“HINDI ba nakakahiya?” tanong ni Fame kay Freya habang inaayusan nito ang buhok niya. Napatigil naman ito sa ginagawa. “Saan ka naman mahihiya?” kunot ang noo nitong tanong habang nakatingin ito sa repleksiyon niya sa salamin na nas4a harap nilang dalawa. “Sa mga bisita ng mga Brillantes.” Sagot niya kay Freya. “At sa mga Brillantes mismo.” Dagdag pa na wika ni Fame. Mamaya na kasi gaganapin ang engagement party nina Xavier at Faith. Wala sanang balak dumalo si Fame kahit na personal siyang inimbitahan ni Faith. Nagkita at nagkakilala kasi silang dalawa no’ng minsang niyaya siyang lumabas ni Freya noong day-off niya. At hindi niya alam na kasama pala nito si Faith ang girlfriend ni Xavier. At tulad ng unang beses niyang nakilala si Freya ay napalagay

