Chapter 1

1140 Words
Light's POV "Hoy, babae!" Napabalikwas ako sa pwesto ko nang marinig ko ang malakas na sigaw ng bestfriend kong si Penelope. "Ano? Tulog pa more!" Napatingin naman ako sa mapang-asar na nagsalita. Naramdaman kong sumakit ang likod ko dahil sa pagkakahiga. "Bakit ka ba naninigaw ha? Aray ko talaga," daing ko pa at tumingin sa paligid. "Kita mong natutulog ako, tapos maninigaw ka!" Nasa rooftop pala ako ng school namin at dahil sa sobrang antok ay nakatulog na ako sa sementong upuan. "Hoy, hindi ka na naman nakapasok ng last subject dahil after breaktime ay hindi ka na naman bumalik!" sigaw nito at nanlaki ang mata ko. Ano?! Napatingin naman ako sa relos ko at biglang napatayo. Hala 3:30 na! Uwian na! "Hala, ano ba yan!" sigaw ko at napapadyak pa sa sahig. Tumingin naman sa akin ng masama 'tong si Penelope kaya sumimangot ako. "Sorry! napasarap kasi ang tulog ko eh." Nakita ko ang pag-iling niya. Napakamot naman ako sa batok at kinuha ang bag ko na ginawa kong unan nang makatulog ako kanina. Nang mag-angat ng tingin ay nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Penelope. "Kaya delikado talaga kapag natutulog ka! Tulog mantika!" Napaakap na lang ako sa bag ko. I tilted my head and looked at Penelope with a big smile on my face. "Alam ko may assignment tayo, pakopya na lang bukas ha! Thank you, I love you!" litanyan ko at tuluyan nang tumalikod sa kanya. "Light! Bumalik ka rito!" Narinig kong sigaw niya nung lagpasan ko siya. Natawa na lang ako at tuluyan nang lumabas ng rooftop at bumaba. Naalala ko na lang bigla 'yong hindi na naman ako nakapasok ng last subject namin kanina. Naku naman! Mayayare na naman ako sa professor ko nito bukas! Mabilis akong nakalabas ng campus at tumawid. Napatingin naman ako sa relos ko, I still have 20 minutes para maglakad, mag-ayos at makarating sa cafe kung saan ako nagpapart-time after ng class ko or kung may free time ako. Natawa naman ako nang maalala ko 'yong reaksyon ng kaibigan ko kanina. Penelope is my alarm clock! Ilang beses na ako no'n nakikitang tulog at siya ang taga-gising ko! Sana naging alarm clock na lang talaga siya tapos iuuwi ko siya sa apartment ko. Kapag hindi kasi ako sumasama sa kanya kapag break time namin, agad akong dumidiretso sa rooftop para doon pumwesto at umidlip. Alam na alam na niya kung saan ako hahagilapin. Napansin ko namang napapatingin 'yong mga nakakasalubong ko, siguro nagtataka sila, kasi tumatawa ako mag-isa, ganito talaga kapag kulang sa tulog. Nababaliw! Narinig ko naman ang pagkulo ng tiyan ko. I pouted my lips. Aba, nagwawala na 'yong mga alaga kong anaconda sa loob ng tiyan ko. Agad ko naman na tinungo 'yong fishball stand kung saan lagi ako kumakain. "Hi manong!" pagbati ko kay kuyang nagtitinda. "Eto na pala ang suki ko!" bulalas niya. Natawa naman ako sa sinabi niya at inabutan niya ako ng plastic cup kung saan nilalagay 'yong fishballs, kikiam at hotdog. Agad naman akong tumusok ng sampung piso na fishball, limang kikiam at limang hotdog. Gutom na talaga ako! "Mukhang nagutom tayo ngayon ha!" Pansin ni manong sa kinuha ko. Tumango naman ako at nagsimulang kumain. Dumukot naman ako sa bulsa ko ng 30 pesos at inabot kay manong. Nag-paalam naman ako dahil baka mapasarap ang kain ko at hindi ko na naman mamalayan ang oras. Binilisan ko ang lakad ko habang nginunguya 'yong binili ko. Sarap talaga! Nang maubos ay agad kong tinapon 'yong pinagkainan ko sa basurahan malapit sa labas ng cafe at pumasok na sa loob.. "Hi, Ilaw!" Narinig kong sigaw ng kasamahan ko. Ilaw tawag nila sa akin, dahil sa first name ko na 'Light' pero pwede naman nila akong tawagin na 'Ian' dahil Light Killian naman ang buong first name ko. Kumaway naman ako at pumasok sa cr, agad akong nagpalit ng polo shirt at sinuot yung apron ko. Dahil ang uniform namin sa campus ay black na slacks at white polo blouse. Hindi na ako nahihirapan na magpalit ng pang-ibaba at tanging pang-itaas na lang ang pinapalitan ko. "Hi, ilaw! Ikaw pala muna ang palit kay Camille habang wala siya," sambit niya. Napatango naman ako at nag time-in sa aming time clock. So, ako pala ang magka-cashier ngayong araw. Ako kasi ang nakatoka sa pagbibigay ng orders ng mga customers pero tinuruan naman ako maging cashier dahil kailangan, kaya gamay na gamay ko na rin 'yon. Mas ayos pa nga ako roon kesa sa pagiging waitress. "Baka mamaya dumating 'yong loyal customer namin Light, sinulat ko na dito sa post it 'yong order niya. Bago mo i-punch kunin mo muna 'yong card niya. Gets mo ba?" Tumango naman ako. "Oo naman no!" sabi ko at nginitian siya. "Lalaki siya na gwapo! Naka-shades at saka naka-long sleeves or baka senyasan ka na lang ni manong guard, kilala niya naman iyon. Hindi ko pa kasi siya nakita kanina kaya baka maya-maya siya pumasok," mahabang paliwanag niya. "Sige. Ingat ka pala pag-uwi!" Agad naman itong nagpaalam sakin at umalis na. Umayos na ako sa pwesto ko at nilagay yung kaha ko. Lumipas ang oras at wala naman akong nakitang lalaki na nakashades na sinasabi ng kasamahan ko. Tinanong ko din si manong guard at sinabi niya na di niya pa din daw nakikitang pumasok kaya bumalik ulit ako sa pwesto ko at ginugol na naman ang ilang oras sa pagkuha ng mga order. "Good evening, Sir!" sabi ko at ngumiti sa lalaking customer. Ang gwapo naman! "Good evening, isang cheesecake at frappucino, venti size." Tumango naman ako. "At saka alam mo ba 'yong order ng kaibigan ko?" Napa-huh naman ako at tumingin sa tinuturo niya. Lalaking naka-long sleeves na color maroon at nakatingin sa labas. "Sabi niya kasi alam naman na ng cashier dito 'yong kanya." At ibinigay niya sakin 'yong card. Na-gets ko naman agad 'yong sinabi niya. Baka 'yon na 'yong sinasabing customer ng kasamahan ko. "Ay, opo! Wait po sir." At kinuha ko 'yong nakadikit na post it malapit sa kaha ko. Isang Blueberry Cheesecake at Black Coffee 'yong nakalagay doon. "What's your name sir?" tanong ko pa sa kanya. "Uno," simple niyang sabi. After maayos ay sinabihan ko nalang siya na dadalhin nalang sa table nila yung order niya. Ang ganda naman ng 'Uno', bagay sa kanya. Is that his first name? or nickname niya lang? Agad naman akong napatingin sa lalaking sinasabi nang kasamahan ko, bakit kaya parang ngayon ko lang 'yon nakita? Nakaramdam naman ako ng antok at p*******t ng leeg habang dumaraan ang minuto at oras. Hanggang 12am kasi ang shift ko, tapos iba na naman ang papalit sa akin. 24 hours kasi itong cafe na ito, tapos marami pa laging tao. Sana matapos na ang gabing ito, gusto ko na rin mahiga sa higaan ko at mahimbing na matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD