"Nicole okay ka lang ba?" tanong ni Jake sa akin. "Jake ,bakit mo ako hinalikan?" Sabi ko sa iyo huwag na huwag mo akong halikan eh. Mahirap ba intindihin iyon Jake? Saka ano na lang ang isipin nang dalawa sa akin?" Galit na sabi ko kay Jake. Hindi ako makapaniwalang hinalikan ako sa taong hindi ko mahal. At higit sa lahat wala kaming relasyon. "Psst, huwag kang magpahalata." Wika ni Jake sabay haplos sa aking buhok. "Nicole anong ibig sabihin nito? Bakit hindi mo sinabi sa akin na boyfriend mo na pala ang boss mo?" Nagulat ako sa tanong ni Nick, at sa expression ng mukha nito lumaki ang mga nito at namula ang mukha. Alam kong galit na galit siya kapag ganyan ang itsura niya. "Nick kasi. . . eh." Hindi ako makapagsalita nanginginig ang katawan ko dahil sa halik ni Jake. "Nicole ma

