2

1754 Words
Cennon Ala una na ako naka balik sa bahay namin, kaya sigurado akong gutom na gutom na ang mga kapatid ko, pero papasok palang ako sa bahay namin, dinig na dinig ko na ang mga iyakan ng mga kapatid ko habang sumisigaw ang tatay ko at parang may hinahagis. ''Mga malas talaga kayo sa buhay ko. alam nyo 'yon huh?'' sigaw ni tatay habang hinahagis sa labas ang mga upuan namin sa bahay. Kaya naman pag pasok ko agad kong nakita ang kapatid kong si Jack na may dugo ang ilong. Habang ang dalawa ko pang kapatid na babae ay nagmamadaling yumakap sa hita ko at humihingi ng saklolo habang hinahabol ni tatay si Jack na patakbo na rin sa akin. ''Tama na 'yan tay! Sinasaktan n'yo na mga kapatid ko eh.'' harang ko sa katawan ko kaya sa akin tumama yung hinagis nitong tasa na tumama sa noo ko. ''Isa ka pang bata ka. Tanghali na ni hindi kapa umuwi para mapagluto mo ako ng kakainin. Ngayon anong kakainin ko?'' tanong ni tatay sa akin habang pinapahid ko ang dugong umaagos sa mukha ko dahil sa tama ng tasa. ''Tama na po magluluto nalang ako.'' sabi ko nalang para tumigil na sana si tatay pero lalo lang itong nagalit sa akin ng malaman niyang wala akong perang dala. ''Ano wala kang pera? Nasaan yung kinita nyo sa pagtitinda akina dalian mo..'' pilit ni tatay sa akin habang pilit akong hinahaklit sa pagkakapit ng mga kapatid ko. ''Wala nga po tay. Wala nga po kaming gaanong benta ni nanay sa bayan.'' katwiran ko dito pero binatukan lang ako nito saka ako kinaladkad palabas. Nakita kong inaawat ito ng mga kapatid kong maliliit. Pero mga wala rin itong nagawa. Nakikiawat na rin nga ang iba naming kapitbahay, pero talagang binabanatan pa rin ako nito hanggang sa dumating si nanay at inawat si tatay. ''Hoy hayop ka. Anong ginagawa mo sa mga anak ko?'' sabi ni nanay kay tatay... ''Tama mga anak mo nga lang ang mga 'yan. Dahil wala akong mga anak na walang kwenta. Mga putang ina n'yo mga malas kayo sa buhay ko.'' sigaw ni tatay sa amin habang nakaduro ang mga kamay sa mukha ni mama. ''Ikaw ang malas sa buhay namin ng mga bata. Mulat sapol na magsama tayo wala kang naibigay na maganda sa amin ng mga bata. Puro ka alak, babae at sugal, kaya 'wag na 'wag mong ipapasa ang mga pagkukulang mo sa amin hayop ka.'' sagot ni mama dito. Kaya naman nagulat kaming lahat ng biglang sampalin ni tatay si nanay na naging dahilan ng pagka subsob nito sa semento. Agad kong inalalayan si nanay sa pag tayo pero hindi agad ito nakatayo marahil ay nahilo, kaya naman napatayo ako sa sobrang galit ko at nasuntok ko si tatay, alam kong mali dahil kahit papaano ay tatay ko pa rin ito pero di ko naiwasan, dahil parang hindi naman anak ang tingin sa amin ni tatay kundi isang malaking malas sa buhay nito, ni hindi na nga niya kami nabigyan ng magandang buhay tapos kami pa ang itinuturing niyang malas sa buhay niya. Nakita kong tumayo si tatay kahit pasuray suray dahil sa sobrang kalasingan. Papalapit ito sa akin, maya-maya ay pumulot pa ito ng lumang tubo at agad na lumapit sa akin para ipukpok sa akin, pero dumating ang ilang mga kapit bahay namin at inawat si tatay. ''Tama na 'yan hindi mo ba nakikitang pamilya mo ang sinasaktan mo?'' sigaw ng matandang kapitbahay namin. ''Tsiii. Sila pamilya ko?'' sabi nito sabay dura sa may paanan namin. ''Mga walang kwenta ang mga 'yan.'' sigaw ni tatay saka nag pumiglas para mabitiwan siya ng matandang may hawak sa kanya. ''Tumigil kana.'' siga muli matanda kaya naman sa sobrang inis ata ni tatay umalis nalang ito saka tinulak ang mga kapatid ko na nadaanan niya. ''Grabe hayop talaga yung tatay n'yo na 'yon.'' sabi ni aling baby. Na sinigundahan naman ni Ate Letty. ''Oo nga Rosita, bakit ba hindi mo pa kasi iwanan ang asawa mong wala namang ka kwenta kwenta.'' sabi ni Ate Letty. Saka inalalayan si nanay hanggang sa makatayo ng maayos. Nakita ko agad na nagtakbuhan ang mga kapatid ko at niyakap si nanay. ''Nanay sana iwan na natin si tatay.'' sabi ni Rose ang pitong taon gulang na kapatid ko. ''Oo nga nay tutal hindi naman na niya tayo mahal eh.'' sabi naman ni Jack, saka niyakap si nanay Nakita kong umiyak bigla si nanay saka niyakap si Jack at Rose habang sa akin naman nakayakap si Lea ang apat na taong gulang kong kapatid. ''Oo mga anak iiwan na natin ang tatay nyo.'' sabi ni nanay saka kami niyakap lahat.. Ang kawawa kong nanay, ipinapangako ko pag lumaki ako ipaparanas ko kay nanay ang lahat ng sarap sa buhay, na hindi naibigay ng napaka galing kong ama. Maya-maya ng maayos na namin ang mga sarili namin, nag kanya kanya naman na kami ng pulot ng mga gamit na mga inihagis ni tatay sa labas.. Nang biglang bumagsak sa sahig ang nakababata kong kapatid na si Lea. Kaya naman agad kong pinuntahan ito at tinignan, nang makita kong maputla ito at talagang walang malay. Agad kong binuhat si Lea, at dinala sa pinaka malapit na hospital kung saan hindi kami agad pinansin,, dahil wala kaming kapera pera bukod doon napaka dudumi pa namin. ''Nurse paki tingin naman po itong kapatid ko.'' pakiusap ko sa dumaan na nurse. ''Wala pa kaming bakante eh d'yan mo muna siya iupo sa wheel chair.'' sabi nito saka muling lumakad pero hinarang ko ulit ito at pinaki usapan. ''Bata, sandali lang marami kamiang ginagawa dito pwede ihiga mo na muna siya dyan.'' sabi ng nurse saka ito tuluyang lumakad muli, akala ko may aasikasuhin na siyang ibang pasyente, dahil gaya ng sinabi nito kanina madami siyang inaasikaso, pero nagkamali ako, dahil nakita kong umupo ito sa isang lamesa saka naghugas ng kamay gamit ang alcohol, saka nakipag kwentuhan sa mga kasamahang nurse. Grabe awang awa ako sa kapatid ko at kay nanay na kasalukuyang niyayapos ang maliit na mukha ng kapatid ko. Ganito ba talaga kapait ang mabuhay sa mundo? Bakit lahat nalang ng hirap sa buhay binigay sa amin ng mga kapatid ko, ano bang kasalanan namin? Hanggang dito na lang ba talaga kami? Mahinang daing ko sa taas habang hirap na hirap akong titigan ang kapatid ko, ng may lumapit sa akin na matandang babae. ''May problema ba boy? Bakit ka umiiyak?'' Tanong nito sa akin, Kaya naman hinawakan ko ang pisngi ko, tama nga ito umiiyak na pala ako ng di ko na mamalayan.. ''Kasi po ma'am ung kapatid ko po ayaw pong pansinin nung nurse na nakaupo na 'yon.'' sabi ko sabay turo ko doon sa nurse, akala ko isang matandang naaawa lang ito sa akin dahil nakita nga ako nitong umiiyak. ''Ganun ba? Nasaan ang kapatid mo?'' tanong nito sa akin. Kaya naman tinuro ko agad ang kapatid ko na kasalukuyang yakap-yakap ni nanay. ''Sige buhatin mo at isunod mo sa akin.'' sabi nito sa akin, nagtataka man ako pero sinunod ko ito agad at tsaka agad akong lumapit sa kapatid ko at binuhat ito. Nang pasunod na ako dito, nakita ko ang matanda kausap ang nurse na tila takot na agad tumayo at lumapit sa amin ni nanay. ''Boy dito mo ihiga ang kapatid mo.'' sabi nito sa akin. Na agad kong sinunod. '' Sandali lang igagawa kita ng record.'' sabi nito saka sandaling umalis at maya-maya ay bumalik may hawak itong papel at ballpen. Tinanong nito ang buong pangalan ng kapatid ko. At kung ano ang address namin at birthday nito at kung ilang taong na rin ito, at tinanong narin nito kung ano bang nangyari bakit ito nawalan ng malay. Nang masagot ko lahat 'yon. Lumapit na sa amin ang matandang babae, naka puti na ito at may mga gamit na bibit. ''Dok. Bigla lang daw pong nawalan ng malay.'' sabi ng nurse 'dun sa matandang babae na isa pa lang doctor. ''Ganun ba'' sabi agad nito sa nurse saka hinawakan at tinignan nito ang kapatid ko. ''Kumain na ba siya?'' tanong ng doctor, hindi ko naman agad na sagot ang tanong nito, kasi nga alam kong di pa ito kumakain. ''So hindi pa kayo kumakain?'' tanong ulit ng doctor sa amin. ''Hindi pa po.'' Mahinang sagot ko. Kaya naman tumango tango ito bago bumulong sa nurse maya-maya ay umalis ito at ng bumalik, may dala na itong pagkain, saka inabot sa akin. ''Sumubo na muna kayo. Sa ngayon baka gutom lang itong kapatid mo kaya nawalan ng malay.'' sabi ng doctor. ''Salamat po dok.'' sabi ni nanay dun sa doktor. ''Wala po iyon, nanay kumain na po muna kayo dahil maya-maya tignan na po natin itong anak ninyo sa loob, kailangan n'yo ng lakas, at ikaw bata wag ka ng umiyak ako ng bahala sa kapatid mo. Basta sa ngayon kumain kana, baka ikaw naman ang bumagsak d'yan masyado kana rin maputla.'' sabi nito saka biglang kumunot ang noo saka dahang dahang lumapit sa akin. ''Napaano 'yang noo mo hijo?'' tanong nito sa akin saka dahang-dahang hinawi ung buhok ko na sadya kong iniharang sa sugat ko ng hindi na mapansin pa. Pero napansin pa rin pala dahil nakita pa rin ito ng mabait na doktor. ''Wala po ito.'' sabi ko dito sa doctor. ''Anung wala lumapit ka dito.'' sabi nito saka nito nilinis ang sugat ko. ''Oh bakit ka umiiyak bata? Masakit ba?''Tanong ng doktor na inilingan ko naman. ''Akala ko po kasi talaga,wala ng mabuting tao akong makikilala.Akala ko pababayaan na po talaga ako ng dyos.'' sabi ko na tinawanan ng matanda. ''Hindi totoo yan hijo! Matapang ka lang siguro talaga. kaya sayo binigay ng taas ang ganyang pagsubok. Wag kang mawalan ng pag asa okay? Kaya mo yan.'' sabi nito sa akin matapos nitong linisin ang sugat ko.. Maya-maya pa ay si Lea na ang inasikaso ng doctor, kaya doon namin nalaman at natuklasan na may bara pala si lea sa puso kaya hirap itong huminga. at kailangan na kailangan na itong ma operahan para mawala na ang bara sa puso nito sa lalong madaling panahon. Pero paano? Saan kami kukuha ng pera na nagkakahalaga ng mahigit Isang daang libong piso. Sa totoo lang bigla akong nanlumo. Ano ba ang magagawa ko isa palang akong bata. Baka kahit ibenta ko organ ko sa katawan hindi ko makukuha ung ganung kalaking pera. Saan kami ngayon lalapit para makahiram ng pang paopera dito? May magpapahiram naman kaya sa amin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD