Saka ko lang natantong nasa harapan ko na si Gigi at nagtatakang nakatingin sa akin. “Aalis na po ba tayo? Babalik na tayo sa Irosin?” tanong niya habang pinagmamasdan ako. Then suddenly an image of us kissing and hugging appeared in my memory. At parang naririnig ko pa ang pagdaing niya sa pangalan ko. I stared back at her face. Should I bring her back to her family after everything? Naikuyom ko ang mga kamao ko. No way. Hindi ako papayag. Hindi pwedeng basta lang siya makakawala sa mga kamay ko. “Senyorito… o-okay lang po kayo?” tila inosenteng tanong niya. I looked at her. Banayad akong tumikhim at saka sinabi ang nasa isip ko. “Maniningil na ako ng mga pautang.” Nagusot nang bahagya ang mga kilay niya. “P-po?” “May utang ka sa akin, hindi ba? Sisingilin ko na.” Biglang namutla si Gigi pagkarinig noon. Nakita ko nang bahain ng pangamba ang maliit niyang mukha. “P-pero…wala pa po akong pambayad…” Halos manginig ang mala-rosas na mga labi niya nang sabihin iyon. I smiled. “Marry me then.” Natigilan siya at namimilog ang mga matang tinitigan ako. Pagkatapos ay ilang beses siyang napakurap at napalunok. “H-hindi ko po maintindihan…” Nalilitong wika niya. Lumapit ako nang husto at sa ilang pulgadang distansiya ay nasamyo ko ang mabining bango niya. Itinaas ko ang kamay ko upang hawiin ang buhok sa kaniyang balikat. I sensed the tension emanating from her body. “Marry me. Kapag nagpakasal ka sa’kin, bayad ka na rin sa mga utang mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD