CHAPTER 4

1047 Words
Nakita ko si Nick na nakatulala at ang layo ng tingin lumapit ako sa kaniya para alamin kung ano ang kaniyang problema ganito naman lagi ang ginagawa ko sa tuwing malungkot siya. Para akong nanay niya tagaayos ng kaniyang problema at taga-comfort sa kaniya sa tuwing malungkot siya. "Nick bakit ka nakasimangot may problema ka ba?" tanong ko sa kaniya habang hinawakan ko ang kaniyang balikat. Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil-pisil niya, ito na naman akong nakaramdam ng kilig at sobrang saya. Tumalon na namsn ang aking puso dahil nagkadikit ang katawan naming dalawa. "Nicole si Katrina parang may itinatago siya sa akin eh. kanina sinundo ko siya sa pictorial niya, may lalaking lumapit sa kaniya habang magkausap kami ang sabi niya magkaibigan lang daw sila pero hindi ako naniniwala, parang may Mali eh, parang may something sa kanilang dalawa. At kailangan kung alamin kung ano 'yon Sabi ni Nick sa akin, nakita ko ang lungkot ng kaniyang mga mata. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang malungkot, pero wala akong magawa dahil best friend niya lang ako. At hindi ko kayang gawin ang mga ginagawa ni Katrina sa kaniya. "Nick kung 'yan ang sinabi niya paniwalaan mo na lang kesa mag-isip ka ng nakakasira sa araw mo. Sabi ko sa kaniya, habang tinapik ko ang kaniyang balikat. "Nicole, palibhasa kasi kahit minsan hindi mo pa naranasan magmahal, kaya hindi mo ako maintindihan." Seryosong saad ni Miguel sa akin . Medyo masakit sa tenga ang binitawan niyang salita pero dedma ko na lang kasi wala rin naman akong mapapala kung sabihin ko sa kaniya ang totoo. Ako lang naman ang nakakaalam na mahal ko siya. Ayokong malaman niya ang aking totoong nararamdaman para sa kaniya dahil ayokong masira ang aming pagkakaibigan. "Nick sinong nagsabi sa iyo na hindi pa ako nagmahal? mas masakit pa nga ang naramdaman ko kesa naramdaman mo ngayon eh! kasi ako nagmahal ako ng sobra-sobra sa taong 'di ako kayang mahalin. Hindi ko pa nga siya naging boyfriend broken hearted na ako! kaya huwag mong sabihin na hindi kita maintindihan dahil kahit wala akong boyfriend nakaramdam na ako ng sakit!" Sabi ko sa kaniya ng diretso. Nagulat naman ako nang biglang nag-iba ang tono ng pananalita ni Nick sa akin na parang nagagalit. "Nicole bakit may mahal ka na ba? bakit hindi mo sinabi sa akin? kailan pa at sino siya? Puwede ko ba siyang makilala?" Seryosong tanong niya sa akin pero hindi ko alam kung paano ito sagutin hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya na siya ang lalaking sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpapatibok sa aking puso. Syempre, todo deny ako dahil kahit anong mangyayari ayaw kong malaman ni Nick ang totoo na siya ang lalaking mahal na mahal ko. "Hindi mo puwedeng malaman kung sino siya Nick, personal life ko na 'yan hindi lahat nang bagay ay puwede kung sasabihin sa 'yo. Ako lang ang puwedeng makakaalam nito." Sagot ko sa kaniya habang nakasimangot. Hindi ko tinitingnan ang mga maya ni Nick, dahil ayokong makita niya ang totoomg n "Nicole, best friend mo ako bakit hindi mo sabihin sa akin? at imposibleng hindi ko malaman halos minuto-minuto ay nasa tabi kita noon, ngayon ka lang nahiwalay sa akin, tapos meron na agad! Wow ilang days ka pa lang sa work mo may napupusuan kana agad? Wow ang lupit mo naman Nicole!” Singhal niya sa akin habang nakataas ang nguso. “Wow Nick, Magkaibigan nga tayo pero wala kang alam, Paano kasi kung saan-saan ka nakatingin, nasa harapan mo na nganaghanap ka pa ng iba. At Kung nasaktan ka ngayon dahil diyan sa girlfriend mo na modelo hindi ko na kasalanan ‘yon. Bahala ka nga diyan matutulog na ako.” Saad ko sa kaniya at nagmamadali na akong umalis “Nicole may galit ka ba sa akin? Bakit ganiyan ka magsalita? Dati kapag nagsumbong ako sa ‘yo about sa problema ko kay Katrina, palagi mo akong dinadamayan pero ngayon wala kang pakialam sa akin. Nagbabago ka na Nicole dati sinasamahan mo ako kahit saan pero ngayon iniwan mo na ako nagtatrabaho ka na sa iba! Hindi na ba ako mahalaga sa ‘yo? mas mahalaga pa ba ang trabaho mo kesa akin na best friend mo?” Seryosong saas ni Nick sa akin. “Nick,walang nagbago sa akin, ikaw lang kasi ang puwedeng tumulong sa sarili mo eh, puso mo kasi iyan, hindi ako ang may hawak niyan! tumayo ako at iniwan ko si Nick bago pa madulas ang dila ko at masabi ko sa kaniya ang totoo, na siya ang lalaking tinutukoy ko. Pumasok ako sa aking kuwarto at humiga ako sa kama, pinikit ko ang aking mga mata, at hindi ko sinasadyang tumulo ang aking luha, narinig ko na may bumukas sa pinto at may mga tunog ng paa papunta sa aking kama. Naramdaman ko na may humawak sa aking mukha at hinalikan ako sa noo, naamoy ko ang hininga ni Nick na sobrang napakabango. Gusto kong idilat ang aking mga mata pero ayokong makita ko ang mukha niya. Baka di ko mapigilan at bumigay ako sa kaniya at masabi ko sa kaniya ang totoong mahal na mahal ko siya. Hindi lang bilang kaibigan kung ‘di higit pa sa isang kaibigan. Hinaplos niya ang buhok ko at paulit-ulit niya itong hinahalikan, kinikilig ako at gusto ko siyang hilain para halikan niya ako sa labi. Pero Hindi ko magawa, ilang minuto ay umalis na siya palabas ng aking kuwarto. Uminit ang aking buong katawan gustong-gusto kong gawin niya sa akin ang mga ginawa nila ng girlfriend niya, gusto kong makipag-s*x sa kaniya gusto kong mahawakan ang buong katawan niya.ang mga labi niya na sobrang lambot gusto Kong mahalikan at maipasok ko ang aking dila sa kanyang bibig.gusto kong ibigay sa kaniya ang aking sarili ng paulit-ulit, pero alam kong hindi na mangayayari ‘yon, dahil mahal na mahal niya ang kaniyang girlfriend na si Katrina. Kanina habang nagsumbong siya sa akin tungkol kay Katrina ay parang tinutusok-tusok ng karayom ang aking puso. Dahil nakikita ko na nagseselos siya sa lalaking lumapit kay Katrina, hanggang pangarap ko na lang ang best friend ko. Ayokong umasa sa kaniya, kailangan kong mag-move on kailangan kong magmahal ng iba, para makalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD